Chapter 3 - She Lands

10 0 0
                                    

Nanunulis ang nguso ni Gemfire habang nakaharap sa sarado pang pintuan ng ultrasonic jet. Asar sya dahil pinilit sya ni Balthazar na magpalit ng damit para sa pagbaba nya sa eroplano. Paliwanag ni Balthazar na unang beses syang makikita ng mga tao hindi lang sa airport kundi sa buong mundo dahil malamang ico-cover ang diplomatic visit nya ng international news agencies gaya ng CNN, New York Times at Fox News. Kailangang maganda daw ang first impression nya, at isa pa'y babati daw sa kanya ang presidente ng Pilipinas, kaya't common courtesy lang daw yon from one sovereign to another ika nga.

Huminga na lang siya ng malalim para ikalma ang pakiramdam, at ngumiti gaya ng training nya mula pagkabata. Isa na sa mga talent nya ang itago ang mga nararamdaman para hindi ito makita ng mga taong kausap nya, bagkus kaya nyang ipakita sa madla na lagi syang masaya at kalmado.

Tumayo sa tabi nya si Balthazar, nakadamit ng tuxedo at nakasuklay ng mabuti ang kulay pilak nyang buhok, bigote at balbas. Kung titingnan sya ng biglaan ng ninuman, aakalain nilang isa lang syang payat na matanda, mas matangkad ng normal kesa sa usual pero hindi naman kakaiba. Lingid sa kaalaman ng marami, isang batikang special forces veteran si Balthazar ng pinakamababagsik na Black Ops squads ng Europe. Sa intelligence community ng Europe, isang banggit lang ng pangalan nya'y sapat na para manginig sa takot ang pinakamataas na heneral dahil alam nila kung gaano kagaling ito.

Nagkatinginan sina Gemfire at Balthazar ng sandali, isang tahimik na pagkakaintindihan ang namagitan sa kanila. Lubos ang tiwala ni Gemfire kay Balthazar dahil sya na ang bodyguard nya mula pagkabata at para na rin syang Tiyo nito. Alam ni Gemfire na sasalo si Balthazar ng bala para sa kanya, at dahil doo'y pinangangahalagahan sya ng buong pamilyang royal. Tumungo sila ng sabay at nagsignal si Balthazar na buksan na ang pinto.

Unti-unting pumasok sa loob ng jet ang nakakasilaw na liwanag ng araw ng Pilipinas, at kuminang pabalik ang suot nyang mga jewelry at damit. Lumakad sila unti-unti palabas ng eroplano.


***


Napabuntong-hininga si Brent nang ilapag nya ang backpack nya sa lamesa pagpasok nya sa bahay. Medyo marami-raming naibigay na trabaho sa kanya si Mr. Jungco dahil isa sa mga clerk ay nag-absent. Napilitan si Brent na matuto ng paggawa ng Trial Balance ng biglaan dahil kailangan ng klieynte nila this evening at walang ibang mapagbigyan ng trabaho. Of course panay ang pintas na naabutan nya kay Mr. Jungco dahil sa bagal ng pag-submit nya ng Trial Balance, kahit na sa huli'y tama naman ang balanse at narinig ni Brent na sabihin ni Mr. Jungco sa kliyente na sarili nyang ginawa yon at hindi ipinaubaya sa iba. Napakibit-balikat na lang si Brent non, dahil wala naman syang karapatang magreklamo. Menor de edad sya at under the table pa ang bayad sa kanya non.

Napansin nya na nakatitig ang Mom at Dad nya sa TV at nagtaka sya kung bakit sobrang interesado sila sa mukhang news report na ipinapalabas don. Umupo sya sa tabi nila sa sofa at nakinood na rin.

Maliwanag ang ilaw na nagmumula sa TV at nagdagdag sa ilaw ng sala nila dahil dumidilim na sa labas. Narinig ni Brent ang parang militar na cadence ng pananalita ng reporter na nagsasaad ng mga pangyayari kanina sa airport.

"Makikita natin mga kabayan," Report ng naka three-piece suit na announcer na lalaki, hawak ang microphone at tumuturo sa direksyon ng ultrasonic jet para ifocus doon ng cameraman. "na dumating na ang diplomatic mission ng Arborea at naunang lumabas ang mga sundalo nito. Ayon sa mga balita ay elite forces lahat ng mga sundalo ng Royal Guard, at pumaligid sila sa red carpet na dadaanan ng prinsesa. Coordinated ang mga uniform nila, pulos itim na military uniforms na may highlights na pula at ginto, ang official colors ng bansa ng Arborea."

Nakita nilang lumabas ang prinsesa mula sa jet, at maririnig kahit sa TV ang gulat na paghinga ng mga tao sa paligid. Halos natahimik ang lahat dahil sa pagkamangha sa nakikita nila, at napansin ni Brent na kahit ang mga magulang nya at siya'y napatigil ng hininga. Parang nag-freeze ang oras at nakalimutan ng lahat ng tao gumalaw.

Halos nakakasilaw ang pagkinang ng damit at brilyante na suot ng prinsesa nang lumabas sya sa jet at tamaan ng ilaw ng araw. Kulay red and gold din ang suot ng prinsesa, puti ang ibang parte ng damit nito pero karamihan ng pagkinang ay mula sa korona na suot nya, ginto at pula na kitang-kita na tadtad ng rubies. Ang mga puting parte ng damit nya'y kumikinang din dahil sa halatang pure gold and silver threads, at ang haba ng saya niya'y hanggang paa, pero kita pa rin ang mala-kristal na sapatos nya. Nakakamangha man ang damit ng prinsesa, parang retaso ang mga ito kung ikukumpara sa kung gaano kaganda ang mukha at katawan nya. Halatang maganda kahit malayo ang prinsesa, makinis ang balat, balingkinitan ang katawan pero hindi sobrang payat, at matikas ang tindig, tanda ng malakas na katawan at maliksing pag-iisip.

Napatalon si Brent nung tumili bigla ang Mom nya sa tabi nya. "Ang ganda-ganda ng prinsesa!!!" Sigaw ni Ma habang pumapaypay ang mga kamay nya sa paligid ng mga pisngi nya. Ginagawa nya ito tuwing sobrang tuwa sya. "Para syang manyika! Ang ganda-ganda!!!"

Medyo gulat si Brent sa ginagawa ng Mom nya dahil madalang na magpakita siya ng galak na ganon. Pero nung tumingin sya uli sa TV, umamin sya na tama si Ma. Maganda ang prinsesa. Kahit malayo ang shot ng camera ay kitang-kita na lubos-lubosan sa normal ang kagandahan nito. Blonde ang buhok na hanggang baywang nya, asul ang kulay ng mga mata, at nung ngumiti ito'y halos mahilo sya sa karikitan ng nakikita nya. Nakita nyang tumungo ang Dad nya, parang tahimik na umaayon sa Mom nya. Ganon si Dad, tahimik lang pero kung magsasalita siya'y malalim at madalas nakakatawa kung may pag-iisip ka na maintindihan ito.

Iniling ni Brent ang ulo nya dahil parang umakyat ang hangin sa utak nya sa kagandahan ng prinsesa ng Arborea. Pinilit nyang obserbahan ng neutral ito habang lumalakad sa red carpet para makipag-usap sa Presidente at in-escort ito patungo sa mga itim na bulletproof limousine na nag-iintay sa kanila. Walang tigil ang mga flash ng camera habang kinukunan sila at dinig na dinig ang sigaw ng mga reporter na gustong magtanong sa prinsesa, pero pinipigilan sila ng mga sundalo ng pinas at ng bodyguards ng prinsesa.

Pero bago sumakay ang prinsesa sa kotse ay humarap uli ito ng isang beses sa mga camera at kumaway. Hindi malaman ni Brent kung bakit pero parang natuwa sya sa ginawa nito. Parang nakita nya na gustong makipag-kaibigan sa mga manonood. Siguro ito na nga ang sinasabi nilang pagiging diplomatic, ang pag-extend ng figurative na pakikipag-kamay sa lahat ng tao. Halos masilaw ang lahat sa dami ng mga camera flash na kuha ng kuha hanggang pumasok ang prinsesa sa limousine at unti-unting umandar paalis.

Tuloy pa rin ang daldal ng reporter nung umalis na ang limo mula sa airport, dine-describe ang state ng mga tao doon. Parang shocked pa rin ang madla at nag-iba ang anticipation nila mula sa pag-antay ng prinsesa sa anticipation na makilala ito.

Umiling si Brent at naisip nya na kahit siguro magdeklara ng national holiday ang presidente ay magiging magulo pa rin ang bansa dahil sa bisitang ito. Tumayo sya at lumakad papuntang kitchen para kumain ng hapunan habang nag-iisip na mabuti na lang at hindi sya derektang maaapektuhan ng bisita. Paano ba naman, isang regular na citizen lang naman sya, na parte ng isang regular na pamilya. Masaya na sya doon dahil ayaw nya na napapansin sya sa mga ginagawa nyang pang araw-araw. Tinawag na nya ang mga magulang nya para kumain at nag-umpisa silang magdasal pasasalamat sa Diyos pag upo nila. Masaya na silang magkakasama sila habang kumakain.

The Princess and the PinoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon