Bobong Entry #4

1K 23 4
                                    

Dear diary,

Ang dami na talagang cheater ngayon diary. Ops. Hindi. Hindi love at game ang sinasabi ko. Cheater talaga 'yong sa classroom.

Alam mo kasi, diary. Kanina kasi habang nag-eexam kami, may tumabi sa 'kin na lalaki tapos kinausap niya ako.

"Juan, pwede pa kopya?"

See diary? I'm so rich in mind, body, and langguage. Mangongopya siya sa 'kin dahil siguro sa katalinuhan na namana ko galing kay lolo Albert.

"Yeap. Sure. At 'pag perfect ka, wag mo ipagkalat na dahil sa 'kin kaya ka na-perfect ha?" maangas ko pang sagot sa kanya.

"Ang kapal naman ng kalyo sa mukha mo, Juan. Pero sige."

Nagsimula na ang pasulit, diary. TAMA at MALI lang ang isasagot kaya napatunganga din ako sa kawalan saglit dahil ang easy lang ng binigay ng bobitang teacher namin sa mapeh.

"Presidente ba si Pnoy sa pilipinas?"

See, diary? So easy. MALI ang sagot ko dahil hindi naman si Pnoy ang presidente diba? Si Noynoy 'yon, wag kang tanga. Oh, sorry diary. Nasabihan tuloy kita ng tanga.

Ang daming tanong ng teacher namin, diary. Naiinis tuloy ako dahil baka ma-perfect ko 'to at madaming mai-insecure sa 'kin kaya bubugbugin nila ako sa labas ng campus. Ang scary kaya no'n. Di ba, diary?

Nag-exchange na kami ng papers. Pagkatapos kong icheck ang papel ng babae kong kaklase, linagyan ko ng "MALANDI ‹3" ang ituktok ng papel niya bago nagcounter-clockwise sa pagsa-uli.

Nagalit siya diary.

"SINONG MALANDI?!" sigaw niya. Nagalit naman ang teacher namin dahil SINONG kasi ang pangalan niya. Kaya ayon, hinagis ang babae palabas ng bintana at hinatulan ng expulsion. Yayks. Ang tindi ni Sinong, diary! Hindi ko naman kasalanan 'yon diba? Nagmamagaling kasi ang Malandi. May pasiga-sigaw pa. Akala niya bida siya ng story. Pasalamat nga siya classmate kami, e! May exposure siya sa kwento ko.

Back to normal na tayo, diary. Ka-stress mga king ina. So ayon diary.. Nagulat ako pagtingin ko sa papel. What the fuck?! ZERO ang score ko diary over TEN. Tung unu. Ba't ganun? Tinignan ko ang papel ng nangongopya sa 'kin. Perfect ang gagu! Ba't gano'n, diary? Bulag ba ang nag check sa papel ko kaya naging ganito? O baka bungol. Nakita ko naman ang katabi ko na tumitingin sa papel ko kanina, e. So dapat parehas kami ng score.

"Bakit perfect ka at ako Zero?" nakakunot-noo ako niyan para matakot siya at ipi-perfect nalang din sa 'kin. Pero tinaasan niya ko ng kilay kaya ako mismo ang natakot, diary.

"Haha!" baliw ba siya diary? Biglang tumawa, "Alam ko kasi na Bobo ka, Juan kaya kung Mali ang isasagot mo, Tama naman sa 'kin."

"Ha? Hindi ko gets."

"Bobo ka kasi kaya 'di mo ma-gets." luh? Kung makabobo siya, ha?! Naka-perfect lang ang laki na ng ulo, "Kung ano kasi ang e-aanswer mo, ibabaligtad ko sa answer ko. Kagaya ng number one. Mali ang linagay mo kaya Tama ang linagay ko sa papel ko. See? Dahil alam ko namang Bobo ka at Tama't Mali lang naman ang answer, kaya tumabi ako sa 'yo at nangopya. Hihi. Talino ko nuh?"

"Cheater!"

"Hindi kaya! Strategy 'yon!"

"Pakyo!"

"Bobo!"

"Oo na! Sige na! Ako na! Ako na ang bobo! Ang laki ng ulo, e! Umalis ka nga!"

Bwisit talaga ang lalaking 'yon, diary. Naiinis tuloy ako dahil ako pa tumulong, ako pa nazero. Shete.

Pero di ba diary, matalino ako? Kaya agad na may pumasok na hint sa little precious brain ko. Ninakaw ko 'yong red ballpen ng katabi ko at linagyan ng 1 sa tabi ng Zero para magmistulang 10. Hihi. Perfect pala ako, e.

"Juan, anong ginagawa mo?"

Bwisit, diary. May nakakita sa 'kin. Ano bang ere-reason ko? Mag-isip ka apo ni Albert! Mag-isip ka!

Ayon!

"Wala." sabi ko. Wala kasi talaga akong naisip diary e. Hihi. Sorry na.

"Weh? Linalagyan mo kaya ng one ang zero!"

"Hindi ah!"

Sinumbong ako bigla ng kaklase ko, diary. Kaya agad kung linagyan ng 0 sa unahan ng 1 sa 10 para hindi magmukhang nag-cheat ako. Pero teka diary?

o|o

Omaygaaaad, diary! Ang nawawalang kambal ni Junjun! Tung unu! Mabilis kong tinapik si Junjun sa ilalim pero palihim dahil baka may makakakita sa 'kin.

"Jun! Sa wakas! Ang kambal mo, nahanap ko na!" tulog mantika si Junjun, diary kaya hindi siya nagising. Hays. Si Regine lang kasi nagpapagising sa kanya, e. Kaso absent siya dahil nakipaglandian. Joke lang, diary! Ahihihi. Hindi nga siya pumunta sa 'min, e. Alam ko namang ako lang lalandiin ng Regine na 'yon.

No'ng one time nga diary, biglang bumukaka si Regine sa harap ko kaya biglang nagising si Junter A.K.A junjun. Pero nabalik ako sa sarili dahil binato ni Inay sa akin ang Ref. namin dahil tulo-laway daw ako. Eh, mukha naman talagang bilat si Inay, e. Charot.

"Juan! Ba't ka nag cheat!"

Naku! Ito na naman si Sinong.

"Po? Hindi po ako nag-cheat! Nag drawing lang po ako!"

"Patingin nga sa papel mo!"

Dahil 'di naman talaga ako cheater, diary. Ayon! Pinakita ko sa kanila ang papel. May nagulat na mga babae diary at napapahawak sa puki nila. May mga lalaki ding nagulat at napapasilip sa ilalim ng kani-kanilang pants.

"Oh my ghad! Ang kambal!"

"Oh. Kapatid mo, Jundy!"

"Junjer! May kaibigan ka!"

Iba't iba ang sabi ng mga boys, diary. Pero may napansin ako kay Sinong. Naglaway kasi siya, e. Bakla ba siya? Hmm. I smell Sinong is Gay. Hihi.

"You are so immoral, Juan Einstein! You are so Immoral! Get out of the class and see you later for detention! NOW!"

Agad akong lumabas sa classroom diary dahil natakot ako kay Sinong. Naku, baka ihagis pa 'ko palabas ng bintana. Mahirap na.

Classhour pa diary kaya naglakad-lakad lang ako sa paligid at umupo sa hagdan nang mapagod.

"Bystanders here are not allowed! Go back to your room! You are ditching, huh?!" dinig kong ingay sa likod diary pero di ko nalang pinansin dahil hindi naman ako ang pinagalitan, e, "JUAN!"

"Ay palakang principal na may pimples sa ilong!" mabilis ang pagkakasabi ko dahil sa gulat.

"What did you just say?!"

"I say, pimples!"

"But you said principal?"

"Yes. I said, principal and pimples are not spelling anymore."

Mas lalong nagalit ang principal, diary. Sasabunotan niya sana ako pero naitulak ko siya pababa ng hagdan kaya napa-ouch tuloy ang gaga. Sugod pa! Slide tuloy.

"Can you read that instruction?!" galit na sabi ng principal na may pimples habang namimilipit sa pagtayo. Napatingin ako sa tinuro niya at binasa ang nakasulat.

"Bystanders are not allowed here during classhour."

"Do you understand that, Einstein?!"

"Ayon naman pala madame, e. Bystanders lang naman pala 'di pwede. Naka-upo lang ako dito oh! Sa susunod, lagyan niyo naman ng bysitters are also not allowed para mas clear. Hehe."

Sinamaan niya ko ng tingin, "JUAN!"

"MARIA!" tawagan pala ng pangalan gusto mo, ha?! Hah! Mas pangit ang sa 'yo, principal na gaga!

"Talk to you in my office."

Hays. Ano ba naman to, diary. Si Maria at Sinong na makaka-usap ko ngayong hapon. Tssss. Sarap i-head bump ng dalawa. Amp!

Hanggang dito na lang muna, diary. Makikipag-fliptop muna ako sa principal na may pimples na walang ibang ginawa kundi ang sumulong kaya na-slide.

Always gwapo pero mas gwapo ang Author. Hihi,

-Juan Einstein.

PS.

Malandi talaga si Sinong. Swear to you my friend. Pfft.

Diary ng Bobo (Juan Einstein)Where stories live. Discover now