Epilogue

89 1 0
                                    

Maaga akong gumising ngayon dahil mamimili kami. Pupunta kaming SM para mamili ng mga gamit ko sa school. Next week kasi ay pasukan na pero wala parin akong gamit na gagamitin.

Matapos kong ayusin ang aking higaan ay bumaba na ako ng aking kwarto. Nakita ko naman agad si Mama na nagluluto ng breakfast.

"Oh, gising ka na pala. Good morning anak ko."bati sakin ni Mama sabay halik sa pisngi ko.

"Good morning Mama! Wow mukhang masarap niluluto niyo ah."hinalikan ko rin siya sa pisngi.

Bumalik na si Mama sa pagluluto at ako naman ay naghahanda ng aming hapag-kainan. Matapos niyang magluto ay tinawag ko na si Reign para kumain.

Kinatok ko ang kanyang kwarto at sinabi na bumaba na para kumain. Dalawa lang kaming magkapatid, si Mama ay isang housewife at si Papa naman ay isang OFW sa Dubai.

Umuuwi lang si Papa tuwing Christmas at New Year dahil gusto niya ay sabay-sabay naming sasalubungin ng magkakasama ang bagong taon. Nakakamiss.

Ang niluto ni Mama ay tocino at bacon. Nagdasal muna kami saka kumain. Niligpit ko na ang hapag-kainan pagkatapos namin kumain. Si Reign naman ang naghugas ng pinggan dahil ako ang nagligpit ng pinag-kainan namin.

Naligo naman ako. Nagsuot lang ako ng cardigan na kulay beige, denim short at crocs brooklyn sandals.

Sumakay kami ng van papuntang SM. Dumiretso agad kami sa 2nd floor kung saan maraming bilihan ng mga school supplies. Na-sstress ako sa mga presyo ng bilihin dito jusko!

Ewan ko ba kay Mama bakit dito pa kami namili, e samantalang pwede naman sa may bayan nalang meron naman mga nagtitinda ng school supplies doon. Tiyak na mas makakamura kami kesa dito sa SM akala mo ginto yung notebook e!

Matapos namin bumili ng mga school supplies ay bumili na rin kami ng bag at sapatos. Bumili na rin kami ng uniform dahil maliit na sa amin yung mga dati naming uniform.

Pagkatapos namin mamili ay kumain na muna kami sa McDonald's. Ito ang favorite fastfood chain ko. Umorder na ako. Ang pinakagusto ko dito ay ang sundae at fries lalo na kapag ni-dip mo yung fries sa sundae.

Dumating na yung order namin. Matapos nun ay umuwi na kami nila Mama. Pagkauwi namin ay tumawag si Papa sa messenger nakipagvideocall siya sa amin.

"Hi Papa! Kamusta ka na po dyan, Papa? Okay ka lang po ba dyan sa Dubai? Miss na miss ka na po namin."sabi ko kay papa. Ngumiti naman sa amin si Papa.

"Okay lang naman ako, Anak. Huwag niyo ako alalahanin. Miss na miss ko na rin kayo mga prinsesa ko."

"Pa, alam mo ba may boyfriend na si ate!"sumbong ni Reign kay Papa. Agad na nanlaki ang mata ko. Siraulo talaga 'tong babae na 'to.

Nagulat si Papa sa sinabi ni Reign. Tumawa lang naman si Mama dahil alam niyang di yun totoo at binibiro lang siya ni Reign.

"Totoo ba yun, anak? Pwede naman basta wag lang agad mag-aasawa baka mahabol ko ng itak asawa mo."natatawang saad ni Papa. Tumawa naman ako sa sinabi niya. Akala ko magagalit siya pero hindi.

"Pa, naman! Wala naman akong boyfriend eh, saka ayoko pa po."sabi ko kay Papa.

"Hay nako kayo talaga oo! Kamusta nga pala pamimili niyo?" pag-iiba niya sa usapan.

"Hay nako, Pa. Alam mo ba 'yang anak mong panganay ayaw bumili sa SM kesyo daw ang mahal ng presyo mas mura pa raw sa bayan kung dun kami namili."sumbong ni Mama kay Papa.

Eh totoo naman kasi mas mura kung sa bayan, mas makakatipid pa kami kesa dun sa SM napakamahal ng presyo. Isang notebook nga bente pesos na agad, e sa bayan dose lang isang piraso ang laki naman nila magpatong ng tubo.

Playful Destiny Where stories live. Discover now