Chapter 1, I met this unknown guy.

852 17 4
                                    

Hanggang ngayon iniisip ko kung saan ba ako dapat lumugar. Napakadaming pumapasok sa isip ko na kahit isa hindi ko mailabas dahil hindi ko alam kung pa-paano ako magsisimula.

Takot. Puro na lang takot at pangamba 'tong nararamdaman ng puso't isip ko. Natatakot ako na baka bigla na lang sumulpot si Papa na parang walang nangyari. Natatakot ako na baka guluhin niya ulit kami ni Mama kung kailan namumuhay na kami nang tahimik. At higit sa lahat, natatakot na 'kong pumasok sa tinatawag nilang pag ibig. Natatakot ako na baka mangyari rin sa'kin ang ginawa ng walang kwenta kong tatay sa mama ko. Kung may pagkakataon lang mamili ng magulang, sana hindi na lang siya ang naging tatay ko. Mas masahol pa siya sa hayop.











Everything starts with the three days free band concert at my school. We had to spend the whole week in school since we were making preparations for everything. Unlike other colleges that are now conducting face-to-face classes, we are still taking online classes.

I was a member of the English department, and my department worked on the script writing, hosting, and also preparing for the whole stuff that needed for the entire concert. Too much to tell them by each. Anyway, I was fortunate that the only work I did was as an assistant writer, organizing the student names of each department's staff, and making sure that everyone with their distinct roles must be applied.


First day. I met this broad shoulder guy. Nagmamadali pa akong bumaba ng jeep dahil buong akala ko'y late na naman ako. Makukutusan na talaga ako ng mga kaklase ko dahil lagi akong late!

Pababa pa lang ako sa overpass, at hinahanap ko na agad kung mga kaklase ko ba 'yong mga nakatayo sa harap ng puregold. Buti naman at sila nga. Ang dami kasing istudyante na nasa paligid, for sure inaantay din ang mga kaklase nila.

Pagkatapak ko sa baba ng panghuling hagdan nang may isang lalaking nakabangga sa'kin at ka-muntik pa 'ko matisod! Buti na lang nahawakan niya ang kaliwang braso ko kun'di masusubsob ako. Papunta rin kasi siya sa way na pupuntahan ko. Medyo siksikan din dahil maraming taong naglalakad pa-akyat ng overpass. Hindi ko pa siya nalingon nang bitawan na niya 'ko nung makita niya sigurong nakatayo na 'ko ng maayos saka nagpatuloy lang sa paglalakad na parang walang nangyari.

"Kulay dark blue with grey na hawk bag.." Bulong ka pa sa sarili. Ni-hindi ko man lang nakita ang mukha niya. Alangan tumakbo pa 'ko at tignan ang mukha niya?

Sinundan lang ng mga mata ko ang direksyon na nilalakaran nang lalaki saka naman dahan-dahan akong naglalakad para gumilid at nang 'di nakaharang sa daan. Kita ko namang lumapit ang limang lalaki sakanya saka nagkukwentuhan at nagtatawanan sila habang naglalakad papunta sa direksyon ng school.

"Huy tangina ka!" Pang-gugulat pa ni Ericka sa'kin sabay hampas sa braso ko.

"Aray naman!" Pagrereklamo ko saka tinignan siya.

"Beh! Baka naman gusto mo magtutuli ng tenga? Kanina pa kami sigaw ng sigaw do'n 'di ka namamansin? Famous ka na ba sis?" Taas kilay niyang sabi sabay irap sa'kin. Napangiti na lang tuloy ako.

"May pogi na naman ba? Makatingin ka kala mo ka-hawig ni Heesung yung nakita mo ah?" Dagdag niya saka tumingin sa direksyon na tinitignan ko kanina.

"Mala-Sunghoon siya sis"

"'Yong tangkad, yung likod, yung hairstyle, ta's moreno! pati yung lapad ng balikat!.. ay hindi mas broad yung balikat nung lalaking nakabanggaan ko" Malaking ngiti kong paliwanag.

"Angas ah. 'Yan mga type mo sa lalaki e" Sagot niya. "Nakita mo ba mukha? Mamaya pangit pala" dagdag niya.

"Hindi nga e nakakainis" Sabi ko saka naglakad papunta sa mga kaklase kong kanina pa nakatayo sa harap ng puregold. "Pero natandaan ko yung bag niya, hanapin ko yun mamaya" Dagdag ko.

Surprised, It Was Him!Where stories live. Discover now