Part 20

235 14 0
                                    


⊚⊚⊚

Raven's P.O.V

"Hindi pa rin ba tumatawag si Treacher sa iyo?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong itanong kay Hunter ang matagal nang bumabagabag sa isip ko.

Mahigit isang linggo na kasi siyang hindi nagpapakita sa akin. Lagi ko siyang inaabangan sa baba kapag oras ng break ko pero hindi ko siya natitiyempuhan. Minsan ko na ring tinanong mismo si Zariah pero ang sabi niya'y dumalaw siya sa kaniya nung isang araw. Kung ganoon, bakit hindi man lang siya sumaglit sa akin? Iniiwasan niya bang magkita kami? Mas lalo lang tuloy nadagdagan ang suspetsa ko sa kaniya tungkol sa nasabi sa akin ni Atty. Quinn noong nakaraang linggo. Gustong-gusto ko na siyang makausap pero hindi pa siya dumadalaw sa akin simula noong huli kaming magkita.

"You're really a disrespectful brat. Kung magsalita ka, parang ka-edad mo lang iyang taong tinutukoy mo."

"Sagutin mo na lang ang tanong ko," pigil ang sariling irapan siya.

"Hindi."

"Pero alam mong nandito siya noong isang araw?"

"No."

"Sigurado ka? Ang sabi sa akin ni Zariah na binisita raw siya ni Treacher noong nakaraang araw? Nandito naman pala siya, bakit hindi siya nagpakita sa akin?" medyo inis na tanong ko.

"Nandito man siya o wala noong araw na iyon, kung wala siyang tawag sa akin o kung hindi siya nagsabi na bibisitahin ka niya, ibig sabihin hindi siya dadalaw sa iyo. Kung nagpakita man siya kay Zariah, then it's not my business anymore -- and it's not yours as well. Hindi naman ako ang naka-assign na doktor ni Zariah para malaman ko kung naririto nga si Detective Treacher para dalawin ang kapatid niya. Saka hindi ako obligadong malaman lahat kung sino ang bumibisita sa mga pasyenteng hindi ko hawak."

Napahalukipkip ako sa sobrang pagkadismaya dahil halos lahat naman ng sinabi niya ay tama. Pero kahit na ganoon, sana nagsabi man lang siya na nandito siya kahit ayaw niya akong makita. Paano na lang kung sakaling may emergency akong kailangan sabihin sa kaniya?

Ngunit kahit anong reklamo ko ay mabilis ding nag-evaporate ang inis ko nang mapagmasdan ko siyang tila komportableng- komportable sa pagkakahiga sa kama ko.

"So, ano pang ginagawa mo rito? Tapos na ang oras ng therapy session ko sa iyo. Balak mo pa 'atang matulog diyan ngayon."

"Puwede rin naman kung hahayaan mo ako--"

"What?" pagpuputol ko.

"--hahayaan mo akong matulog sa tabi mo," patuloy pa niya.

Nahindik ako sa sinabi niya. Umiiral na naman ang kalandian ng taong 'to, bulong ko sa isip ko. "You're hopeless."

Naisip ko ngang kung may daily record 'to sa panlalandi ay perfect attendance na siguro. Nahahalata ko na kasi eh. Hindi ko lang pinapansin minsan dahil alam kong pambubuwiset lang niya iyon sa akin simula noong malaman kong interesado siya sa kapwa niya lalaki. Lantaran niyang ipinapakita sa akin na pinagtitripan niya ako. Hindi ko rin naman siya kayang patulan physically o suntukin ang mukha niya dahil baka maibalik lang ang pagsusuot ko ng straitjacket. Mabuti na lang at tinanggal na niya iyon noong isang linggo at ayaw ko na iyong gamitin ulit. Nakasuot na ako ngayon ng katulad ng mga sinusuot ng mga ordinaryong pasyente na nakikita ko noon.

Pero ano nga ba kaya ang puwede kong gawin para matigil na 'tong kabaliwan niya? Kahit naman kasi hindi ko na pinapansin ang mga ginagawa niya ay mas lalo lang niyang pinalalala.

Natigilan ako sa pag-iisip nang makita kong mapangiti siya bigla.

"What?" tanong ko.

"Nothing. Masama bang ngumiti?"

DIREFUL SANITARIUM - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon