BTS 1 ❤️

19 2 0
                                    

Dastin paki ayos mo na yung room number 3 at may mag check in na mamayang tanghali"

"Opo Ma! sagot ko sabay kuha Ng mga bagong beddings na gagamitin.

Isang araw na naman Ang natapos at panibagong transient na naman Ang kailangang asikasuhin.

Ako po si Dastin. Taga Baguio at tinaguriang transient boy Ng Nanay ko.

"Ano nak tapos na?"

"Opo Ma. Teka matanong ko pala sino po ba Ang transient natin Ngayon?

" Ewan ko pero sabi daw mag jowa'

"ah ok po Ma"

"oh Maka ismid ka halatang inggit ah"

"hala grabe Siya! Hindi ah 🙄"

"hay naku Nak kilala kita alam ko na yang mga ganyan mo"

"cg na nga oo na... inggit na! sabay ismid ko ullit kaya nakatanggap Ako Ng kurot Kay Mama.

"Humarot harot ka naman Kasi Nak panu ka maliligawan niyan kung lagi ka na lang Dito sa bahay.'

"ayoko nga! alam mo naman Ang motto ko ma"

"kusang darating kahit di hanapin'" halos sabay na bigkas namin ni Mama at pareho din kaming natawa.

Saktong alas dose nung dumating ang transient namin. Pero teka sabi mag jowa, eh bakit parehong gurang naman yata🤭

"Dastin umayos ka! ayus ayusin mo yang mindset mo, bakit porke ba may idad na di na pwede tawaging mag jowa'??? ikaw ha Malala ka na

"Hello Po good noon! Welcome po sa Baguio Ako po si Dastin. ito po yung susi niyo at ituturo ko po sa inyo yung magiging kwarto niyo." May ngiti at lambing sa tono ko silang kinausap gaya ng nakasanayan ko. "'Hali po kayo akyat po tayo sa taas".

Nang makarating kami sa ikalawang palapag ay agad ko silang dinala sa Room 3. Meron kasing apat na kwarto sa level na to. Room 3,4,5 at 6. Nag checkout na kahapon ang sa room 3 kaya sila na yung papalit.

Agad ko naman silang iniwan matapos ko sabihin ang mga bawal at pwedeng dapat gawin habang sila ay naka tira pansamntala sa amin.

Nakita kong medyo makalat ang sala kaya inayos ko muna bago ko naisipang bumaba na sana.

Ngunit di pa man Ako nakailang baitang ay agad na akong muntikang mahulog dahil may nagmamadaling  sumalubong sa akin habang nagsisisigaw at animo ay galit na galit.

"EUHENYO!!!! SINASABI KO NA NGA BA TAMA ANG KUTOB KO!!! ANG LAKAS NG LOOB MONG HAYOP KA NA DALHIN ANG BABAE MO DITO!!!!!!MGA WALANGHIYA KAYO!!!! AT IKAW NA HALIPAROT KA HALIKA RITO!!!!!

Agad akong tumabi habang tulalang pinapanood na kinakaladkad ng kakapasok lang na babae ang kasama ng lalaking kaka check in lamang.

Wala itong suot na pang itaas kaya nakahalukipkip ito sa dibdib habang hila hila ng isa ang kanyang buhok..

Mga ilang minuto din bago Ako nahimas masan at agad na tumakbo upang tawagin si Mama ng makita ko na naka alis na ang "Mag Jowa'" with the Angry Legal Wife yata.

"Ma!!!! tawag ko sa kanya na halos mag echo na sa buong sala sa baba.

"Ay Hesus patawarin!"Salubong na bulong ni Mama sa akin.

"Alam mo ba Anak! Aba'y di pala mag syota yung dalawa sabi nung nagreto sa atin. Aba at magka laguyo pala sila!" sabay hampas niya sa balikat ko habang nakatingin sa hagdan.

"Alam ko Ma.."

Hinampas niya Ako sabay sabing "Huwag Kang maingay baka marinig tayo"

"Naku Ma huli ka na! Ma kitang kita ng mga mata ko,halos matanggal nga yung buhok ng kabit habang pababa ng hagdan sa hila ng asawa kanina"

"Ano!!! Anak naman bat di mo Ako tinawag?"

"Bakit ma aawatin mo sila?"

"Hindi makiki marites lang sana."

"Kaw talaga ma!"

"Pero teka, nagbayad ba??"

" Ma ikaw nag sulat ng policy tapos di mo alam?"

"Ay oo nga pala.Fully paid pala dapat bago ikama"

"MA!!"

"Sus! to naman di na mabiro!"

"Ma naman kasi.. "

"Pero alam mo anak! Swerte yata na umalis sila"

"Bakit Ma?" kunot noong tanong ko lalo pa at nakita ko na may pagkindat si Mama.

"Silipin mo sa labas dali!!" sabay hampas sa pwetan ko.

Agad naman akong dumungaw sa bintana at bigla na lang akoy natulala at "OMG!" lang,ang nabitawan Kong salita...

Baguio Transient Stories (Dustin at Jessie)Where stories live. Discover now