Ten Thousand Yellow Hearts

624 16 5
                                    

"Nakakainis ka na, Froi." Sinamaan ko siya ng tingin.

Kagabi pa kasi niya hindi sinasagot ang mga text at tawag ko tapos ngayong dumating naman siya sa unit ko hindi niya ako pinapansin at puro cellphone lang.

Tignan mo hindi na naman ako narinig!

"Sagutin ko lang, babe." Paalam niya bago umalis para sagutin ang tawag.

"Nagpaalam ka pang shuta ka!" Sigaw ko kaya napatigil siya pero tumuloy pa rin papasok sa kwarto.

Nakakainis naman kasi. Isang taon pa lang ang lumipas simula noong nakagraduate kami pero parang naiwan na sa college ang panglalambing nitong ugok na 'to.

Hindi ko na siya pinansin pagbalik niya. Ang sabi pa naman niya babawi siya dahil kakatapos lang ng UAAP tapos ngayon gusto ko na lang siyang bawian ng buhay. Char

"Babe, what do you want for dinner?" Tanong naman niya bigla pagkatapos itago ang cellphone niya.

Bahala ka diyan. Nagkunwari na lang akong hindi siya narinig at humalukipkip.

"Does my Yellow want anything specific for dinner?" Lumapit na siya sa akin, nanlalambing. "Hmm? Yellow ko?"

"Palibhasa kasi, alam na alam mo kung pano ako kunin eh. Isang ngiti, isang kanta, isang yakap, isang sorry, wala umiikot na uli 'yung mundo ko." Pangchacharot ko naman.

Tumawa lang si ugok, oh. Parang walang kasalanan.

"A little crazy again tonight, yeah?"

Putangina ang pogi.

"Anong crazy? Doon ka na nga. Kagabi ka pa nakakainis. Bahala ka diyan mag-isa mo." Inirapan ko lang siya.

Niyakap niya ako. Ayan tayo, eh. Wala na, hindi na ako naiinis!

"I'll cook Adobo for dinner para matransfer na 'yung sa 'yo." Asar niya pa.

Hinampas ko na lang siya. Nakakainis naman kasi. Ilang ulit ko na bang sinabi na nakakainis siya? Paulit-ulit ako.

Pinanood ko na lang siya habang nagluluto. Ang pogi naman marunong na siyang magluto. Dahilan lang talaga nito 'yung Adobo pero 'yun lang talaga kinaya ng powers niya.

"Babe, wala ng soy sauce." Liningon niya ako bigla. "As much as I want to say na marami ka naman, we can't use that for Adobo."

Tignan mo! Hindi na siguro ako crush nito. Palagi na niya akong inaasar samantalang dati puro siya maganda ako. Plastic pala 'tong captain niyo, eh.

"Letse ka!" Tumayo na lang ako para bumili ng toyo. Baka kasi maimbyerna lang ako lalo kung makikipagtalo pa ako.

Naguluhan nga ako kasi sa pagkakatanda ko kabibili ko lang ng toyo kahapon. Shuta iniinom ko na ata ang toyo. Kulang pa ata ang sa akin! Charot

Nananadya ata ang tadhana. Iisang toyo lang ang bitbit ko sa grocery ang haba pa ng pila. Ayaw akong pasingitin. Ang sakit po, Tito Boy.

Tinext ko na lang tuloy si Froi na matatagalan ako saglit. Baka hinalo na kasi nang hinalo 'yung Adobo maging lugaw pa.

Hindi man lang ako nireplyan. Ang yaman nito walang load. Ang aking pusoh ay nahurtz so sak8!

Nakapagbayad din ng toyo! Pauwi na ako sa wakas. Aakyat lang naman ako kasi sa baba ng unit lang talaga ako bumili. Madrama lang talaga ako.

"Kapag ginawa mong lugaw 'yang Adobo isasahog kita." Bungad ko pagkapasok sa unit.

Ha? Brownout ba? Nagamit ko naman 'yung elevator kanina.

Nagulo pa ang isip ko at ilang segundong tumulala iniisip ang mga nakita ko sa lobby kung may ilaw o wala.

"Kung pinagtitripan mo na naman ako lagot ka. Ginagaslight ko na ang sarili kong walang ilaw sa baba!"

Umuwi na ba siya sa unit niya?

"Froi?" Pagtawag ko habang dahan-dahang naglalakad papunta sa sala ng unit. "Babe, magbebreak talaga tayo. Ay, punyeta!"

Nagulat ako nang biglang may maapakan. Ano 'to?

Napahawak na lang ako sa bibig ko sa gulat nang makita ang kabuuan ng sala. May nakakalat na yellow petals sa sahig at yellow na kandilang hugis puso. Marami ring balloons na pinaghalong yellow at white ang kulay.

Bumukas ang mga ilaw kasabay sa pagtulo ng luha ko. Pucha naman, oh.

Nandito silang lahat. Si Kylle, Gio, Ela, at Villa. Sinundan ko ng tingin ang mga hawak nila at sunod-sunod na binasa.

Si Kylle bitbit ang WILL. Si Gio naman sa YOU. Si Ela sa MARRY at si Villa sa HIM. Sabay-sabay rin silang tumuro sa likod ko at doon na talaga ako naiyak.

Nakaluhod na ang isang paa ni Froi habang may hawak na singsing.

Simple lang ang singsing. Gold na may maliit na dilaw na puso sa gitna.

"Will you marry me, Yellow?" Tanong na niya sa akin.

Tinakpan ko ang mukha ko bago tumango-tango. Kaya pala busy 'to last week pa!

Sinuot na niya ang singsing sa daliri ko. Hindi pa rin ako makapaniwala habang yakap niya ako at naririnig ko ang mga tilian at palakpak sa likod namin.

"Thank you, Yellow. I love you more than before and it still grows every single day." Bulong niya sa akin.

"I love you." Tugon ko sa sinabi niya.

"I'll marry you. I'm so lucky, mahal ko. If only I can marry you right now I will." Bulong na naman niya sa akin.

Buong gabi paulit-ulit lang siyang nagpapasalamat sa akin. Hanggang makatulog siya binubulong pa rin niya na maswerte siya sa akin.

"I love you, Froi. Thank you so much for being patient with me all the time. I'll continue giving you yellow hearts." I kissed his forehead. He responded with a light snore.

"Good night." Sabi ko pa bago umayos ng higa.

Nagulat ako nang bigla siyang sumagot. Plastic talaga 'to.

"Sleep tight, Yellow. I love you." Mahinang bulong niya bago higpitan ang yakap sa akin

**

Happy 10k yellow hearts! Isang mahigpit na yakap sa inyong lahat mula kay Sienna at Froi. Thank you so much for being with me palagi!

If you are missing yellow hours with Sienna and Froi, ako rin! hahaha char. You can get updates of them sa rest ng Message Series.

Again, sobrang thank you sa inyo lahat. Yellow hearts para sa inyo!

Blocked (Epistolary)Where stories live. Discover now