Bobong Entry #1

2.9K 49 26
                                    

D3ar di4ry,

H3ll0 D!ary. 4L4m mo bvah?-

Author: ANO BA JUAN! ANG PANGIT NG WRITING SKILLS MO! UMAYOS KA NGA! ULIT!

*****

Dear diary,

Hello diary :)
Alam mo ba? Ang saya ko ngayon. Ang saya kapag susulatan ka tas pupunit punitin ng pino, kainis ka kasi eh. Alam mo yong feeling na mapapagod ka sa kasusulat? Tsk. Pero pasalamat ka dahil matalino ako tas gwapo pa kaya alam ko kung pano sumulat ng diary.

Juan's konsensya: Weh? Kanina nga ang Jeje mo.

Shhhhhhh. We just forget the... Forget the... Kalimutan na lang natin ang kanina. Yon. Yon ang sasabihin ko eh. Hihi. Di ko marunong mag-english eh. Slight lang. XD

Alam mo ba diary? Ang malas ng araw ko ngayon. Ito kasi ang nangyari eh...

Nanaginip ako diary, "OWAAAAAAAH!" iyak yan ng baby sa panaginip ko. Nanaginip kasi ako na nanganak na daw ang girlfriend ko diary. Kahit kahapon pa ako nagka-girlfriend at first girlfriend ko pa siya diary, nabuntis ko na daw siya. Ang galing nga diary no? Kaso ang totoo, long distance ang relationship namin. Nakikita ko palagi ang mukha ng girlfriend ko sa fb diary, habang ako naman, ibang picture ang profile ko dun. Mabuti nang magsinungaling sa kanya diary na ako yon kesa malaman niyang kakambal ako ng daga at baka ma shock siya na ako ang boyfriend niya. Ma heart attack pa yon diary eh, mahirap na. Hihi. Kaya wag mo ipagkakalat na ako ang bf niya diary ah? XD

Balik tayo sa panaginip ko diary. Nanaginip ako na may baby na kami ng gf ko diary, "OWAAAAAAAH!" Umiiyak parin siya. Pero alam mo diary? Gusto ko ang junior ko ang ipa-dede sa baby namin kesa ang mismong bote ng gatas ng anak ko eh. Hihi. Joke lang diary. Para sa gf ko lang tong hotdog ko. (\°

"JUAAAAAAAAN!" Dito na ako nagising diary nang magsink-in na sa puso ko (sabi kasi nila sakin na wala daw akong utak diary) na ang 'Owaaaaah' na iyon ay 'Juaaaaaan!' pala diary na isinisigaw ng nanay ko.

"Ano ba ma? Buntis na sana gf ko sa panaginip eh" sabi ko sa mama ko. Kahapon kasi ang kantutan namin ng gf ko diary eh kaya buntis na siya ngayon.

"Sinong buntis?! Bumili ka nga ng Simcard!" char lang diary ano? Ang aga aga, simcard agad pinapabili ni Mama. Tsk.

Inikot ko ang mga mata ko diary para magmukha akong maarteng gwapo sa harap ng mama ko pero alam mo ba kung ano ang isinagot niya sa irap ko?

"Gago"

Ouch lang diary. Gago daw oh? Ipalapa natin sa sharks mama ko? Joke. Wag ganyan diary, she pregnant me for 9 months tas bastos akong anak? Just nooo.

Lumabas agad ako non diary dala ang pera na ibinigay ni mama pangbili ng simcard. Pagkatapos kong bumili, umuwi ako.

"Ma oh!" sabi ko sabay bigay ang simcard sa mama ko. Kumunot naman ang kulubot na mukha ng mama ko (kulubot na nga, kumunot pa. Ano nang itsura yan diary? Haha), saka tinignan ako.

"ANG SABI KO! SAFE GUARD! DI SIMCARD!" galit na si mama diary. Tinangka naman akong sampalin ni Mama pero alam mo ba? Hindi ako nasaktan diary. Bagkus ay nagkapunit-punit pa ang papel ng simcard nang tumama ito sa mukha ko tas nabali pa yong plastic sa loob diary. Magic ano? Hindi nga ako makapaniwala na hindi ako nasaktan diary eh.

Yan na yon kanina diary. Bad trip ako kasi ginising ako ni Mama tas epic fail pa ang pagsampal niya sa gwapo kong mukha. Pasalamat nga ako dahil hindi naalog ang utak ko diary eh. Baka magiging bobo pako.

"Bobo ka naman talaga friend eh" pinanlisikan ko naman ng mata ang kaibigan kong si Pedro diary. Naglalakad pala kami ng friend ko ngayon sa gilid ng daan. Alam mo ba diary? Nakakapagod na din tong life ko. Hindi ko pa kasi na-try mag-commute papuntang school namin. Ang sakit na nga sa paa diary eh.

"Anong sabi mo friend? Ulitin mo nga?" tanong ko kay Pedro diary habang nanlilisik parin ang mga mata ko at nakakuyom ang mga kamao ko.

"San don friend? Yong 'Bobo' na word?" takang tanong naman niya sakin bilang sagot.

Mas kumunot lalo ang noo ko diary at mas nanlisik lalo ang mga mata ko, "Sige pa friend, ulitin mo pa." at kinuyom ko lalo ang mga kamao ko.

"Bobo ka friend. Hihi"

At alam mo ba kung anong nangyari diary? Dumaan muna kami saglit sa isang tindahan at bumili ng yelo. Nasuntok ko kasi ang mukha ni Pedro diary eh. Nag raise daw ba ng banner na nagsasabing 'Bobo si Juan'. Pero syempre diary, naawa ako sa kanya at nakagasta pa ako ng dos pesos para pambili ng ice. Tsk.

Ilang minuto rin akong umalalay kay Juan diary habang naka-upo kami sa upuan sa labas ng tindahan. Ang bait ko noh? Ganyan talaga kapag bida ka diba diary? Hihi.

Tinuro naman ni Pedro ang likod ko, "Friend kamukha ka ng unggoy!" lumingon naman ako diary at nakita ko ang unggoy. Na shock nga ang unggoy sa mukha ko diary eh. Tsk. Binelatan ko ang unggoy diary, pero alam mo ba kung anong ginawa niya? Umirap siya sakin. Char. Modern na pala mga monkey natin ngayon ano? Marunong na mang-irap.

Ibinalik ko naman ang tingin kay Pedro. Nanlisik uli ang mga mata ko sa kanya at kumunot uli ang mga noo ko diary, "Anong sabi mo friend? Kamukha ko ang unggoy?" tanong ko sa kanya diary habang dinidiin lalo ang ice sa mukha niya.

"Aray friend" sabi niya sabay todo-iling sakin at kumaway pa para iparating sakin na mali ako, "Ang sabi ko, Ang unggoy, same face sayo. Hindi ikaw ang may same face sa unggoy. Tsk. Ikaw talaga friend oh" at mahinang umiling uli siya.

Alam mo ba diary? Bumalik na sa normal ang mukha ko, "Ahhhh. Ganun naman pala friend eh. Hihi. Mas mabuti nang magka-intindihan tayo." at ngumiti ako sa friend ko diary. Tumayo naman kami ni Pedro para maglakad uli diary papuntang school.

Sige diary ha. Write you letter. Ay este, write you Later. Baka masagasaan pako dito dahil sayo. Ang pangit naman ng story kung patay agad ang bida diba diary? Dapat may thrill. Not chill. Hihi.

Naglalakad sa ilalim ng init, pero matalino't gwapo parin,
Juan Einstein ♥

PS: kahit may heart yan, di ako bakla diary ha. Sige ka, baka mapunit kita.

PSS: Sana di 'to mabasa ni mama. Baka ako mismo mapunit niya. Hihi.

Diary ng Bobo (Juan Einstein)Where stories live. Discover now