CHAPTER 21

91 4 0
                                    

Bago tuluyang kumagat ang dilim ay nagpasya na silang magtampisaw sa falls. Nagkakasiyan silang lahat nakipag habulan, makipag basaan at kung ano pa.

Nang mapansin nyang nag-iisa nanaman si Mikhs ay tinawag nya ito

"Mikhs, halika dito, bat kaba nakahiwala?"

"Sige lang, dito muna ko. Hindi ko kinakaya energy ni Sheena" simpleng sagot nito pero nakangiti naman.

"Ako nanaman nakita mo Mikhs, pati naman si Stacku ang taas taas din ng energy ahh" reklamo naman ni Sheena

Tawa lang ang isinagot dito ng isa at nagpatuloy naman sila sa pagtampisaw.

Nang makaramdam na sila ng ginaw ay nagpasya na silang magpalit na. Pinauna na nila ni ate Colet ang ibang girls dahil hindi pa naman sya masyadong giniginaw..

Ang kinagandahan lang sa samahan nila ni ate Colet kapag talaga sya nagsakripisyo sa grupo? Asahan mo si ate Colet nasa tabi mo palagi.

Magsasakripisyo at magsasakripisyo din sya hindi nya hahayaan sya lang ang magsasakripisyo. Kita naman din sa mga naunang mga araw palang.

Kahit kaninong miyembro mapapansin at mapapansin mo ang ganitong ugali ng dalaga.

Sa pagmumuni muni nya habang hinihintay matapos ang ibang girls ay biglang nagsalita si ate Colet na bahagya nyang ikinagulat.

"Thankyou" anito

"Huh? Para saan ate"

"Basta malalaman mo rin soon, hayaan mo lang akong magpasalamat sayo araw araw. Sa lahat ng sakripisyo at effort mo. Always remember that ate Colet is always here"

Na touch naman sya sa sinabi ng dalaga kaya lumapit sya dito tyaka nya ito inakap nang napakahigpit.

Nasa ganoong posisyon naman sila ng malabasan sila ni Sheena pagkatapos nitong maligo.

"Oh anong drama yan mga teh?" Gulat na tanong nito

"Wala bawal ba yakapin si ate Colet?" Sagot naman nya

"Hindi naman, seselos ako ehh ako dinn"

Nangtang lalapitan sila nito nang magsabay sila magsalita ni ate Colet

"Noooo!!!"

"Ang damot nyo naman yakap lang din ehh" pagmamaktol pa nito

"Gagi basa kame, kaliligo mo lang gusto mo mabasa ulit. Baka nakakalimutan mo tatlong araw tayong wala sa balay limited lang mga damit naten." Paliwanag ni ate Colet dito

"Ayy oo nga, dyan na nga kayo doon nalang ako kay ate Gwenny, ay kasama pala nya si kuya Jaycey. Si ate Maloi nalang, ay nandyan din pala si kuya Yaki. Kung si Mikhs naman baka mapanisan naman ako ng laway dun hmm. Pag kay ate Oiah naman baka talambuhay nya maging topic namen lakas maka tita. Naku naman STACKUUUU lika dito tayong dalawa nanaman magsasama" mahabang reklamo nito tyaka na sila tuluyang iwanan ni ate Colet na ikinatawa nila ng malakas.

"Mauna ka nang maligo Jho puntahan ko muna si kuya baka ano na ginagawa nila sa mga isda" muling sabi nito at kumalas na sa pagkakayakap sa kanya.

"Sige ate, tawagan nalang kita katapos ko"

Tumago naman ito at lumabas na sa tent. Magkahiwalay din ang bihisan ng boys sa kanilang mga girls para respeto na rin.

Maituturing nyang lahat ng kasama nila ay gentleman kahit ang iba sa kanila ay may pagka maloko lalo na sina kuya Jhoseph at kuya Marcus pero kapag silang girls na ang usapan at ang kapakanan nila ay nag gigive way lahat sila.

Nang matapos syang maligo ay mabilis na nag ayos at nagsuklay dahil limitado rin ang mga gamit na dala nila at sila sila lang din naman ay hindi na sila nag abalang magdala ng blower at kung ano pang anik anik.

Nation's Girls Group Series #1 WE AND USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon