3 𝘺𝘦𝘢𝘳𝘴 𝘭𝘢𝘵𝘦𝘳
𝗧𝗵𝗶𝗿𝗱 𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 𝗽𝗼𝘃;
Busy ang lahat sa mga kalokohang ginagawa nila except kay ci-n nagbabasa ng libro.Hindi mahilig magbasa ng libro si ci-n kaya nagtaka ang mga kapwa nya kaulupong.
"𝗔𝗻𝗼 𝗯𝗮 𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗻𝗮𝗯𝗮𝘀𝗮 𝗺𝗼 𝗰𝗶?" tanong sakanya ni edrix
Agad naman itong nilingon ni ci-n pero agad ding bumalik sa binabasa niyang libro.
"𝗔𝗵 𝗶𝘁𝗼 𝗯𝗮? 𝗧𝗵𝗶𝘀 𝘀𝘁𝗼𝗿𝘆 𝗺𝗮𝗱𝗲 𝗯𝘆 𝗺𝗶𝘀𝘀 𝗽𝗲𝗻, 𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗴𝗮 𝗲𝗵. 𝗟𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗻𝗮𝗻𝗱𝗶𝘁𝗼 𝗽𝗮𝘁𝗶 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻!" Tuwang tuwang sambit ni ci-n
Agad na naagaw ng atensyon ng mga ulupong at agad na pumunta sa harap ni ci-n para malaman ang kwento.
"𝗧𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮? 𝗔𝗻𝗼 𝗽𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗲𝗿𝗼𝗻?"
"𝗔𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗻𝗴 𝘀𝘁𝗼𝗿𝘆 𝗻𝗮 𝘁𝗼, 𝘆𝘂𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘂𝗴𝗮𝗹𝗶 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗮𝘆𝗮 𝗱𝗶𝘁𝗼" Namamanghang sabi ni ci-n
"𝗥𝗲𝗮𝗹𝗹𝘆?" Kunot noong tanong ni keifer
Agad naman na tumango si ci-n habang nakangiti, nagpakwento sila kay ci-n kung anong meron sa librong yon kaya kwinento niya ang buong pangyayari kasama na doon kung paano nabuo ni miss pen ang kwentong iyon.
"𝗦𝗲𝗿𝘆𝗼𝘀𝗼?" Gulat na tanong nila kay ci-n
Tinanguan lamang sila ni ci-n sabay balik ng tingin sa binabasang libro.
Habang ang mga kaklase niya naman ay gulat pa rin at hindi makapaniwala.
Sobra sobra silang namamangha dahil pangalan, section at mga ugali nila ang mga tugma roon pero hindi naman sila kilala ng author non. Its means ay galing lang lahat yon sa panaginip ng author at ginawang istorya.
Bumili ang mga section e ng libro na katulad ng kay ci-n at agad naman nilang binasa.
Tuwang tuwa ang mga section e dahil sa mga nababasa nila lalo na, pakiramdam nila sila talaga ang nasa libro dahil nakapangalan sa kanila.
Sumikat at bumenta ang librong iyon dahil sa ang kwentong iyon ay nakapukaw sa karamihan.
𝗝𝗮𝘆 𝗝𝗮𝘆'𝘀 𝗽𝗼𝘃;
Kakapasok ko palang sa mansion galing sa galaan ng mabungaran ko si kuya angelo at aries na nakatingin sa akin ng masama."𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗯𝗮𝘁' 𝘀𝗶𝗻𝗮𝗯𝗶 𝗸𝗼 𝗻𝗮 𝘀𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗮 𝘄𝗮𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝘀𝗮𝗴 𝘂𝗹𝗼?!" Nangangalihating sigaw sa akin ni kuya angelo
"𝗸𝘂𝘆𝗮 𝗮𝗻𝗴𝗲𝗹𝗼 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻, 𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗮𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗹𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗲. 𝗞𝗮𝘀𝗮𝗹𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗶𝗹𝗮 𝘆𝗼𝗻, 𝘀𝗶𝗻𝗮𝗯𝗶𝗵𝗮𝗻 𝗯𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗸𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗺𝘂𝗸𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘀𝗼" Sumbong ko sa kanila
"𝗔𝗯𝗮𝘁! 𝗯𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗺𝗼 𝗮𝗴𝗮𝗱 𝘀𝗶𝗻𝗮𝗯𝗶? 𝗘𝗱𝗶 𝘀𝗮𝗻𝗮 𝗮𝗸𝗼 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗺𝘂𝗴𝗯𝗼𝗴 𝗱𝗼𝗼𝗻!" Nag uusok na ilong na sabi ni kuya angelo
"𝗢𝗼 𝗻𝗴𝗮, 𝗮𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗼𝗻? 𝗜𝗽𝗮𝗽𝗮𝘀𝗮𝗹𝘃𝗮𝗴𝗲 𝗸𝗼" singit naman ni aries habang nakapaweywang sa harapan ko
Nagpipigil ako ng tawa dahil sa mga reaksyon nila. Napansin ata nilang nagpipigil ako ng tawa kaya agad naman nila akong sinamaan ng tingin kaya dali dali akong tumakbo papunta sa hagdan.
Pero bago ako makaakyat ay narinig ko ang sinabi ni kuya angelo at aries na nakapagpahinto sa akin.
"𝗕𝗮𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸 𝗸𝗮𝗻𝗮 𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗽𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀, 𝗱𝗼𝗼𝗻 𝗺𝗼 𝗶𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴 𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹 𝗺𝗼. 𝗞𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝘀𝗶 𝗮𝗿𝗶𝗲𝘀" Seryosong sabi ni kuya angelo
Agad naman akong umangal pero nagkibit balikat lang sila at hindi ako pinansin kaya nagdadabog akong umakyat sa taas papuntang kwarto.
Don't forget to vote33!! <3
