Simula

15 1 0
                                    

Kalungkutan

Pagdurusa

Pagluha

Kakaiba

Sa panahon na ako'y isinilang, simula sanggol hanggang ngayon ay hindi nakamtan ng aking mga labi ang totoong ngiti.

Hindi ngumiti ang aking mata. Kahit kailan hindi kumislap dahil sa galak, kung kumislap man, ito'y dahil sa tubig na siyang palaging kumakawala.

Ventura. Pamilyang sikat at isa sa pinaka makapangyarihan sa buong kaharian ng Ignatius. May pangalang inaalagaan simula pa sa unang dugo ng Ventura. Tatlong henerasyon bago ang aking pagputol sa matanyag na kalidad na dala ng aming pangalan.

Dahil ako, si Soliellana Maverick Ventura ang nagdala ng malas sa aming pamilya.

Sa lahat ng malalakas na salamangkero o wizard sa aming pamilya ako lamang ang higit na walang kapangyarihan. Ipinanganak akong kulang sa buwan. Hanggang walong taong gulang lamang ang laki ng aking katawan. Ngayo'y akoy dalawampu't tatlong taong gulang na ngunit ang aking katawan ay nanatili sa pagiging bata.

Puspusan man ang aking pag aaral, pag eensayo, pagbabasa ng mga aklat ay hindi parin ito naging sapat para matanggap ako ng iba kong kadugo. Kahit wala naman akong nakikitang diskriminasyon sa aking mga magulang ay hindi parin nito mawawala ang kagustuhan kong tanggapin ng aking pamilya. Matalino at memorya ko man lahat ng aklat na nakapaloob sa aming librarya. Hindi man ako matalo ng aking mga magulang sa iba't ibang larangan ng laro ay hindi parin nito mawawala ang kagustuhang maging katulad nila na kilala sa buong kaharian na makapangyarihan at malakas.

Gusto kong maging malaya. Ngumiti ng totoo. Lumuha sa kasiyahan. Ngunit hanggang pangarap na lamang iyon at kahit kalian ay hindi ko ito makakamtan.

"Soliel anak, halika andito ang iyong mga pinsan. Mga kaedad mo lamang sila kaya alam kong magkakasundo kayo." nakangiti at nakalahad ang kamay ng aking ina sa akin.

Kinakabahan man ay lumapit ako sa kanya at napahawak sa kanyang kasuotan. Nakita ko ang dalawang pigura na nakatindig sa unahan. Dalawang nag gagandahang dilag ang aking nakita.

Nakasuot ng berde na magandang kasuotan ang nasa kaliwa, kulay pula naman ang kasuotan ng nasa kanan. Kita ang kanilang maputi at makinis na balikat sa kanilang suot, mahigpit ang kapit ng damit sa kanilang dibdib na siyang dahilan kung bakit may linya na guhit dito. Maluwag at pabola ang saya ng damit na may makikintab na dyamante na nakapaloob rito. Ang kanilang mapulang buhok naman ay naka ipit pataas ang kalahati at may kaunting bagsak ng mumunting buhok sa gilid ng mukha. Kulay dilaw na kahel na mga mata, makapal at pormadong kilay, maliit ngunit matangos na ilong at mapupulang labi. Isa lang ang masasabi ko, isa sila sa pinakamagandang babae na nakilala ko. Pareho ang kanilang mukha, kaya napagtanto kong sila'y kambal. Ang pagkakaiba lamang sa kanila ay ang kanilang nunal, may nunal sa gilid ng labi ang naka berde, at nunal sa gilid ng mata ang naka pula.

Maamo man ang kanilang mukha, ngunit mapapansin na sila'y matiim at nakataas ang kilay na nakatingin sa akin. Mas lalo lamang akong kinabahan at napatago sa likod ni Ina. Maganda man ang kanilang mukha ngunit pangit ang aking nararamdaman sa kanilang awra.

"Wag kang mahiya Soliel, sila'y iyong mga pinsan." Hinawakan ni ina ang aking kamay at itinabi ako sa kanya.

"Siya si Naanez" Itinuro niya ang may kasuotan na naka pula "at ito si Neezna" Itinuro naman niya ang naka kulay berde na kasuotan.

"Ito nga pala ang aking anak na si Soliellana Maverick, tawagin niyo na lamang siyang Soliel." nakangiting pakilala ni ina sa akin.

Tinignan lamang nila ako pataas pababa at nagkatinginan sa isa't isa na nakataas ang gilid ng labi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chains Of SummerWhere stories live. Discover now