Chapter 7

2 0 0
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig. Siya ang may-ari ng coffee shop na ito? Well hindi basta-bastang coffee shop ito dahil sa sinabi ni Marie.

Napabuntong hininga ako at sumandal sa kinauupuan habang hinahayaan siyang magkwento ng magkwento.

Nang maubos namin ang inorder ay saka na kami lumabas ng coffee shop. Naglibot-libot kami sa loob ng mall.

"Doon tayo," aya ko at hinila siya papasok sa loob ng bookstore.

"Yara naman, ayaw ko dito. Alam mo namang allergy ako sa libro diba?" naiiritang sabi nito habang tinatanggal ang pagkakahawak ko sa kanya.

"Anong allergy? Sira! Ang sabihin mo ay ayaw mo lang talaga sa libro dahil tamad kang magbasa, tama?" tinaasan ko ito ng isang kilay habang nakahalukipkip.

"Oo na, ikaw na lang mag-isang bumili ng libro mo sa labas muna ako may pupuntahan lang akong store. Kita na lang tayo, bye!" anito at biglang tumakbo palabas ng bookstore animong nakikipag-karerahan.

Dahil iniwan na niya ako ay itinuon ko na ang atensyon sa pagtitingin ng mga libro. Kinuha ko ang isang libro na naggustuhan ko, ngunit natigilan ako no'ng may mahagip ang paningin ko, hindi kalayuan sa kinaroroonan ko. A guy, his wearing is all black. He is also wearing a cap.

Saglit kaming nagkatitigan, I know him. Of course, how could I forget this man?

Ibinalik ko sa shelf ang libro at naglakad palapit sa kaniya, ngunit hindi pa man ako nakakalapit ay may humarang sa akin na isang bata.

I look at the child and smile at her. "Hey, kid." Bati ko sa kaniya. Nang ibalik ko ang tingin sa kinaroroonan niya ay wala na siya doon.

Inilibot ko ang tingin sa kabooan ng bookstore, umaasang makikita siya ngunit wala siya. Wala na si Hunther. Where did he go? Am I just dreaming? But I saw him with my two eyes.

Until I got home, I still thinking of him. What is he doing there in bookstore? Sinusundan ba niya ako o aksidente ko lang siyang nakita? Pero bakit hindi ko na siya mahanap no'ng ibalik ko na ang tingin ko sa deriksyon niya?

Napahawak ako sa aking sentido at marahang minasahe ito. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako dahil sa nangyayari.

Napapikit ako dahil sa inis ngunit agad ring napamulat nang maalala ang itsura niya. Napakagat labi ako ng maalala ang nangyari noong nakaraan, hinalikan niya ako.

Kinuha niya ang unang halik ko.

Marahas akong bumuntong hininga bago kinuha ang libro sa tabi ng kama, mas mabuting mag-review na lang kesa isipin siya.

Kinaumagahan, nang gumising ako ay amoy ko na mula sa kwarto ko ang mabangong luto ni mama para sa agahan naming dalawa. Sa aming dalawa lang, dahil kaming dalawa lang naman ang magkasama sa bahay, at wala ng iba.

Bumangon ako at inayos ang higaan bago naglakad palabas ng kwarto. It's sunday today, magsisimba ako kasama si mama pagkatapos mag-almusal. At pagkatapos no'n ay uuwi kami at magpapatuloy ako sa pag-rereview. I almost forgot about our final exam. At kung hindi ako marereview malamang ay wala akong maisasagot sa exam namin bukas.

Ayaw kong bumagsak ang grado ko, it was too important to me.

"Ma!" I called my mother. Naglakad ako patungong kusina upang puntahan siya, ngunit halos mapatalon ako sa gulat no'ng makita ang taong prenteng nakaupo sa isa sa mga upuang nasa hapag kainan.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" hindi ko alam kung ano'ng klaseng tono ang tanong ko sa kaniya. May pagtataka, may pagkatakot, may pagkagalit at may halong saya.

"Anak, ano'ng klaseng tanong 'yan sa bisita?" tanong ni mama nang humarap sa deriksyon ko at ibinaba niya ang dalang sinangag na kanin sa mesa. "Sige na, maghilamos ka na at kakain na tayo."

Agad akong napatalikod dahil sa sinabi ni mama, may muta ba ako sa gilid ng mga mata? May panis ba akong laway na nasa gilid ng labi ko ko? Gulo-gulo ba ang buhok ko? Sa isiping 'yon ay mabilis akong napatakbo papasok ng banyo at pabagsak na isinara ang pinto.

Naghilamos ako at nagmumug, pagkatapos no'n ay tinali ko ang buhok ko bago lumabas ng banyo. Naglakad ako pabalik ng kusina at umupo sa katabing upuan ni mama.

Lumunok ako bago nagsandok ng kanin at inilagay sa sariling plato, aksidente akong napatingin sa deriksyon niya at halos mabitawan ko ang sariling kubyertos no'ng makitang nakatingin rin siya sa akin.

Timikhim ako at matapang na tumingin sa kaniya. "Ano'ng ginagawa mo dito, Hunther?"

Napangiwi ako no'ng maramdaman ko ang pagkurot ni mama sa akin.

"Nang masagot 'yang tanong mo, Yara. Nandito siya dahil sasamahan ka niyang magsimba, hindi ako makakasama dahil may pupuntahan ako." si mama ang sumagot, bakit ba parang pabor na pabor ang ina ko sa lalaking ito?

At ano?...

"Ma, ayos lang kahit akong mag-isa lang ang magsimba, hindi ko na kailangan ng kasama," angil ko at pumikit upang saglit na nagdasal para sa pagkain, pagmulat ko ng mga mata ay saka na ako nagsimulang kumain.

"Hindi, sasamahan ka niya," palihim akong sinamaan ng tingin ni mama. Napabuntong hininga ako, bago tumango. Lihim kong tinignan si Hunther at matalim itong tinignan. Wala akong magagawa kundi sundin ang sinabi ni mama.

Kagaya ng sinabi ni mama ay iyon ang nangyari. Si Hunther ang kasama ko. Sa loob ng sasakyan ay pareho kaming tahimik.

Tumikhim ako at saglit siyang tinapunan ng tingin bago nagsalita. "Kung ayaw mo talagang samahan ako, pwedi mo na akong ibaba dito at ako na lang mag-isa ang pupunta."

"I'll go with you, after this may pag-uusapan tayo," seryosong aniya habang hindi tinatanggal ang tingin sa daan.

"At ano? Pag-uusapan na naman natin ang tungkol sa kasal na 'yan? Hindi ba't sinabi ko na sa'yong hindi ako magpapakasal sa'yo? Alin ba doon ang hindi mo maintindihan?" hindi ko maiwasang hindi mainis, I don't want to be rude but this is too much. He can't understand me.

"I understand everything, but I still want to marry you." sagot niya na para bang sa pamamagitan no'n ay wala akong magagawa kundi ang sundin siya.

"You're insane!" naiinis kong sigaw.

...
Nang matapos kaming magsimba ay sabay kaming lumabas ng church. Nakakapagtakang natagalan niyang manatili sa loob ng simbahan.

Balak ko sanang magpa-bili ng makakain sa kaniya kaso naisip ko, bakit ko naman 'yon gagawin? Baka kung ano pa ang isipin niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Arrange Marriage Is A Trap Of LoveWhere stories live. Discover now