Chapter 10.2 - Ang Weird Talaga!

4 0 0
                                    

[Trixie's P.O.V]


Maaga ulit yung uwian namin kasi may laro ulit ng football. Di ako manonood. Never naman ako nanood eh kahit yayain pa ko ni Zelo. Hinihintay ko sila Mom and Dad kasi sabi nila susunduin na nila ako ulit. Naglibot-libot muna ako dito sa school. Huwag kayong mag-alala may dala akong The Map. Feeling Dora the Explorer tuloy ako.

*shik shik*

Do you hear that?

*shik shik*

That sounds like Swiper the Fox! Parang may sumusunod sakin. Tumitingin ako sa likod ko pero wala naman akong nakikitang tao.

Nagulat nalang ako nang biglang may tumakip ng bibig ko. Tinignan ko kung sino pero hindi ko makilala kasi may nakatakip na panyo sa ilong at bibig nya. Sinubukan kong tanggalin iyon pero hinawakan nya yung dalawang kamay ko gamit ang kanang kamay nya. Napadpad kami sa may soccer field.

Kinagat ko yung kamay nya.

"Aray, ang sakit! May lahi ka bang aso?" tinanggal nya yung takip sa mukha nya at nakita ko ang mukha ni Zelo.

"Bakit mo kasi ako dinala dito?"

"Eh kasi magsisimula na yung game namin pero pagalastaresarin. Baka maubusan ka ng upuan."

Sa kasamaang palad, nakita ako ni Zelo at pinapanood nya ko ng game nila. Wala talaga akong balak na manood kasi baka antokin lang ako tyaka nagsabi nga pala ako na manonood ako (kasi ang kulit nya that time. Para tumigil na sya sa pangugulit).Wala na akong nagawa kasi hinila nya na ako papunta sa pinakababa ng field kung saan makikita mo ng malapitan yung laro. Tatakas sana ako kaso nakabantay yung tingin nya sakin. Wish ko lang hindi ako matamaan ng bola.

"Hi Trixie! May nakaupo ba dito?" si Charlotte yung nagtanong sakin.

"Oh Charlotte manonood ka rin?"

"Oo susuportahan ko yung crush ko"

"Sinong crush" uminom ako ng tubig kasi napagod ako kakatakbo sa paghila sakin ni Zelo.

"Umm.. secret lang natin to ah.. Tinuro ko lang sya as friend pero actually crush ko talaga si Zelo" nasamid ako at bigla kong nabuga yung iniinom ko.

"Ayos ka lang?" Pinat nya yung likod ko at kumuha ng tissue.

"Oo ayos lang. Nasamid lang bigla" ipinunas ko sa bibig ko yung inabot nyang tissue.

Nagsimula na yung game at lamang yung kalaban nila Zelo na taga-ibang school. Ang sakit lang ng tenga ko sa kakacheer ni Charlotte. Malapit na matapos yung game pero tambak sila sa kalaban. Ano ba yan ang panget maglaro ni Zelo.

"Ano ba yan Zelo! Ang boblaks mo maglaro ayusin mo yan! Sayang oras ko kakanood ng walang kwentang laro!!" naiinis na ako, akala ko ba magaling sya maglaro? Napatingin sakin yung mga nanonood. Pati si Zelo tumingin at napangiti. Nagulat ata si Charlotte sa pagsigaw ko. Ang tagal nyang nakatingin sakin hanggang sa makaupo ako pero nagpatuloy parin sya sa pagcheer.

Himala! At the end nanalo sila Zelo kasi biglang gumanda yung paglaro nila. Binubuhat sya ng mga kateamates nya kasi sya yung nakakagoal. Noong binaba na sya, tumakbo sya papunta samin tapos bigla syang niyakap ni Charlotte at binati ng "congratulations". Nabigla si Zelo sa pagyakap sa kanya at nahihiyang nagsabi ng "thank you". Lumapit sya sakin, tinaas ang palad nya at sinabing "appear". Pano ako aapear eh sobrang taas ng kamay nya.

Nagring yung cellphone ko. Tumatawag si Mommy! Baka naghihintay na sila sa labas. Tumalikod ako at naglakad para sagutin yung phone. Iniwan ko si Zelo habang nakataas padin yung kamay nya. Lumingon muna ako sa kanya bago ko pindutin yung green button. "Congrats Zelo! Sige mauna na ako"

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Oct 29, 2015 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

ZelosOnde histórias criam vida. Descubra agora