Chasing 10

19 3 1
                                    

"And the worst part is that you don't understand how much you hurting me."

"So, kailan ba kami magkakaroon ng apo ng papa ninyo, mga anak?" iyan ang tanong ni mama habang kami ay kumakain na naging sanhi naman ng pagkasamid ko

Binigyan naman agad ako ng tubig ni Lux at mahinang hinaplos ang likod ko. Pagpapanggap.

"Mom..." suway ni Lux sa kanyang ina "What are you talking about?" dagdag niya

"Why? Wala naman akong masamang tinanong ah at tsaka isa pa mag-iisang taon na kayong kasal pero hanggang ngayon ay wala pa rin kayong anak" sagot naman ni mama

"A-ano po kasi 'ma, h-hindi pa po kasi kami handa tungkol sa bagay na iyan" sagot ko, nahihiya

"Sus! Anong hindi handa? Sa tagal niyo nang mag-asawa hindi pa kayo handa?" ani niya at muling sumubo ng pagkain niya

"Uhm...g-gusto ko pa po kasi tapusin ang pag-aaral ko 'ma" I said

Hindi kasama sa plano ko ang magkaroon ng anak kay Lux. I have reason.

Bumuntong hininga naman ito bago ibaba ang kubyertos na hawak niya.

"Sabagay you have a point, hija"

Ngumiti lang ako ng tipid.

"By the way, I buy you something" pag-iiba niya ng usapan at kinuha sa tabi niya ang isang paper bag

Inabot niya ito sa akin at agad ko naman itong kinuha.

"Ano po ito?" tanong ko

"Open it, hija" sagot naman niya na natutuwa

Binuksan ko iyon at nagulat ako ng makita ang isang dress. Hindi ito basta normal na dress lang dahil halos makita na ang kaluluwa mo dito kapag isinuot mo ito.

Napangiwi ako. It's a color red dress.

Nagpasalamat na lang ako kay mama sa binigay niya kahit na ang totoo niyan ay hindi ko talaga iyon nagustuhan.

I don't like wearing dress especially kung ganito masyado ka revealing.

"Sige hija, itago mo na lang muna iyan at ituloy na natin ang pagkain" saad ni mama at dahil doon ay nagpatuloy kami sa aming pagkain

"By the way, Lux. Bukas pala ay pupunta dito si Timmy, isabay mo na lang siya kapag umuwi kayo ni Soliel bukas, okay?" ani mama at tumango lang naman si Lux

Si Timmy ay anak ng ate ni Lux. Seven years old na siya at sobrang napakabait na bata.

Matapos kumain ay nagpresenta si mama na siya na daw ang maghugas ng aming pinagkainan ngunit sinabing kong huwag na at ako na lang at mabuti na lamang ay pumayag siya.

Matapos niyang tulungan ako sa pagliligpit ng aming pinagkainan ay nag diretso na sa taas si mama kung saan ang aking kuwarto. At ko naman ay sinimulan ang paghuhugas ko ng plato.

Maaga siyang natulog dahil galing pa siya sa byahe kanina. Napagod.

At si Lux naman ay nauna na din sa itaas.

Matapos kong naghugas ng mga plato ay naisipan ko na muna na magpunta sa labas ng bahay upang magpahangin kahit na sobrang lamig.

At sa pag-upo ko sa malapit na upuan kung saan natatanaw ang langit ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.

Tama na muna ang drama. Oras na muna para ipahinga ang sarili ko mula sa sakit at pagod.

Nagmuni-muni muna ako ng ilang saglit. Hanggang sa nagulat na lamang ako ng May magsalita mula sa likod ko.

Chasing Him (Chasing Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon