30

60.1K 1.9K 583
                                    

Early update for everyone.

After reading this, please avoid spoiling the entire chapter on social media. 

Enjoy reading. Thank you! 


~*~

PALIPAT-LIPAT ang tingin ko sa monitor ng computer at sa papeles na hawak-hawak ko. May inaayos akong mga typo at sinisigurado ko rin na pareho ang mga numerong nakalagay sa papel at sa table na nakalagay sa spreadsheet. Binitawan ko lang ang hawak kong papeles noong narinig kong tumunog ang aking telepono.

Kinuha ko ang aking telepono at saka tinignan kong sino ang nag-text. Agad ko iyong binuksan noong nakita kong si Jhaaja iyon.

From: Jhaaja

Hi, borikak. I already dropped off Rezia at school.

Nagtipa ako ng 'thank you so much, Jhaaja' bago ko iyon sinend sa kaniya. Late na rin kasi ako kanina. Sakto naman na bumisita si Jhaaja sa bahay at nakitang paalis na kami. Jhaaja offered to drop Kei at her school. Hindi na ako tumanggi at hinayaan siyang ihatid ang anak ko.

Pagkatapos kong mag-replay ay itinuloy ko na ang ginagawa ko. Kailangan ko na 'tong ipasa mamaya sa boss namin para ma-check niya. Hindi naman sa 'kin bago ang ginagawa ko rito sa opisina dahil gawain ko rin ito noong sekretarya pa lang ako. Medyo gamay ko na ang mga gawain kaya mabilis lang din ako gumawa ng mga report.

When I finished my work, I took a break. Pumunta muna ako sa pantry at nakita kong naroon ang ilan sa mga katrabaho ko. I saw them talking about something, but when someone noticed me approaching, they stopped gossiping. Biglang nagbago ang mood nila. Bigla na lang silang tumahimik.

Napabuntong hininga na lang ako at hindi sila pinansin. As usual, alam ko namang ako ang pinaguusapan nila. Simula noong magtrabaho ako rito at inulan ng papuri mula sa boss namin dahil sa paraan ko ng pagtratrabagho, galit na ang iba sa akin. Mas lalo pang nadagdagan ang galit nila noong lumabas na isa ako sa kandidato para sa 'employee of the month'.

Sobra ang natatanggap kong galit dito. Pati sa mga bagong pasok na empleyado ay sinisiraan nila ako. Kaya naman walang nagtatangkang lumapit sa akin. Kapag naman may lalapit, minsan takot sila o kaya ay nakasimangot sila.

Hindi ko na lang sila pinapansin minsan. Hindi bale ay alam ko naman sa sarili ko na wala akong ginawang mali. Pagod na akong isipin ang sinasabi ng iba. Ni hindi nga nila masabi sa harap ko kung anong problema nila. Hindi nila ako madiretso. Hindi nila kaya.

Pagkapasok ko sa pantry ay lumayo agad sila at iniwasan ako. Nilagpasan ko rin naman sila at hindi na pinansin. Kumuha ako ng isang baso bago iyon nilagay sa coffee maker at pumindot. I saw the coffee start to fill my cup when I heard them whispering again.

"Iyan na naman si pabida."

"Sus kung 'di lang 'yan maganda baka hindi na 'yan tumagal dito."

"Palibhasa inaakit si Sir Atlas kaya pinapaburan siya."

"Akala mo naman papatol si Sir Atlas. E may anak na 'yan."

"Totoo? Single mom?"

"Oo. Kumabit yata sa may asawa. Ayan bastarda tuloy ang anak."

Doon na tuluyang naputol ang pagtitimpi ko. Napakuyom ang aking kamao bago ako humarap sa kaniya at unti-unting naglakad papalapit sa kinaroroonan nila. Nakita kong natiligan sila sa pag uusap at umamo na parang tupa ang kanilang mga mukha noong tinitigan ko.

"What? Bakit kayo napatigil? What's the matter? Ako ang pinaguusapan niyo 'di ba? Nandito na ako. Sabihin nyo mismo sa harap ko para naman masabi ko kung totoo ba o hindi ang pinagsasabi niyo," saad ko sa kanila.

The Mayor's Paragon | ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora