Kabanata 4

16.8K 527 78
                                    

Kabanata 4

Kreige

Lintik naman talaga, oo. Hindi ako napupuruhan kapag may laban pero sa anak ni Bea, palagi akong may pasa o kaya dumudugong ilong. Bakit ba kasi gustong-gustong ipatawag ni Daddy ang bubwit na 'to? Heto na naman tuloy ako ngayon at may tissue na naman sa ilong dahil tinamaan ako ng bola ng baseball sa mukha.

"Aw did gweyt?" proud pa niyang tanong sa kunsintidor kong tatay na may buhat sa kanya.

"Yes, you did Khalid," nakangising sabi ni Daddy bago ibinaba ang makulit na bata. He even went on his knees so he could level the little boy's height. "Alright. What else do you wanna do?"

"Sige lang! Kapag 'yang mga buto-buto mo, Daddy nanakit na naman, huwag kang magpapamasahe kay Mama," asik ko ngunit masama akong tiningnan ng magaling na anak ni Bea.

"Huwag mo miusap! Miusap pa ako, eh!" He held Daddy's face and forced to turn Daddy's gaze away from me. "Usto mo wesling?"

"I'm not sure, Khalid but I bet your tito Kreige would love to play with you."

I groaned. "Bakit ako na naman? Mamaya maisugod na ko sa ER sa bigat ng kamay niyan."

"Kreige. . . " malumanay na sita ni Mama.

I sighed and shook my head. "Fine."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sun lounger at nilapitan sila ni Daddy. Paiyakin ko 'tong makulit na 'to, eh.

"Hey. Take it easy on him," Daddy reminded.

I smirked. "Of course I will."

Daddy picked up his juice. "Oh, I wasn't talking to you, son."

Sinimangutan ko si Daddy. Nang makita ko ang pagngisi ni Bea ay inirapan ko siya. What now? Is she really working on my case or she just loves it when my own father is grilling me in front of her?

"Haya!"

I did not see that punch coming. The devil in a baby suit punch me right on my crotch, making me fall on my knees while groaning in pain. Dahil nakayuko ako ay nahawakan niya ako sa ulo saka ako tinuhuran sa mukha. Hindi pa nakuntento! Nang mapahiga ako sa damuhan ay sumampa ay bigla niya akong dinaganan.

Man, I think my ribs broke, but my Dad just laughed his goddamn ass off as if seeing me get beaten up by a toddler is the happiest thing to watch!

"Tangina. . . " namimilipit sa sakit kong mura. Nang marinig iyon ni Khalid ay biglang pinalo ang bibig ko, pero dahil may kabigatan talaga ang kamay ng bubwit, dumugo ang labi ko sa ginawa niya.

Oh, great. Another day of body pain. Damn it!

Patalon-talon at sumusuntok pa sa ere ang dalawang kamao na nagtungo si Khalid kay Daddy. Nakangiti at natatawa namang tinitigan ni Bea ang anak habang kino-congratulate ni Daddy si Khalid.

I didn't mean to stare at her longer than expected. Yes, she's hot but we don't really like each other. Para kaming dalawang bato na palaging nagsasalpukan tuwing nag-uusap kaya nga nagugulat pa rin ako tuwing inilalampaso niya ang kalaban namin sa korte. I am well-aware that she hates me so she's really doing a great job at not messing my case up.

Bea accidentally looked my way. Nang mahuli akong nakatitig ay tinaasan kaagad ako ng kilay.

I smirked then purposely lifted my shirt to show my toned abdomen muscles. Nang uminit ang mukha niya ay pinasadahan ko ng dulo ng dila ang aking ibabang labi.

Tangina, lasang dugo. I almost forgot that her evil son made my lip bleed. Again.

Kung sino man ang tatay ng bubwit na 'to, sarap niyang hamunin ng suntukan.

Bea shifted on her seat when I occupied the vacant chair next to her. It's not like I want to sit next to her, though. I just had no choice but her son stared at me as if I'm hitting on his mother.

"No wigaw sa Mama!" banta ni Khalid.

I scoffed. "Ako, liligawan nanay mo? Never oy. Hindi ko type nanay mo."

Bea lifted both of her brows then sighed. "Don't worry, baby. Ang mga type ni tito Kreige, mga submissive at soft na babae kasi he loves to be dominant."

My brow shot up. "At sinong nagsabi?"

"Your brother, Keios. Nice guy by the way." She smirked. "Are you sure you're not adopted?"

"Daddy, 'yang abogado mo," sumbong ko.

My father sighed. "Women multiply what we give them, Kreige. If you give them sperm, they'll give you a child. If you give them love, they give you a home. If you give them nothing but your bad behavior, you'll taste their nasty tongue."

I sighed. "Yeah. I think I'm adopted. You don't even wanna defend me."

"Eh paano kita ipagtatanggol kung pati bata pinapatulan mo?"

"Hindi ko siya pinatulan. Nagsabi lang ako ng totoo kahapon na kung puro hotdogs at bacon ang kakainin niya, he'd grow up a fat kid and everyone at school will bully him."

My dad smirked. "So you did that because you care for this little guy, huh? Mahal, mukhang may pag-asa pa naman pala."

I groaned. Nang makita ko ang pagngisi ni Bea sa sinabi ni Daddy ay nayayamot ko siyang tiningnan. "Isa ka pa. Nandito ka ba talaga para i-discuss ang kaso o para lang makisali sa panggigisa ng daddy ko?"

"Why? Matino na ba ang utak mo ngayon? Makakausap na ba kita nang matino? Kung hindi, huwag mong sayangin ang oras ko."

I clenched my jaw. "Just discuss it, alright? Nang maiuwi mo na 'yang bubwit na 'yan bago pa kung ano na namang gawin niyan sa'kin."

"Weh? Itawot-tawot lang itaw mitalo, eh!" sabat ng magaling niyang anak na kandong na ni Daddy ngayon.

"Ako? Takot matalo?" I scoffed. "Isabit pa kita nang patiwarik."

Daddy sighed. "Paano ka magkakaroon ng sarili mong pamilya kung ganyan ka sa bata?"

"Who said I want a kid?"

"You proposed to Crystal before."

"So? Having a wife doesn't mean I want kids."

Bea sighed while shaking her head. "Alam mo, tito Khalil? Kung may naanakan man 'to, baka mas gustuhin na lang maging single Mom kaysa ipakilala ang anak sa ganitong tatay."

Magkukumento pa sana si Daddy kung hindi lang lumapit ang katulong at sinabing hinahanap sila ni kuya Klinn. Sumama naman si Khalid sa kanila kaya kami na lamang ni Bea ang naiwan sa pool area.

Umismid ako nang taasan niya ako ng kilay. "Huwag kang mag-alala. Hindi kita aanakan. Maganda ka't matalino pero ayaw ko sayo. Kahit lasing ako hindi kita papatulan."

Bea flashed a mischievous smirk. "Really now, huh?" She licked her lower lip, making me unconsciously drift my gaze towards it. "Then why are you staring at my lips as if you wanna kiss me, hmm?" she asked in a seductive way.

Wala sa sariling nanatili ang titig ko sa kanyang mga labi. "I do. . . "

"You do, hmm? Then why don't you kiss me now?" she asked. Nang-aakit pa rin ang tinig.

Para akong nahihipnotismong yumuko, ngunit nang akmang hahalikan ko na siya ay sumapok sa aking mukha ang folder niya.

"Hindi aanakan pala, ha?" She smirked. "Magpakabusog ka sa sarili mong salita, Kreige. Magpakabusog ka lang."

I clenched my jaw and narrowed my eyes. Sa inis ko ay iniwan ko siya sa pool area, ngunit bago pa ako nakapasok sa bahay ay muli ko siyang nilingon.

Bea saw me glancing at her. Mayamaya ay pinakitaan niya ako ng gitna niyang daliri saka siya ngumisi.

I sighed and rubbed my palm on my face. I fucking hate her. . .

DUCANI LEGACY SERIES #5: KREIGE (Exclusively Available In The VIP Group)Where stories live. Discover now