Chapter 9: Changing Bit by Bit

24 0 0
                                    

[Zelo's P.O.V]

Mas lalong tumindi yung practice namin lalo na nung natalo kami sa huling laro namin. Malapit na ang totoong game kaya kailangan mas pagbutihan na namin. Lalo na ako, dahil lahat ng maiinit na mata ay nakatutok sakin. That's why I decided to bring back my passion in playing football. I will surpass my ability. Magaling ako dati kaya mas gagalingan ko pa ngayon. I'm not going to be satisfied until we became champions. Go Zelo! Go HARU Football Team! Hwaiting!!

Wala pa silang lahat pero ako nandito na sa field para makapagpractice na ng maaga.

"Oi Jello~ mamaya pa yung practice, ba't andyan ka na?" nakita ako nila Luhan.

"Di na ko makapaghintay magpractice eh" sagot ko sa kanya.

Lumapit sakin si Sonny at inagaw yung bola.

"Play with me" sabi nya.

Sinisipa sipa nya yung bola habang tinatanggal nya yung shoulder bag nya at binato yun kay Luhan.

"Ba't ka nakatanga dyan? I said play with me" sigaw nya 5 meters away habang nakaapak yung left foot nya sa bola.

"Bakit ako makikipaglaro sayo, nakaschool uniform ka pa?" gusto ko fair ang laban. Dapat pareho kaming nakapang soccer.

Narinig kong nag-uusap sila Mark and Luhan.

Mark: "Anong nakain ni Sonny? Biglang niyayang maglaro si Zelo?"

Luhan: "Ano ka ba, di pa nga tayo kumakain simula first class. Ngayon palang tayo kakain"

Mark: "Ah oo nga pala. Sonny, mamaya ka na maglaro. Kain muna tayo baka gutom lang yan!"

Sonny: "Mauna na kayo pre. I'll defeat Zelo first"

Sinipa nya sakin yung bola. "Try mo ko lagpasan"

Ibang klase din tong naghahamon sakin. Iniismall ata ako. Di man lang tinupi yung sleeves nya.

Nagsimula na ko. Inikot-ikot ko yung bola papalit-palit sa paa ko. Naghahanap muna ako ng tyempo para makalusot sa kanya. Seryoso syang nakatingin sakin. Mukhang ayaw nya talaga akong makalagpas sa kanya.

Umikot ako pakaliwa pero sa kanan ako pumunta nabasa nya yung galaw ko. Pumunta din sya sa kanan kaya naharangan nya ko. Inapakan ko muna yung bola.

"Go Jello~!" nanonood padin sila samin kahit pinapauna na sila.

Dahil sa sigaw ni Luhan, madami-dami din ang napatigil at nanood nadin samin.

Imikot ulit ako 180 degrees. Ngayon nakatalikod na ako sa kanya. Naisip kong idaan nalang yung bola sa pagitan ng mga paa nya. Sinipa ko yung bola patalikod gamit yung sakong. Di lumusot yung bola kasi inapakan nya. Ang hirap pala kalabanin to.

Humarap ako sa kanya at humakbang muna palayo. Pinasa nya yung bola. "Suko ka na ba?"

Nagsmirk lang ako. Nagsmirk din sya. Pagkalapit ko sa kanya, may narinig ako.

*gggrrrrr~*

Napatingin ako sa kanya, "Pare, gutom ka na"

Tumayo sya ng maayos at napakamot.

*gggrrrrr* tumunog din yung tyan ko.

"Gutom ka din"


Napatigil kami sa paglalaro.

"Sabi ko sayo gutom lang yan eh. Tara na Sonny. Zelo, sabay ka nadin samin" yaya ni Luhan.

Mark: "Eh okay lang ba kay Sonny?" napatingin sya sa kaibigan na kinukuha na yung bag nya.

ZelosWhere stories live. Discover now