ANG UMPISA

14 1 0
                                    

Ang lahat ay nagtatalo. Nasa sekretong bahagi ako ng silid kung saan mayroong nagaganap na pagpupulong.

"Hindi ako papayag sa nais mong mangyari!" Kausap ng aking ina ang aking ama.

"Ngunit hindi natin siya maaaring dalhin doon ng ganyan ang amoy ng dugo niya!" Sagot ng aking ama.

"Kung ganon ay mananatili kami rito!"

"Hindi maaari! Siya ang susunod na mamumuno sa lugar na ito."

"Hindi mo ba kayang ipaubaya ang kapangyarihan sa iba para lang sa kapakanan ng anak mo?"

"Pakiusap wag na tayong magtalo, Isinumpa ang angkan ng pamilya mo at alam kong hindi tayo magkakaroon ng anak na lalaki kaya pagkasilang palang niya nasa kanya na ang lahat."

Umiling iling ang aking ina.

"Hindi siya masasaktan Vanesa."

"Ayoko hindi ko kaya!"

Niyakap ng aking ama ang aking ina. Lumabas ako sa silid na iyon at nakasalubong ang aking tio.

"Uncle ano oh ang nais gawin ni ama?"

"Nais ka niyang dalhin sa palasyo ngunit-"

"Ngunit?"

"Hindi pang karaniwan ang dugong nananalaytay sa iyo."

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Balang araw maiintindihan mo Valaire."

"Umpisahan mo na Thomas," Umupo sa harap ko si papa upang magkapantay kami. "Pagkatapos nito dadalhin kita sa ating palasyo." Hinawakan niya ang aking pisnge. "Hindi ba gusto mong makita ang palasyo?" Tumango ako bilang sagot.

"Hindi po ba ako masasaktan?" Umiling siya bilang sagot.

Isang scientist si Uncle Thomas. Ngunit may tiwala ako sa kanila dahil pamilya ko sila.

Kasalukuyan akong nakahiga. Maliwanag ang lahat. Ngunit bakit umiiyak si ina?

Unti unting nawawala ang paningin ko ng mayroong itinurok sa akin. Nagkuyom ang aking mga kamao dahil sa sakit na nararamdaman ng katawan ko. Bigla nalang bumilis ang paghinga ko at naramdaman ko din ang mabilis na pagdaloy ng aking dugo.

"Ahhhhhhhh!" Napasigaw nalang ako dahil sa sakit.

"Isa kang tagapag mana Valaire labanan mo yan!" Si ama.

"Tama na hindi niya na kaya!" Umiiyak na pakiusap ni Ina.

Asa mundo kami ng tao, Ako ang dahilan kung bakit hindi makabalik ang aking ama sa palasyo, Dahil ito sa aking dugo.

Kakayanin ko ito!

Iminulat ko ang aking mata at mas luminaw ang lahat.

"Nagtagumpay tayo!"

"Valaire anak!" Yumakap sa akin ang aking ina.

"Kailangan kong itala ang mga ito, at kailangan ko ding gumawa pa ng ibang gamot maiwan ko muna kayo!" Masayang sabi ni Uncle Thomas dahil sa tagumpay niya.

"Ama."

"Maaari na kitang dalhin sa ating palasyo anak."

Nagtagumpay man ang aking Uncle na tanggalin ang amoy ng aking dugo at nakabalik man kami sa palasyo ay isa naman itong trahedya.

Sa palasyo nakita ko ang iba't ibang klase ng tao. Bata palang ako ngunit madali kong naiintindihan ang isang bagay.

"Ina ano hong nangyayari?" Tanong ko.

"Wag kang lalabas Valaire dito ka muna hanggang sa tamang panahon, Mahal na mahal kita anak." Sa isang sekretong silid sa aking higaan isang higaan na mayroong salamangka nanatili ako roon habang pinapanood ang mga nagiging kaganapanm

Ang dugo ay dumanak sa labas at loob ng palasyo. Pilit nilang pinatalsik si ama sa trono, ang lahat ng kasapi ng aking pamilya ay nawala ang aking angkan ay naubos.

Nanatili ako sa higaang may salamangka.

"Babalik ako! Muli akong gigising at uubusin ang angkan niyo!"

HER SWEET BLOODWhere stories live. Discover now