XXII

164 7 1
                                    

THE BLACK MANSION

CHAPTER XXII

Napamulat ako ng mata nang may dumagundong na boses na mula sa kung saan. Madilim ang paligid. Agad akong bumangon at agad na tumayo...

Hinding hindi ko makakalimutan ang mga sinabi ni Maria sa akin... Nagpakita siya sa panaginip ko...

Napalingon ako nang marinig ang sigaw ni... Anya... Agad akong napaayos ng tayo at napatakbo...

"ANYA?!" Tawag ko sakanya pero tanging mga daing niya lang na parang nasasaktan ang naririnig ko

"ANYA?!" Sigaw ko ulit... Naging tahimik ang paligid at doon ko lang napagtantong...

Iniwan ko sina Megan at Anya sa ibaba... Hindi ko alam kung saang palapag ako... Tumakbo ako at hinanap ang hagdan pababa at nah Makita ito ay kaagad akong napalinga linga sa paligid

Naging tahimik ang paligid

"Anya? Asan na kayo?" Natatakot kong tawag sakanila... Madilim ang buong paligid at takot ako sa dilim. Naiiyak na rin ako

Katahimikan ang bumalot sa buong paligid... Maya maya pa, nakarinig ako ng isang kaluskos. Hanggang sa naging patak it ng tubig...

"A-anya?" Tawag ko sakanila pero walang nakinig o sumagot man lang

Parang may bumulong sakin dahilan para kilabutan ako. Kahit flashlight ay Wala...

"Susunod ka na..." Bulong ng kung sino. Mas lalo akong natakot... Walang ibang tao bukod sakin dahil nagkahiwa hiwalay kaming magkakaibigan...

Tumahimik ang paligid. Nakakabinging katahimikan ngunit nakakakilabot naman.

Bigla akong napasigaw nang may parang malamig na kamay na humawak sa mga paa ko... Nagsisisigaw ako sa takot at dina malaman ang gagawin...

Iyak na pinaghalong takot ang nagawa ko...

Nagpatay sindi ang ilaw. Katahimikan ang bumalot sa akin. Agad akong nakarinig ng isang nakakakilabot na tawa ng kung sino at ang pagsigaw ng kung sino sa matinis na boses... May nagtatawanan at may nag iiyakan...

Isa Lang ang alam ko.

Marami sila... At Hindi siya nag iisa. Habang patay sindi ang ilaw, napatingin ako sa isang gawi... May nakita akong nakabitay at nang lapitan ko ito...

Napasigaw ako... Nakalawit ang dila... Bukas ang mga mata at patay na...

Si Anya

"Anya!" Umiiyak Kong sigaw habang nakatitig sa katawan niyang nakasabit sa dingding at may kutsilyong nakatarak sa leeg niya... Wala akong magawa kundi umiyak nalang...

Naramdaman ko ang dugong tumulo mula sa itaas... Nang tingnan ko ito ay halos mawalan ako ng malay sa nakita...

Si Megan... Nasa itaas, tumutulo ang dugo mula sa kanya... Nakabukas ang kanyang tiyan habang nakalabas naman ang kanyang mga laman loob... Halos masuka ako sa nakita...

Napasigaw ako bago agad na tumakbo nang Hindi Alam ang pupuntahan...

Halos hindi ko na maramdaman ang katawan ko at panay Lang ang takbo ko sa kung saan...

Biglang lumakas ang hangin at kumulong ng malakas. Hindi ko na alam ang gagawin. May naririnig akong ingay ng mga Umiiyak na babae at mga bata na nakakatakot sa pandinig...

Panay ang takbo ko hanggang sa bigla akong napatid ng kung ano... Natumba ako at nang tingnan ko ito ay halos mapasigaw ako nang Makita ang katawan ni Jessica...

Napasigaw ako at kaagad na nilapitan ang katawan niya...

"Jessica?" Mahina kong tanong ngunit agad na napasigaw ulit nang mapagtantong hindi si Jessica ang katawan na nakita ko..

Hindi ko ito kilala. Maputla at ibang iba ang mukha... Nabura na halos ang mukha at hindi ko na maaninag dahil sa dilim...

Biglang nagpatay sindi ang ilaw Kaya kaagad akong tumayo... Napahinto ako saglit nang maalala ang naging panaginip ko.

Para makalabas, kailangan kong sirain ang rebultong nasa ikalimang palapag na sinasamba nina Mariano... Kailangan ko itong sirain pero bago iyon, kailangan ko munang mahanap ang diary ni Maria

Desididong makalabas, walang takot na inakyat ko ang itaas papunta sa pang apat na palapag. Doon ko nakita ang diary Kaya alam kong nandoon pa rin iyon.

Patuloy ko paring naririnig sa labas ang mahinang buhos ng ulan at ang kulog ngunit ang mas nakakakilabot ay ang marinig ko ang iyakan ng kung sino mula sa kahit saang lugar...

May naririnig pa akong tinig ng isang hindi ko kilalang matanda na parang nag rorosaryo at ang iba pang mga kalampag sa kung saan...

May mga sigawan at kung ano ano pang parang nasasaktan...

Nang makarating ako sa 4th floor, nadatnan ko ang napakatahimik na buong hallway ng silid... Katulad ng second and third floor, may mga kwarto ito at ang pinagkaiba ay may mga library na malalaki...

Mabuti nalang dahil sa tulong ng liwanag na nagmumula sa kidlat ay kahit papaano'y may liwanag akong naaaninag

Nagsimula akong maghanap. Panay ang paghahanap ko at kahit anong libro o maliit na notebook ay binasa ko...

Habang abala ako sa pagbabasa ay biglang may nahulog na isang bagay sa likuran. Tiningnan ko iyon. Tahimik lang akong naglalakad nang bigla kong maaninag ang pamilyar na bagay...

Ang diary...

Kukunin ko na Sana ito nang makitang may kamay na biglang humablot nun. Napaigtad ako at takot na takot... Nilingon ko ang paligid at nang lumingon ako sa kaliwa ay may nakita akong madreng itim... Nakangisi habang nakakakilabot akong tiningnan

"Hindi mo ito makukuha..." Bulong niya at may iba't ibang insekto ang lumalabas sa bibig niya. Nilabanan ko ito ng tingin... Hindi ako dapat matakot... Kailangan kong harapain ito dahil walang mangyayari...

Bigla kong naisip sina Anya, lahat ng mga kasama ko na alam kong pinatay nila. Masama kong tiningnan ang Madre... Wala kaming kasalanan at hayop sila dahil kinuha nila ang mga kaibigan ko

"Saan mo dinala ang mga kasama ko?!" Buong tapang kong tanong dahilan para Tumawa ito habang iwinagayway sa harapan ko ang diary ni Maria

"Pinatay ko sila... Dahil iaalay sa aming panginoon... At" Huminto ang Madre bago dahan dahang inilabas ang kanyang patalim.

Napaatras ako. May preskong dugo pang tumutulo mula dito... Huminto ito bago nakakakilabot na tiningnan ako

"Ikaw ang isusunod ko..." Kasabay nun ay anga pagliparan ng mga bagay sa loob... Nakita ko ang pagngisi ng Madre...

Tatakbo na Sana ako nang may bigla akong maalala...

Naalala ko ang sinabi ni Maria sa akin

'Bakit ka nagpadala sa takot?' Doon ako natauhan... Bakit nga ba? May totoo akong rason kung bakit ako natatakot pero...

'Hindi ka makakalabas dito Marie, isinarado na nila ang pintuan papalabas sa mansyong ito... Para makalabas ka, kailangan mong wasakin ang panginoon na sinasamba niya sa ikalimang palapag ng bahay na ito...'

Sa pag iisip ko ay hindi ko namalayan na ang madreng nakaitim ay nasa harapan ko na...

Natuon na sa akin ang patalim na hawak habang sakal sakal ako

"Sasama ka na sa kanila..."

THE BLACK MANSIONWhere stories live. Discover now