CHAPTER 24

104 4 0
                                    

Mabilis na lumipas ang araw at nalagpasan na nila ang exam week. Maituturing nyang naging magaan sa kanya ang pasok ng isang linggong yun dahil binigyan sila ng mga coach nila ng pahinga.

Pero kahit na ganon ay nag paalala parin sya sa mga girls na patuloy paring aralin kahit sa isip lang nila ang mga step na inaral nila.

Sa kabilang banda ay patuloy parin si Mr. Graywolf sa pagpapadala sa kanya ng letters. At aaminin naman nyang sa mga letters nito ay mas lalo syang na momotivate sa lahat ng bagay.

Gustong gusto na nyang makilala kung sino man ito ngunit hindi nya talaga ito matyambahan sa tuwing papasok sya ay deretcho agad syang locker para sana maabutan nya ito ngunit wala talaga syang napapala.

Nagtanong tanong na din sya sa mga guard at janitor dahil sila ang laging nagagawi sa locker pero wala din syang makuhang sagot mula sa mga ito. Kaya dismayado man ay hinayaan nalang niya kung sino man ang nasa likod nito.

"Hey, san ka punta?" Ang tanong na yun ni kuya Cole ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Lately kase lagi din syang nakatulala na para bang ang layo layo lagi ng isip nya.

Kaya hindi na nya namamalayan kung may kumakausap ba sa kanya or kung may mabubunggo ba sya.

"Kay Mr. Samonte lang mag papasa lang ako project" sagot nya "ikaw san ka punta wala ka bang klase?"

"Meron, nautusan lang sa Library kaya kahit magtagal ayos lang haha buti hindi mo kasama sina Sheena kung magpapasa kang project mo?

"Pinauna ko na silang mag pass. Last day na nga to ngayon ehh ang dami kase halos nagsabay sabay na"

"Bakit hindi ka nagpatulong saken, I mean samen ready to help naman kami lagi ah"

"Para pareho tayong may ginagawa Cole and ayaw ko namang maka istorbo"

"Hindi ka naman istorbo sakin ehh" sabi nito tyaka kinuha sa kamay nya ang bitbit nyang project at ito ang nagdala

"Wait ako na diba inutusan ka lang? Baka hanapin ka"

"Hindi nila ko hahanapin agad. Inutusan nga diba? So sasamahan na muna kita sa Faculty bago kita iwan sa room nyo"

May balak itong ihatid pa sya hanggang classroom nila?

"You don't need to do that Cole, I'm fine"

"I think you don't kaya don't be stubborn please"

Ano pa nga ba ang magagawa nya kung hilig nitong gamitin ang salitang "please"

Hinayaan nya na lang ito at nagpatuloy nalang sya sa pag lalakad.

"Sabay tayo mag lunch mamaya ah sunduin kita sa room nyo"

Hindi naman sya makasagot dahil sa pagtataka. Pagtataka bakit simula noong bumalik sya galung bakasyon ay iba ang pinapakita nito sa kanya

Halos araw araw may food na inaabot sa kanya si ate Colet at kung minsan naman ang binata mismo ang nagyayaya sa kanya kung saan saan.

Tila rin lagi itong walang pasok dahil kung saan man sya ay lagi nya itong nakakasalubong which is weird para sa kanya.

Oo gusto nya lagi itong kasama pero grabe naman ang tadhana sa kanilang dalawa. Hulog na hulog na sya dito ngunit ayaw nyang sumugal lalo na wala pa talaga sa isip nya ang pagkakaroon ng kasintahan

Di lang sa takot syang sumugal at sakripisyo kung ano ang meron sya ngayon bilang leader at bilang mag aaral sa unibersidad na pinapasukan nya

Ngunit ayaw nya rin kaseng mawala kung ano na sila ng binata ngayon. Masaya na sya na nakakasama nya ito. Na nakakapag usap sila hindi tulad noon na parang iniiwasan sya nito.

Nation's Girls Group Series #1 WE AND USWhere stories live. Discover now