Chapter VIII

201 11 1
                                    

J E S S I E

Nandito na kame kina Tita Nadia , umabot din ng isang Oras ang byahe at halos buong byahe ding yun lumipad ang isip ko dahil sa phone calls kaninang umaga , si Wendy yun , alam kong si Wendy yun.

" Jessie , ok ka lang ? " Napukaw ang atensyon ko kay Tita Nadia na kanina pa pala ako kinakausap.

" Ahh o-opo ! " Magalang kong tugon.

Kumain kame nang hapunan lahat , i mean kasama namin sina Tita Nadia at dalawa nitong anak na sina Carlo at Kuya Mike , kasama din namen sina Tito Ramon at ang asawa nitong si Tita Sylvia pati ang anak nilang si Kathy , maingay ang buong hapag na kapwa nagkakamustahan.

" Ikaw Hija ? Kamusta ka na ? May dalagang dalaga kana ! " Baling sakin ni Tita Sylvia.

" Wala po ! " Nahihiya kong tugon.

" Ahm , tito tita , doon po muna kame sa terrace magpi-pinsan ! " Agaw sa atensyon ng lahat ni Kuya Mike , nauna na siyang maglakad at sumunod na lamang kame.

Noong una nagkakahiyaan pa , ni isa walang gustong magsalita pero dahil sa palabiro na si Carlo , nag-umpisang magtawanan ang lahat.

Noong mga nakaraang taon halos hindi ako kinakausap ng mga pinsan ko , hindi ko alam kung bakit basta naiilang sila sakin at naiilang din ako sa kanila.

" Jessie , alam mo ba kung paano namatay sina Tita Katarina at Tito james ? " Tanong ni Kathy , hindi ko alam ang isasagot , alam ko naman kung paano sila namatay o pinatay basta parang awkward nang dating sakin.

" Ok lang kung di mo sagutin , kung ako din naman nasa kalagayan mo , mahihiya din ako ! " Sabi ulet ni Kathy bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay , napakunot ang noo ko sa tinuran niya , hindi ko siya maintindihan.

" Pagpasensyahan mo na ! " Sabi ni Kuya Mike at pumasok narin sa loob ng bahay kasunod si Carlo na nginitian lang ako.

Naiwan ako sa Terrace mag-isa at namalayan ko na lang ang sarili kong umiiyak habang nakatingala sa kalangitan , ang daming stars , ang gandang tignan pero sa bawat kurap ng mga bituin parang nagbibigay ito ng kalungkutan sakin , hindi ko maiwasang maiyak ng maiyak.

Binaba ko ang paningin ko sa kalsada , may mga sasakyang dumadaan ngunit may hindi tama , may .. May anino , anino nanaman nakakasawa na , hanggang dito nasundan ako ng Amomongo , nakatayo siya ngayon sa madilim na parte ng kalsada.

" Lubayan muna ako , sawang sawang nako ! " Buong lakas kong sigaw sa Amomongo , magkahalong galit at takot ang nararamdaman ko.

" Sino sinisigawan mo Jessie ? " Rinig kong tanong mula sa likuran ko , pinahid ko ang mga luha ko sa pisngi ko at hinarap ito , si Kuya Mike pala ang nagtatanon , ang dami nilang nakatingin sakin , halos lahat ng tao sa bahay ay nakatingin sakin , puno nang pagtataka habang si Mama naman at papa ay halatang nag-aalala.

Takot Ka Ba Sa Dilim? ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon