BTS 3💛

21 2 1
                                    

"Ikaw?"

"Me?"

"Oo ikaw nga!"

"Do I know you?"

"Ay Ang kapal naman talaga ng mukha mo!"

Nakapamewang na pagbubunganga ko sa kanya.

"Ang pagkaka alam ko yung bote ng Ube ang nabagok eh bakit mukhang ikaw yung nag ka amnesia??"

Kunot noon lang ang nakita ko na naging tugon niya.

"Tapos ano?! di ka man lang nag sorry tapos hinagisan mo pa Ako ng pera!???

Muli akong naghintay ng magiging sagot niya ngunit nagulat na lang Ako  g biglang magtatalak si Mama.

,
"Aba'y bastos ka palang bata ka! Di ka man lang mag sorry tapos pinahiya mo pa tong anak ko! Hala alis! Wala kaming bakante ngayon!"

"But you said-"

"Mali Yung nasabi ko! Hala alis!" Sabay kumpas ni Mama ng kamay sa kanya. "Pero Teka Nak?" Baling ni Mama sakin "Kumpleto ba bayad sayo nito?"

Ngumuso Ako sabay sabing "Kulang po ng 400 Ma!"

"Oh narinig mo Yun? KULANG daw ng 500" Sabay pakita ng palad sa aming kaharap.

Napansin ko na yumuko ng bahagya ang lalaki, kaya pinagsabihan  ko si Mama. 

"Ma 400 po!" nahihiya kong pagwawasto sa kanya.

"Wala tayong panukli kaya 500 na!"

Mas lalo akong nahiya nung nakita ko na ngumiti ng bahagya ang lalaki kasabay ng pag iwas ng tingin niya sakin ng mapansin niyang nakatingin din ako sa kanya na may tinitimping ngiti.

Nakita ko itong dinukot ang wallet at inabot ang isang libong papel kay Mama

"But I only have a thousand"

"Aba'y mas maigi bayad ka na agad sa isang Gabi!"

" But I thought there were no more vacancies?"

"Meron na kakabukas lang!'Sabay talikod nito sa amin.

Naiwan akong di malaman ang gagawin dahil nahihiya Ako sa pinag gagawa ni Mama although alam ko naman talaga na ganun ang ugali niya, kaya nga mahal ko yun eh.

"Your Mom's funny"

"Indeed."

Halos sabay din kaming tumawa pagkatapos nun.

"Jessie."

"Dastin."

At yun ang unang daup palad namin😊

.........

 Ito ako ngayon kaka tapos lang maglinis ng sang kabahayan.
Kapagod pero sulit naman dahil isang buong pamilya ang kakatapos lang mag checkout sa amin. Nag enjoy daw sila sa pag stay ng ilang araw at dahil mabait daw ako nag iwan pa sila ng tip para sa akin.

Tinupi ko ang perang papel at siniksik sa akong bulsa. Kinuha ko na rin ang mga ginamit ko na panlinis. May isang araw akong pahinga dahil walang check ins ngayon.

Bababa na sana Ako kaso naalala  ko na kailangan ko din pala I check muna yung tenant namin sa room 3 tanghali na at tanungin ko lang kung magpapahanda ba siya ng pananghalian.

Lumapit ako sa pinto at kumatok ng mahina.  "Yes?" narinig ko na sagot niya

"Sir kakain po ba kayo ng  pananghalian dito or-'

Biglang bumukas ang pintuan at nalanghap ko agad ang amoy ng shampoo na ginamit niya sa pagligo.

" I'm not, I'm actually on an errand today but maybe dinner? I'll just call in case I change my mind'.

"Ok" akmang tatalikod na ako ng muli siyang magsalita.

"uh Dastin!..

Nilingon ko siya

"Ano po yun?'

Nakita kong napakamot siya ng batok

"ahhmm... I'm sorry.."

"Wow! what took you so long??"

"hmmm?"

"Joke lang po! sabay ngiti ko 'Oks na Yun! Sige bati na tayo😊'

"Ok thanks"

.........

Nagdidilig ako ng halaman sa labas nang makita ko na palabas na din ng gate si Jessie

Nag wave pa ito sa akin bago tuluyang sinarado ang gate.

Ha anong nakain nun

Wala pa mandin ilang minuto ay nakita ko nang bumalik ito.

"May nakalimutan ka ba?"

"Actually no, but my car won't start and I rely on waze finding my ways around so I don't think I'll be doing my errands today."

"Ohh, ok so... lunch here?"

"I guess so" Malamyang sagot niya.

"It's free for today, just for today ok😊'

"thanks"

pati ngiti pilit ano bayan...

Bagsak ang balikat na pumasok siya ng bahay at ako naman eh pinag patuloy
ang pagdidilig.

Katatapos ko lang halos ng marinig ko ang tawag ni Mama.

"Ma! Andito po Ako sa likod" sagot ko habang inaayos ang hose na ginamit ko.

"Anak di ba libre ka naman ngayon?"

"Opo Ma bakit po?"

"Bakit di mo na lang samahan itong si-" napalinga si Mama na parang may hinahanap.  

" Jessie san ka nang bata ka? Halika rito"

Nakita ko na lumalapit sa amin si Jessie pero mukhang nahihiya at panay ang hawak sa batok.

"Sira daw kotse niya kaya di siya makapunta sa town eh mukhang importante pa naman ang lakad, nakita ko nakatalungko dun sa veranda eh kalungkot ng mukha" Bumaling ito kay Jessie.

"Importante ba Nak ang gagawin  mo?"

ay wow feeling close, anak din ang tawag?

Tapos bigla ko naalala ganun pala talaga si mama sa lahat

"Opo sana.."

" Oh Dastin, samahan mo na tong si Jessie ha, wala ka naman gagawin ngayon ng makagala ka rin Nak lagi ka na lang dito sa bahay eh."

"Ma Kasi...."

"Naku! Wala ng pero pero kahit magpagabi na kayo sa labas ay ok lang."








Baguio Transient Stories (Dustin at Jessie)Where stories live. Discover now