Chasing 20

35 4 0
                                    

Maybe I wasn't made for anyone.

Lunes.

Araw na naman ng aming klase. Marami ang nangyari kahapon na halos di ko na ata makalimutan pa.

Una noong makita ako ni Lux sa beach lumalangoy ng mag-isa, pangalawa ang biglaan naming pagpunta sa hospital dahil sa nangyari kay papa na aksidente at ang pangatlo ay ang sabay naming pagkain ni Lux ng hapunan kahapon.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin inaasahan na sasabay siyang kakain sa akin kahapon.

Magsimula noong dumating noon si mama sa bahay, parang napapansin ko na nag-iiba ata si Lux.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang ba ang lahat pero parang napapansin ko talaga kasi na medyo May nagbago sa kanya.

Kung dati nagsusungit siya sa akin ng madalas ngayon naman ay parang...hay! Hindi ko talaga maipaliwanag ang lahat pero ang masasabi ko lang, nagbago siya hindi na siya gaya ng dati.

"Soliel, saan ka kakain?" tanong bigla ni Dustin at lumapit sa akin na siyang ikinagulat ko

"Wala pang tanghali pero iyon na agad ang iniisip mo" ani ko

Natutuwa ako dahil kahit papaano ay May nakakausap na ako dito sa classroom namin. Ngayon ko lang rin nalaman na classmates ko pala siya, wala kasi ako noong pakielam sa mga classmates ko dahil wala naman May gusto kumausap sa kain dito pero dumating si Dustin na siyang palaging kumakausap sa akin.

Kahit papaano ay hindi na ako nagiging kawawa dito na wala man lang kausap o kasama.

"Syempre para ready" sagot naman niya

Noong una ko siyang makilala napaka misteryoso niya para sa akin pero noong tumagal at naging kaibigan ko na rin siya ay doon ko nakita ang pagiging makulit niya.

Minsan madaming tao ang nagsasabi na bagay daw kaming magkasama kasi parehas daw kaming weirdo pero hindi na lang namin iyon pinapansin pa.

"Doon ako sa garden" sagot ko

"Doon na lang tayo sa cafeteria, libre kita" ani niya at nagtaas baba ng kanyang kilay

Napailing-iling naman ako.

"Alam mo naman ang rason ko kung bakit ayaw ko kumain doon, diba?" Saad ko

Oo, nasabi ko na sa kanya ang kung anong meron sa amin noon ni Lux. Minsan kasi siya noong nagtanong sa akin noong magkasama kami at hindi ko napigilan na sabihin sa kanya ang totoo dahil sobrang kulit niya.

"Bakit mo kasi sila papansinin? Hayaan mo sila" sagot naman niya

Malaliman na napabuntong hininga na lamang ako.

"Oo na sige na, basta ikaw ang bahala ah, libre mo ako" pagsusuko ko

Kahit kasi na ilang beses akong tumanggi sa kanya, alam ko na kukulitin din naman niya ako at hindi ako titigilan hangga't hindi ako pumapayag sa nais niya.

"Yes!" Ani naman niya na tuwang-tuwa at bumalik sa kanyang upuan at sakto dumating na rin ang aming guro

Itinuon ko doon ang buong atensyon ko hanggang sa dumating nga ang tanghali.

At gaya nga ng sabi ni Dustin ay kumain kami sa cafeteria at inilibre nga niya ako. Nahihiya pa akong kumain dahil marami ang nakatingin sa aming direksyon.

Natutuwa ako dahil wala si Lux ngayon dito sa cafeteria dahil panigurado ako na kapag nakita niya ako na kasama si Dustin ay sabihin na malandi pa ako.

Abala siguro iyon sa pag-eensayo nila ng basketball ngayon, malapit na rin kasi ang finals ng laro nila kaya todo practice sila.

"Hayaan mo sila" ani Dustin ng mapansin niyang nababalisa ako dahil sa tingin ng mga tao sa main dito sa loob ng cafeteria

At gaya nga ng sabi niya ay hindi ko na lang sila pinansin at itinuloy na lang ang pagkain ko hanggang sa matapos kami at bumalik sa klase.

Hindi ko na din nakain ang baon ko dahil inilibre niya naman ako. Sa totoo niyan, first time ko kumain doon at iyon ay dahil kay Dustin.

Umabot na nga ang hapon at uwian na namin at gaya ng ginagawa ko ay hindi muna ako umuuwi ng bahay at nagpupunta muna ako sa trabaho ko.

Pagkarating ko doon ay napakadaming tao agad ang sumalubong sa akin.

"Soliel, bilisan mo dali, ang dami nating customer ngayon" ani Jessela sa akin at hindi ko pa man nailalagay ang apron ko ay ibinigay niya na sa akin ang isang tray na May nakalagay na number 13

Agad ko naman iyon binigay sa table 13 kahit na hindi ko pa naisusuot ang apron ko.

Ganoon nga ang naging gawi ko hanggang sa malapit na ang uwian namin at kakaunti na lang ang mga taong dumarating para kumain.

"Grabe nakakapagod" ani Jeselle at pinunasan ang kanyang noo gamit ang panyong nasa bulsa niya, tumingin ito sa akin "Kamusta ang school ninyo?" Tanong niya sa akin bago ibalik ang kanyang panyo sa kanyang bulsa

Mag kasing edad lang kami Jeselle pero ang kaibahan lang niyan ay hindi na siya nagaaral dahil siya ang bumubuhay sa pamilya niya. Iyon ang kwento niya sa akin.

Bilib din ako sa kanya dahil bukod kasi sa trabaho niyang ito ay rumaraket din siya minsan.

"Ayos naman" sagot ko at tipid na ngumiti

"Soliel, pwede ikaw muna kumuha nung order nung nasa table 10? Maghuhugas lang ako ng kamay, natabunan kasi ako ng juice kanina eh, ang lagkit" ani ate Dori, isa sa mga kasamahan namin dito sa trabaho

Ngumiti ako at tumango.

"Sige po" ani ko at tumingin kay Jeselle, tumango lang naman ito sa akin

Nakakatuwa dahil lahat sila dito ay mabait sa akin. Dito mas pakiramadam ko na May halaga ako kaysa sa paaralan.

Kinuha ko ang papel at ballpen at agad na nagpunta sa table number 10.

"Anong order po ninyo, Sir?" Tanong ko ng malumanay, iyon kasi ang turo ng boss namin kapag daw May pupuntang customer dito sa restaurant

Nakayuko ito kaya't hindi ko makita ang mukha niya.

Pero nung mag-angat ito ng kanyang tingin ay nanlaki ang aking mga mata.

"Anong ginagawa mo dito?" gulat na ani ko

Chasing Him (Chasing Series 3)Where stories live. Discover now