CHAPTER 1: MULING PAGGISING

15 0 0
                                    

AWAKENING

"Ang tamang panahon ay dumating na." Isang tinig mula sa aking ina na alam kong matagal na panahon ng wala.

Sa wakas ay nagising din ako sa panahong hindi sa aking nakaraan.

Iminulat ko ang aking mata at umupo. Napatingin ako sa kamay kong may marka. Ang markang sumisimbolo sa tunay kong pagkatao.

Bigla akong natakam ng mayroon akong naamoy na sariwang nilalang. Hinanap ko ang daan palabas at sinundan iyon. Napahinto ako sa mabilis kong pagtakbo dahil sa nilalang na nakaharang sa aking daraanan.

"Lapastangan!" Naging kulay pula ang kanyang mata. Binalak niya akong hawakan sa leeg ngunit inunahan ko siya.

Bigla nalamang may lumabas na iba't ibang uri ng imahe na ikinahina ng aking katawan.

"Ano ang ginagawa mo sa aking silid?" Siya na ngayon ang may hawak sa aking leeg. "Sino ka? Hindi ka isang tagapag silbi rito!" Mahinahon siya ngunit ang kanyang emosyon ay kakaiba.

Ngumisi ako. "Hindi ka isang tao!" Lumisan ako na kasing bilis ng pagkurap sa kanyang harapan.

Lumitaw ako sa mataas na bahagi ng punong kahoy. Ako ay nagbabalik sa mundong sumira sa aking pamilya.

Nakita ko ang mga kawal na nagkakagulo.

"Mayroong nakapasok na tao!" Dinig kong sabi ng isang kawal malayo man ay narinig ko 'yon

Bigla ko muling naamoy ang sariwang amoy ng dugo. Sinundan ko ang amoy na yon at nakita ang isang lalaki. Nakaupo ito at ang kanyang tuhod ay may dugo. Masyado akong inaakit ng sariwa niyang dugo. Nagpipigil ako dahil sa alaalang pumasok sa aking isipan, Ang mga taong nakasalamuha ko noong nakaraan.

Maraming lumitaw na bampirang kawal sa kanyang harapan at halatang natatakam ang mga ito sa kanya.

"L-lumayo kayo sa akin!" Matapang niyang sabi ngunit halata sa tono ng kanyang boses ang takot.

"Matagal na panahon narin nung huli akong makatikim ng dugo ng tao." Kulay pula ang kanilang mata at mayroon silang pangil.

"Nandito siya sa ating deritoryo ngayon kaya maari natin siyang...."

"Pagsaluhan!" Sabay sabay nilang sabi at aktong dadakmain na siya ng lumitaw ako sa pagitan nila.

"Wag mong ipagtanggol ang taong yan mababang uri ng bambira!" Lumitaw ako sa kanyang harapan na nakahawak na sa kanyang leeg.

"Wala na ba ang batas sa lugar na ito? Hamak na kawal!" Pilit siyang kumakawala sa aking kamay.

"Heneral Apolo." Gumilid ang ibang bambira upang bigyang daan ang lalaking kadarating lang. Nakasuot ito ng pang modernong damit ngunit hindi parin nawawala sa damit na iyon ang markang sumasagisag ng kaharian.

Nagbago na talaga ang lahat!

"Pakiusap binibini bitawan mo ang aking kawal." Mahinahon niyang pakiusap.

Tinignan ko sa mata ang kawal na hawak ko bago siya binitawan.

"Ako ang naunang nakakita sa taong ito, Kaya akin ang buhay niya." Lumapit ako sa lalaki at hinawakan siya sa bandang batok ng kanyang damit at itinayo siya.

"Paumanhin ngunit kailangan namin siyang huliin." Tila ay bigla silang naging alerto para sa gagawing pag atake.

"A-ayokong sumama sa inyo!" Bigla siyang humawak sa aking kamay at lumuhod. "Pakiusap tulungan mo ako!"

Bigla akong napaluhod dahil sa mga imaheng lumitaw sa aking isipan na katulad din ng kanina.

Hindi ko akalaing magigising ako ng ganito kahina! Hindi rin ito maari!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 15, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HER SWEET BLOODWhere stories live. Discover now