Chapter V

221 13 0
                                    

J E S S I E



Kumaripas ako ng takbo,  alam kong sinusundan ako nina Yumi at Kendra ngunit sa di malan na dahilan ay bigla na lamang silang nawala , Marahil ay napagod na sila sa paghabol sakin.

Pagpasok ko ng bahay ay agad kong nakita si Mama na bahagya pang nagulat dahil sa pagpasok ko ng bahay na humahangos,  dumaretso agad ako sa hagdan at tinahak iyon papunta sa kwarto ko.


" Jessie anak,  anong nangyari?  " Rinig kong tanong ni mama ngunit di ko magawang sagutin siya o huminto lamang,  natatakot ako,  takot na takot.

Madilim sa kwarto ko nang marating ko ito, agad kong binuksan ang ilaw dahil baka lumabas na lang bigla yung nilalang na nagkukubli sa dilim.


" AHHHHHHHH!!  " agad akong napasigaw pagkabukas ko ng ilaw dahil nasa loob ng kwarto ko ngayon yung lalaki kanina sa libing ni Wendy.


" A-anong g-ginagawa mo dito?  " Nauutal kong tanong dun sa lalaki.


" Kanina pa kita hinihintay!  " Anito na hindi manlang sinagot ang tanong ko , lumapit siya sakin —- hindi sa pinto pala,  nilock niya iyon.


" Anak,  ayos ka lang ba?  may nangyari ba?  " Tanong ni Mama na nasa kabilang banda ng pinto habang kinakatok niya iyon.


Tinignan ko yung lalaki na nakatapat ang hintuturo sa kanyang labi upang hindi ako magsumbong kay mama.


" Ah ... o-opo ma!  ayos lang po ako,  tutulog na po ako!  " Palusot ko kay mama na hindi inaalis ang tingin sa lalaking ngayon ay naglalakad papunta sa kama ko at kaluanay umupo doon.


" Sigurado ka ba?  hindi ka pa kumakain!  " Muling sabi ni mama na ngayon ay binubuksan ang seradura ng pinto ngunit di niya magawa sapagkat naka'lock.


" Busog po ako ma,  sige po ma goodnight,  i love you!  " Sabi ko.


" Sige anak,  goodnight,  i love you too!  " Sabi ni mama at narinig ko pa ang paglalakad nito.


" Yung ilaw anak,  patayin mo pag matutulog kana!  " Dugtong pa ni mama,  napaisip tuloy ako sa sinabi niya,  hindi ko kayang patayin ang ilaw baka lumabas yung nakakatakot na nilalang.


Hinarap ko yung lalaki na prente paring nakaupo sa ibabaw ng kama ko,  ang kapal ng mukha niya,  he's a total stranger na ngayon nakaupo sa ibabaw ng kama ko.


" Paano ka nakapasok dito?  " Usisa ko sa kanya,  tinignan niya lang yung bintana na nakabukas bilang tugon.


" Tresspas————



" Yung dalawa mong kasama sa peryahan , they're dead!  " Putol niya sa sasabihin ko,  nagulat ako sinabi niya,  hindi ako naniniwala sa kanya.

Takot Ka Ba Sa Dilim? ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon