Chapter 6

4 0 0
                                    

Nagising ako sa hindi pamilyar na silid, mabilis akong napabangon mula sa pagkakahiga sa pag-aakalang maling bahay ang napasukan ko. Ngunit nang magproseso sa utak ko ay doon lang ako kumalma, naalala kong nandirito pala ako sa bahay ni Hunther.

Umalis ako nang kama at dumeritso sa banyo, kagabi ay hindi ko maiwasang hindi mamangha nang makapasok ako rito sa loob nang kwarto maging sa pagpasok ko sa loob nang banyo, halatang pangmayaman at nakakatakot hawakan dahil baka madumihan o masira.

Ginamit ko ang toothbrush na ginamit ko kagabi, hindi ko alam kung kanino ito ngunit mukhang bago kung kaya ginamit ko na. Lumabas ako nang banyo at halos mapatalon ako sa gulat nang bumungad sa akin ang walang emosyon na mukha ni Hunther, nasa harap ko ito mismo.

"Ano ba! Nanggugulat ka." Pasigaw kong sabi dahil sa pagkagulat.

"Let's talk." Hindi niya pinansin ang sinabi ko, bagkus iyon ang sinabi niya.

"Ano na naman ang pag-uusapan natin?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Saglit ako nitong tinignan at naglakad papunta sa sofang nasa gilid at doon umupo. Ako naman ay sumunod sa kaniya at umupo sa kamang pinaghigaan ko, katapat lang nito ang sofa na kinauupuan niya.

"I'll give you a one week to think of it." Aniya sa malamig at malalim na boses.

"To think of what?" Tanong ko habang magkasalubong ang parehong kilay.

"About the arrange marriage." Seryoso nitong sagot.

Napangisi ako at pagak na natawa sa sinabi niya. "Hindi na magbabago ang desisyon ko. Ngayon kung wala ka nang sasabihin pwedi bang ihatid mo na ako sa bahay namin? Kailangan ko ng umuwi sa amin." Seryoso kong tugon sa sinabi niya.

Tipid lang itong tumango, saglit akong tinitigan. Pansin ko ang pagtaas at baba ng kaniyang adams apple. Tumayo na siya at inayos ang suot na business suit.

"Let's eat before we go." Aniya bago nagpaunang naglakad palabas ng kwarto, agad akong tumayo at sumunod sa kaniya papalabas.

Pagkarating namin sa dining area ay nakaprepara na ang mga pagkain para sa almusal. Napatingin ako sa deriksyon niya. "Ikaw ba ang nagluto nito?" Maang kong tanong sa kaniya.

Tipid siyang tumango. "Yeah."

Ayaw ko man siyang makasabay kumain ngunit wala akong ibang pagpipilian kundi ang kumain at makisabay sa kaniya, naglalaway na rin ang bagang ko dahil sa mga pagkaing nakahanda.

After an hours, naihatid na rin niya ako sa kung saan ako totoong nakatira. Sa labas pa lang ng bahay namin ay tanaw at kita ko na ang aking Ina na naghihintay sa akin. I immediately exited to the car and run towards to my mother. Forgotten about him.

Isang gabi lang na hindi ko nakasama si Mama ay na-miss ko kaagad ito. I forgot about Hunther, lumabas ako ng sasakyan na hindi nagpapaalam sa kaniya, nang hindi man lang nagpapasalamat sa kaniya. But afterall it was all his fault, he brought me in his house, and taking me back here is his responsibility.

"Sinong naghatid sa'yo? Bakit hindi mo man lang pinababa at pinatuloy dito?" Pagtatanong ni Mama.

Natahimik lang ako at napatingin sa sasakyan niyang papaalis pa lang bago ibinalik ang tingin kay Mama.

"Busy po siya kaya umalis na, hayaan mo na Ma," alanganin kong sabi, hindi ko gawaing magsinungaling pero kailangan, eh.

...

Dahil sabado naman ngayon, walang pasok at wala rin akong pasok sa coffee shop. Katatapos ko lang maligo ng tumawag si Marie.

"Hello?" bungad ko habang pinupunasan ang buhok.

"Yara, free ka ba today? Labas naman tayo," masiglang boses na aniya.

Napakagat ako sa ilalim ng pisngi ko bago napangiti. "Sure, sige. So saan tayo magkikita?"

Nang matapos nitong sabihin kung saan ay agad na rin nitong tinapos ang tawag. Inayos ko na ang sarili ko bago lumabas ng sariling kwarto.

"Mama?" tawag ko upang magpaalam. Nang makita ko itong lumabas ng kusina ay lumapit ako dito at humalik sa pisngi niya. "Alis po muna ako, lalabas kami ni Marie."

Ngumiti si Mama bago tumango. "Sige, mag-iingat kayo," paalala niya na tinanguan ko lang bilang tugon.

...

"Doon tayo sa coffee shop," hindi na nito hinintay ang sasabihin ko dahil hinila na niya ako papasok sa isang coffee shop dito sa loob ng mall.

Agad itong umorder ng frape at slice cake para sa aming dalawa, magara ang loob ng coffee shop hindi kagaya ng pinagtratrabahuan kong coffee shop.

"Mahal ba ang pagkain nila dito?" mahinang tanong ko sa kaniya at bahagya pa siyang hinila.

"Hindi naman," tipid na sagot nito ngunit ng mapatingin ako sa hawak nitong menu ay napanganga ako.

"Halika na, lumabas na tayo dito," nakangiwi kong pag-aya sa kaniya. Mas mataas pa sa sweldo ko ang presyo ng isang frape idagdag mo pang bumili rin siya ng slice cake.

Ngunit nang akma ko na siyang hihilain patayo ay dumating naman ang waiter dala ang inorder niya. Napabuntong hininga na lamang ako at bumalik sa pagkakaupo.

Hinayaan naming ilapag ng waiter ang inorder na pagkain sa mesa at ng makaalis ay tsaka ko tinignan si Marie na ngayon ay malawak ng nakangiti sa akin.

"Ang mahal nito," reklamo ko sa kaniya habang nakatingin sa inorder niyang nasa mesa.

"Ako naman ang magbabayad hindi ikaw, kakainin naman natin hindi masasayang," aniya at uminom sa sariling frape. Umirap ako sa kaniya habang masama ang tingin.

"Kanino ba kasing may-ari ito coffee shop at ang mahal-mahal ng pagkain," mahinang reklamo ko sa kaniya.

Nagtaka ako ng mapansing halos maibuga niya ang iniinom ng marinig ang sinabi ko. Tinapik ako nito at pinanliitan ng mga mata.

"Huwag ka ngang maingay Yara," sita nito at inilibot ang tingin. Pinagkunutan ko siya ng noo dahil sa sinabi niya. "Hindi mo ba kilala kung kanino may-ari ito?"

Umirap ako sa hangin bago sumagot sa kaniya. "Magtatanong ba ako kung alam ko?" sarkastikong tanong ko sa kaniya.

"Oh, you really don't know. The owner of this cafe is not just a billionaire and a business man he's also a dangerous man. Hindi ka kasi madalas lumabas at gumala, kilala ang coffee shop na ito sa iba't ibang panig ng Pilipinas dahil na rin sa maraming branch nito." mahinang boses na paliwanag niya habang nakatingin sa akin.

Tinignan ko siya na para bang wala lang ang sinabi niya, ano naman ang pakialam ko kung bilyonaryo at dangerous ang may-ari nito? Basta naiinis ako dahil ang mahal ng tinda nila.

"And Yara, ang coffee shop na ito ay hindi basta-bastang coffee shop lang dahil tuwing gabi ay nagiging bar ito. As you can see malawak ang coffee shop," dagdag pa nito sa sinabi na ikinatigil ko at bahagyang umawang ang sariling bibig.

Coffee shop sa araw at bar sa gabi?

"And the owner of this cafe in morning and bar in evening is?" nakangiwi kong tanong sa kaniya at sumimsim sa sariling frape.

"No other than Hunther San Diego." malawak ang ngiting sagot nito sa akin. Saglit akong natigilan na para bang iniisip kung ano ang narinig ko.

Naibuga ko ang iniinom nang magproseso sa isip ang narinig.

....Hunther San Diego?

Arrange Marriage Is A Trap Of LoveWhere stories live. Discover now