Holiday Special

774 10 3
                                    

"Kilig ka na niyan?"

Napaangat ang tingin ko kay Gio. He and Justine were murmuring about something like they are highschool girls gossiping about their crushes.

I mouthed fuck you to them. Swerte nila tumunog na ulit phone ko.

I checked my phone and another message from Yellow was received. It was a corny pick up line again. Third season na sa UAAP for me and yet she's still here from day one.

I couldn't stop myself from smiling from all her jokes and transparent parinig for me. I still didn't give her any reply because I wasn't sure if she's just into me because she likes the idea of me being the team captain.

You can't blame me when she always jokes about her dream being a non-showbiz girlfriend or a UAAP girlfriend.

"CR lang ako," I faked a cough before excusing myself.

Napahilamos ako ng mukha bago ulit tignan ang huling message na sinend niya.

Yellow from ADMU

cap
bakit di na lang kaya tayo no?
bagay naman tayo eh
tiger ka tapos eagle ako
tukain kita diyan hehe
ganti ka okay lang pls
bite me jokeeee

It's all these jokes that made me so interested I didn't even bother blocking her number.

Baka kasi umiyak. Baby pa naman dating niya. Sana baby ko rin.

"Hayop na CR 'yan 30 minutes na, boy." I hissed and looked at Gio standing beside me. Hindi ko man lang napansin na nandito na siya.

"Where's Villa?" I asked. Madalas kasi ay magkasama lang sila.

"Busy raw. Malay ko ba doon." Walang pakialam niyang sabi.

Sa isip ko naman ay napapailing na ako. Mauunahan pa ata ako ni Villa.

"Cap, bakit ba Yellow tawag mo doon kay Sienna? Blue school naman ADMU?" Gulong-gulo na tanong ni Gio habang pabalik kami sa classroom.

I didn't answer him. Kapag pinatulan ko 'to lalo lang lalala bula sa bibig kakaasar. Regaluhan ko 'to ng sponge.

"Cap, sasagot ka ba o chat ko na lang si Sienna para sabihing crush mo siya senior high school pa?"

Napatigil ako sa paglalakad. Ang hayop may alas na naman sa akin. 

"Oo na nga. Napakagago mo!"

"Ganyan dapat!" Tinulak pa niya ako. Kung pwede lang manapak sa school grounds.

"Yellow kasi palagi siyang nakadilaw sa mga laro natin." Tapos nangingibabaw pa siya kasi kulay blue lahat ng mga katabi niya.

"Shonget! Ang daming nakadilaw sa plays natin bakit siya lang ang ganyan?" Isa na lang talaga tutumba na 'tong si Gio sa sahig.

Ang daming alam napakahayop.

Yellow from ADMU

:D
hihi
good luckk
dapat dinner tau pag nanalo kau
tapos siyempre pag nanalo admu
dinner pa rin tau
kasi school q yon :D

And we won. I took her out to dinner. Villa and Giovanni told me the other night that maybe Yellow was new to this situation where I'm replying that's why she can't process it all immediately.

I'm patient naman.

"Where do you want to eat?" I asked while driving. Kanina ko pa nilalaro ang mga daliri ko sa steering wheel dahil sa kaba.

Hayop mas kabado pa ako ngayon kesa kanina sa laro.

"Ha? Ano... Ikaw na bahala." I looked at her for a moment. Umiwas lang siya ng tingin. Ang cute.

I took her to the nearest coffee shop that also offered good food. Gabi na rin kasi kaya hindi pwedeng lumayo.

"Tahimik mo ata ngayon?" Tanong ko. Para naman siyang napaso at namula bago umiling.

"Wala lang akong masabi!" She defended herself.

Dumating na rin naman ang order namin kaya natahimik na kami ulit.

"Congratulations pala, Fernandez!" She said in a very awkward tone.

Ang cute ano ba 'yan baka hindi ko na mauwi 'to. Ibubulsa ko na lang siya para dito siya sa akin palagi.

Charot

"Fernandez? Sana tinawag mo na rin akong cap, Yellow." Patawa-tawang asar ko sa kaniya. "Ano nga ulit tawag mo sa akin? Bebe ko? Bb? Ano pa b-"

Napatigil ako nang ibato niya ang tissue paper sa akin.

"Ang ingay mo!" Saway niya pa. Lalo lang tuloy lumakas ang tawa ko. Tumigil lang ako nung makitang nakatitig na siya sa akin.

"Ano? Crush mo ako?" Panghahamon ko. Wala pala 'tong si idol niyo. Mahinang nilalang hindi sumasagot.

Hinatid ko siya pauwi pagkatapos. Ayaw ko mang alamin saan siya nakatira dahil baka isipan niya creepy ako ay wala na rin naman akong choice kasi gabi na.

Ang dami rin naming napag usapan sa byahe dahil sobrang traffic. Siyempre nagkwento rin ako kasi nagsasabi siya. I don't want her to feel like I'm not giving her the same energy she's giving me. Kung pwede nga lang doblehin pa pero sa susunod na 'yon.

"Alis ka na. Aakyat ako pagkaalis mo, Froi." Si idol naman nagpapakilig na naman. "Dali naaa!" Pagpilit niya pa.

Hindi pa ako nakakalayo sa baba ng condo niya tinawagan ko na siya. Ayoko sanang maging clingy na concern citizen lang ang role pero hayop ang hirap.

"Hello? Bakit?" Bungad niya sa akin.

"Wala lang. Sige, ingat ka?" Ewan ko ba bakit ganito ako kabobo kausap.

"Ha? Hindi ba dapat ikaw sinasabihan ko niyan kasi nasa daan ka pa?"

Ako na ang gago sa lahat ng gago bukod pa kay Gio.

**

Merry Christmas!


Blocked (Epistolary)Where stories live. Discover now