Chapter 3

4 0 0
                                    

Sa malaking cube na iyon, bumukas ang malaking sliding door glass at iniluwa non ay ang lalaking naka all white lab gown. “Goodafternoon everyone. I am Mr. Solas Rivuena, you can call me Mr. Sol. I am the incharge person for the National Myers Sh.”
Sabi nito at yumuko pa ng slight. Korean lang?

“Goodafternoon Mr. Sol. I am Ms. Crazie, one of the teachers handling the project of MCXtech. And he's Mr. Orchea.” Pagpapakilala nito.

Tumango naman si Mr. Sol
“Lahat na po ba kayo ay nakapagready na?” Sabi pa nito. Tumango naman kami lahat. “Bago tayo pumasok sa loob. Let me explain the simple rule here in MCXtech.”

Mag aalas singko na kaya lumalakas na yung hangin dahil papagabi na. Yinakap ko ang braso ko, at pinakiramdam ang hanging bumabalot sa akin. “ang lamig.” bulong ni Yunna, at yumakap pa sa braso ko. Feeling close yarn?

“All of you please line up horizontally.”

Nagtaka naman kami kung bakit, pero sinunod rin namin. Nasa unang linya ako, at nasa pangalawang linya si Yunna.

“Count, start with one.” Sabi nito at tinuro ang lalaking nasa parehas kung linya pero nasa right side.

“1”

“2”

“3”

“4” Ako.

“5”

“6”

Nagpatuloy magbilang lahat hanggang sa “20” Pinaka last is yung abm na nakasalamin.

“Ang mga number na nabanggit niyo, ay iyon ang magiging room number niyo.” Nagulat naman kami.

Kase hindi kami ang magkakaroom mate??

“Yes, you are right.” Sabi nito at nakatingin pa sakin, parang alam niya iniisip ko ah. “Hindi kayo ang magkaka roommate, kung ’di mga sh students rin na kaparehas niyo ng number. Maaaring hindi kayo magkakakilala o kilala niyo na pala. 10 person per room. Lahat ng kailangan niyo ay nandun na. Just press the green buzzer if you need something else. Hindi rin kasama ang mga teacher na kasama niyo ngayon, sa ibang room sila matutulog. Dahil di naman sila kasali sa game.”

“The game will start tomorrow, exactly at 6 am. Bawal lumabas ng room, bawal gumala, makikita niyo rin naman ang buong MCXtech kapag nagsimula na ang laro. May mga katanungan ba?”

“Bakit bukas na po agad yung laro, wala kaming pahinga.” Tanong nung lalaki sa dulo.

“Kaya dapat pagpunta niyo sa room number niyo, kumain na kayo at matulog. Wag ng mag isip. Ayun lang. Pumasok na kayo sa sliding door, hindi ko na kayo masasamahan. Merong mag gaguide sa inyo doon.”

Lahat kami nagpila pila, bago pumasok. Kinder lang? Cherez.

Pagpasok namin sa sliding door. Puro puti ang nakikita namin. Tama nga si ma'am. Ang nakikita namin sa labas ay hindi iyon ang totoong laman ng loob. Dahil ang nakita namin sa loob hindi hallway kun ’di elevator. Malaking elevator. When I say na malaking elevator, kasya kaming 20 students.

Aakyat kami sa taas? sa laki ng cube na ito parang kaseng laki ng building tapos kasing laki rin ng bldg yung width nito kase nga cube. All of the side must be equal.

“Haahhhh.. ang laki. Lahat na lang dito malaki. Ako na lang ang maliit.” Naiiyak kunyari na sabi ni Yunna. Maliit nga siya. Hanggang balikat ko lang eh.

Lahat kami pumasok, may nagbubulungan sa gilid, nag uusap ang lahat. Nagsara na ang elevator. Inikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng elevator.

“Wala bang CCTV dito? Wala akong makita eh.” Sabi ng taga ICT.

“MCXtech to ’teh, malamang may CCTV dito.” sabi nung baklang taga h.e.

“Merong cctv dito.” Singit ko at lahat naman sila napatingin sakin. Tinuro ko ang cctv sa pinagtataguan niya. Nasa taas mismo namin at sa screen na nagsasabi kung asang floor na kami.

“Wow, talagang nakita mo pa yan? Sobrang liit. Di kaya langgam na yan?” Sabi nung lalaking na tinititigan talaga yung cctv sa taas namin. Kumaway kaway pa nga.

Napatahimik ako bigla nang may mapansin ako. Hindi pataas ang dereksyon ng elevator na ito. Kundi pababa??

Tinignan ko ang screen na nagsasabi kung saang floor na kami. Negative 9. So it means, pababa nga? papuntang underground? “Bakit pala nakanegative itong floor na ’to.” Napansin rin nung kaibigan ni Yunna.

I-e-explain ko na sana kaso naunahan ako ng isang lalaking taga IT. Inexplain niya ito habang naglalaro sa kanyang psp. “Hindi paakyat ang direksyon natin, kundi pababa. Napansin ko rin ito kanina nung binuksan ko ang cp ko at walang signal.” Sabi pa nito. “shit! nataya!” sabi niya at sabay kamot ulo.

Butinga. You stole my spotlight. Lahat sila binuksan yung mga bag nila at kinuha yung cellphone. “hala!! Wala ngang signal, pano ko matatawagan mga parents ko?” sabi nang taga GAS. Di ko alam name nila pero at least, alam ko kung anong strand nila.

Yung iba sa kanila ay nagreklamo, yung iba tahimik lang at napabuntong hininga. Isa na ako dun. Tagal naman ng elevator na ’to.

-40 floor, dahan dahan nagbukas ang elevator. “scary.” sabi ni Yunna at sinukbit na naman ang kanyang kamay sa braso ko.
Bumungad samin ang lamig ng Aircon. As in parang umuusok usok pa sa floorn na ito. Ano to, nasa America lang? Gagi ang lamig naka tshirt lang ako!

Kami ni Yunna ang unang lumabas, sumunod yung iba. “So what's next? Akala ko ba may mag gaguide satin dito?” sabi nung isang babae.

Sa harap namin ay puro salamin, di namin Makita yung loob dahil may naiipong lamig na usok doon. Gagi, gagawin ba nila kaming yelo? “hala gagi, ano yun?”

Isa-isang lumitaw yung maliliit na parang drones. Tapos may ilaw na kulay pula. Bawat isa nun ay lumapit samin isa isa. Nakipagtitigan ako sa drone na nasa harap ko. Dahil alam ko sa likod ng camera na yan ay merong isang taong nanonood samin. Isang tao na alam ang lahat ng nangyayari.

Nagulat na lang ako nang may lumitaw ng isang boses. Tignan mo ’to nakikipagpalisaghan pa ako sa drone tapos may biglang magsasalita. Tanggal angas.

“Follow the drones, they will guide all of you to your respective room number.” Sabi ng isang babaeng robot na boses. Yung parang si siri o boses ni google.

“ay wow ang angas.” bulong nung iba.

Nagyakapan na sila dahil magkakahiwalay na ng room. Sus akala mo naman di magkikita bukas. “Raviiii mamimiss kitaaaa, kita tayo bukas ah!” sabi ni Yunna at niyakap ako ng mahigpit.

Isa isa na silang umalis. At ako na rin. Parang isang maze ’to. Dahil andaming pasikot sikot ng mga salamin. Parang maze pero glass ang gamit. Puno ng hamog ang lahat. Sino-sino kaya ang mga magiging ka room mate ko. Isang buwan ko sila magiging kasama noh. Sana mga matitino.

At sana may wifi rin dito kung walang signal.

Manifesting.

******

Game of Month Where stories live. Discover now