PROLOGUE

3 1 0
                                    

Prologue

I was busy typing on my phone, contacting my friends if they could still come to this Resto-Bar that we decided to turn into a meeting place. 


Well, its been a years since the last time na nagkita kita kaming magkaka-ibigan. I think, 5 years. Medyo matagal narin simula ng umalis ako dito at umuwi sa probinsiya para doon na lang ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo.


And now here I am. Sitting in one of the chairs at the front bar. 5 minutes narin ang nakakalipas since I arrive here. Sobrang tagal nilang dumating akala ko pa naman kanina pa sila nandito, minamadali pa naman nila ako kanina.


Hindi pa rin talaga sila nagbabago, 5 years na ang nakakalipas ganun pa rin sila. Paano kaya nila nalaman na bumalik na ako dito sa maynila. Pagkaka-alam ko kasi wala akong pinag-sabihan na babalik na ako rito. Hindi ko rin naman kasi inaasahan na babalik pa rin ako dito. Biglaan lang ang pag-alis ko sa probinsya.


Kailangan na kailangan ko rin kasi ng trabaho ngayon. Para mabuhay, i guess. Itinakwil kasi ako ng sarili kong pamilya matapos nilang malaman na 2 years na akong huminto sa pag-aaral sa kolehiyo. 4th year college na sana ako ngayon sa kursong Bachelor of Science in Elementary Education kung hindi ako huminto.


Kailangan na kailangan ko kasi talaga ng pera that time. May sakit si Lola dulot ng katandaan, i have to take her to the hospital. I just can't let her die knowing na may maitutulong naman ako. Sakabila ng ginawa nya ay hindi ko maaatim na pabayaan siya. Galit ako, oo ,  pero hanggang doon lang yun. Mahal ko rin naman si Lola kahit 'di ko sabihin.


Ang Lola Enid ko ay ina ng ina ko. Pero dahil sa malaking kasalanan na ginawa ng lola ko sa pamilya ko. Simula noon ay hindi na nagkausap pang muli si Mommy at Lola Enid. Ilang beses kong kinausap si Mom, na tulungan si Lola sa kabila ng nagawa nitong kasalanan. But she keeps on avoiding the topic especially kapag si Lola na ang pinag-uusapan.

Dumating panga yung time na nagkasagutan kami ni Mommy, dahil sa kahit anong sabihin ko. Ayaw niyang makinig at tulungan si Lola. Kahit kailan daw ay hindi niya ito mapapatawad. Kapag ipinag-pilitan ko pa raw ang gusto ko ay baka makalimutan niyang anak niya ako. That's the time when i decided na ako nalang ang tutulong kay Lola, and yun nga huminto ako ng pag-aaral just to help her.


Pero... Nawala rin siya. Sabi niya sa'kin noon kapag lumakas na ulit siya. Sasabihin niya sa'kin ang lahat ng nangyari. Pero yun nga after 2 years binawian rin ng buhay si Lola. At makalipas ang ilang araw, nalaman ng parents ko na huminto ako ng pag-aaral dahil sa tinulungan ko si Lola. Hindi man lang ako pinakinggan ni Mom, pinakuha lahat ng gamit ko sa kwarto ko at pinalayas ako.

I tried to ask for a help to Dad, but he ignored me. I know na sinabihan niya ako na kapag dumating yung time na 'to wala siyang magagawa para sa'kin. He knows na kahit anong sabihin niya hindi rin makikinig si Mom.

Pinutol lahat ni Mom, ang credit card ko. And yun wala akong nagawa kung hindi ang umalis nalang talaga sa probinsya. Ngayon nabubuhay nalang akong mag-isa at hindi alam kung saan mag-uumpisa.


Naisipan kung pumasok ulit sa kolihiyo at ibang kurso ang kunin dahil sa totoo lang ayaw ko naman talagang maging isang guro. Kagustuhan lang naman ni Mommy yun kaya ko kinuha. Hayst, hindi ko dapat isipin muna ang pag-aaral. Trabaho ang kailangan ko ngayon to survive.



Naputol ang pag-iisip ko ng mapukaw ang pansin ko ng Bartender na nagsasalita sa harap ko ngayon habang hawak-hawak ang isang bote ng tequilla sa kanang kamay nito at sa kaliwang kamay naman ay basahan. Tingin ko ay nagpupunas ito kanina ng mapansin akong nakatulala.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Mar 22, 2023 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

To Marry Again (Ongoing)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang