XII

169 5 0
                                    

THE BLACK MANSION

CHAPTER XII

Napaatras kaming apat. Natakot kami nang biglang lumingon sa amin ang Isa. Ang inakala naming walang mga mukha ay nagkaroon. Nakakilabot ang mga itsura nila at may winika silang Hindi namin maintindihan. Parang latin at nagsabay sabay pa sila

Kumidlat ng malakas dahilan para magsumiksik sina Megan habang ako ay lumuluhang nakatingin sa mga nakalinyang itim na Madre ..

Biglang bumukas nang malakas ang malaking pintuan dahilan para magsipasukan ang malalamig na hangin. Mas lalong lumakas ang pagsasalita ng mga madre...

Maya maya pa ay biglang narinig namin ang isang nakakabinging sigaw mula sa itaas...

Napatigil kami nang makilala ang boses na iyon.

Boses ni Anthony.

Agad na umiyak si Anya at tatakbo na Sana pero pinigilan siya ni Megan at niyakap nalang. Umiiyak na kami dito at todo pigil kami na wag lumabas ang mga boses namin

"S-si Anthony..." Humahagulgol niyang bulong sa amin

"Puntahan natin..."

"Sshhh, mamaya na... May mga madre pa... Nakikita mo Naman di ba?" Bulong rin sakanya ni Megan habang ako ay hinawakan si Jessica

Nang titigan ko si Jessica ay nakita kong naghihingalo na siya. Bigla kong naalalang may asthma siya at Hindi siya nakakahinga sa mga masisikip na lugar

"Meg... Anya, si Jessica!" Tawag ko sakanila. Napatingin Naman sila dito at kaagad na lumapit

"OMG! Jes! No! Wag muna ngayon! Nasa panganib ang buhay natin!" Umiiyak na Saad ni Anya habang umiiyak pero hindi tumalab at patuloy paring naghihingalo ito

Maya maya lang ay narinig kong malakas na sumara ang malaking pintuan at nang tingnan ko ay naging tahimik na ang paligid. Wala nang mga madreng itim na nakapila at kaagad akong lumabas

"Wala na sila! Halina kayo! Tulungan niyo kong buhatin si Jessica!" Nagtulung tulong kaming tatlo hanggang sa pinagsikapan naming makaabot hanggang sa itaas.

Agad kaming pumasok sa isang kwarto na hindi naman namin kwarto at doon inilapag si Jessica na nahimatay na.

Agad namang tumayo si Megan at nagpaalam na siya na ang kukuha ng inhaler habang si Anya naman ay pupuntahan silang apat sa itaas para kumustahin

"Mag iingat kayong dalawa!" Bilin ko at tumango Naman sila.

Naiwan kaming dalawa dito ni Jessica. Agad ko siyang hinawakan at kaagad na nanlaki ang mga mata dahil sa init ng katawan niya

Inaapoy siya ng lagnat. Napahilamos ako sa sariling mukha at Hindi na Alam ang gagawin. Maya maya pa ay biglang sumar ang pintuan ng malakas sa kwartong pinasukan namin

Lumapit ako doon at nang hawakan ko ang door knob ay nakakandado na ito. Agad akong siniklaban ng takot at Hindi na malaman ang gagawin

"Tulong! Buksan niyo tuh!" Sigaw ko habang kinakalampag ito.

"Hindi ba mabuksan?" Tumingin ako sa nagsalita

"Opo eh... Pakitulungan po ako. Naka lock po eh" Sabi ko sa isang babae nang Hindi ko namamalayan na may ibang tao pa pala dito sa loob

Binuksan niya ang pintuan gamit ang kandadong dala niya. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari basta ang gusto ko lang ay makalabas kami ni Jessica dito

Nang mabuksan ang pintuan ay kaagad akong humarap sa kanya. Ngunit iba ang nakita ko, isang babaeng duguan habang may kadenang nakasabit sa leeg. Naaagnas na ang kaliwa niyang mukha at Kita na buto nito

"Ganitong ganito din ako noon pinatay... Sa susunod ay mag iingat kayo" Saad nito sa akin dahilan para mapasigaw ako sa takot...

Napapikit ako nang may Makita akong madreng nakaitim sa likuran niya... Nag iiyak at nagsisisigaw na ako

"Marie?! Marie?!" Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Megan na dumating. Dala na niya ang inhaler ni Jessica...

Nang tingnan ko ang haraoan ko ay Wala na ang babae kanina. Nawala na sila...

Agad naming nilapitan si Jessica at kaagad na niyugyog para mabigyan namin ng inhaler

"Jes! Jes!" Tinapik niya ang pisngi nito ngunit Hindi ito gumigising

Nagtaka ako nang Tumigil siya sa pagtapik. Lumuhod ako para makialam

"Megan ano na? Bakit ka Tumigil?" Narinig ko ang iyak niya at nakita kong umiling iling siya habang panay ang iyak

"Megan? Ano? Bakit ka Umiiyak?" Tanong ko at maski ako ay naiiyak na sa nangyari sakanya. Niyakap niya ako habang umiiyak na siya ng malakas

"W-wala na si Jessica..." Para akong nabingi dahil sa sinabi niya. Hindi maayos ang pagkakasabi niya ngunit malinaw sa pandinig ko na... Wala na si Jessica

Umiling iling ako bago niyugyog ito

"No! Anong Wala?! Megan wag kang mag sasalita ng ganyan! Buhay pa siya nandito pa sya!" Sigaw ko at kaagad na kinuha ang inhaler saka ito inilagay sa bibig ni Jessica pero hangin Lang ang lumalabas at talagang Hindi na kumikilos si Jessica

"Marie! Wala na siya! Patay na siya! Wala na matigas na ang katawan niya! Wala nang pulso!" Umiiyak niyang Sabi sakin. Lumuhod ako at agad na inilagay ang tenga sa dibdib nito...

Halos mawalan ako ng lakas... Totoo ang sinabi ni Megan... Wala na si Jessica... Patay na

THE BLACK MANSIONWhere stories live. Discover now