Chapter 2

8 2 1
                                    

Dumaan ang sabado at linggo. Si mama ay pinirmahan na ang parents' consent para sa pagpunta sa MCXtech. Ayaw ko sana dahil pinoproseso na ang mga papeles para sa annulment nila mama at papa. Pinaglalaban kung saang custody ako mapupunta. One month ako mawawala, at alam kong iiyak siya. Mahal niya si papa pero di siya tanga para mabulag sa pagmamahal niya kay papa. Masakit para sakin but I'm the type of person na iiyak lang at masasaktan pero mabilis agad makamove on. I don't know bakit ako ganon pero thankful ako sa ganoong ugali ko.

Tuesday ngayon at kakatapos lang ng klase. Nasa festival ako, foodcourt at nagsasagot ng general math ng pinsan ko. Nagchat kase sakin tapos bigla na lang nagsend ng equation. About sa exponential equation.

Habang nagsosolve may umupong lalaki sa harap ko. “May i sit here? Wala na kaseng upuan.” Seryosong sabi nito.

Wow ah. Nakaupo na nga siya eh tapos nagpapaalam pa. Palihim ako napasiring. Di ko siya sinagot at tumango lang ako. “Base on your uniform, you are from the Myers Sh. Grade 11 or 12?” He ask while sipping to his cokefloat.

Umangat ang tingin ko sa kanya at napataas ng kilay. Tinignan ko siya ng maigi. Mukha siyang japanese. Magulong buhok, may tatlong pierce sa isang tenga. At mukhang parang laging may masamang balak. “I’m grade 11,” I said then continue to solve the math equation.

Ramdam ko ang tingin niya sa notebook na sinusulatan ko. Ano ba itong lalaking ito. Parang chismoso.

“Exponential equation huh? What strand?” He asked. My god, bat ba to tanong ng tanong.

Bumuntong hininga ako, “stem.” Sagot ko at magpapatuloy na sana sa ginagawa nang magtanong ulit siya.

“Yeah stem, mag eengineer ka? or perhaps a doctor? But you look like good in math, you should take engineering.” he said.

Padabog kong binagsak ang kamay ko sa lamesa. Tinignan niya lang ako at tinaas ang kilay mukhang di nagulat sa aksyong ginawa ko. “To tell you frankly, hindi lang sa math ako magaling kung ’di sa lahat ng subjects. So please, shut up your mouth, don't ask and just sit there. You are disturbing me.” Seryoso kong sabi.

Nagpatuloy ako magsagot, may binulong pa siya pero di ko na narinig masyado na akong nahumaling kakasolve ng math. Nakakaadik magsagot, lalo na kapag nakuha mo ng tama yung solve mo. Di ko namalayan na umalis na pala siya.

Creepy guy.

Maya maya pa ay dumating na sila Rez at Dian. Mag gagala muna kaming tatlo dahil aalis na ako bukas para sa project ng MCXtech. “Giiirrl mamimiss ka namin. Hanap ka ng fafa doon ah. Chariz.” Dian.

“harot nito.” Rez.

“Btw nakakita kami ng isang gwapong guy kanina sa labas ng festi.” Sabi ni Dian, kakarating lang yun na agad yung bungad.

“Oo beh! Nakapierce pa ang angas gagggiiiiii.” sabi ni Rez at tumitili tili pa ng mahina.

Umirap naman ako. Kaloka. Pero wait. May pierce?

“Mukha bang japanese?” Tanong ko.

“Ay oo! Gwapo talaga.”

Iba naman siguro yung nakita nila.

*******

Dumating ang Wednesday, oras na para dumating kami sa MCXtech. Sobrang kaunti lang ang sumali sa school namin. 20 kami lahat. Yung iba taga ibang strand. Apat na HE, 6 na ICT, 5 ABM, 2 GAS, at tatlong stem. Ako lang mag isa ang sumali sa section namin. Yung dalawa ay magkaklase.

Tinignan ko ang letter na hawak ko, invitation letter galing mismo sa MCXtech. Lahat kami ay nasa labas ng school at hinihintay si ma'am Crazie na dumating. Ready na rin ang mga gamit ko, good for 1 month. Nag paalam na ako sa mga kaibigan ko, kay mama at papa.

Game of Month Where stories live. Discover now