I'm still alive?

0 1 0
                                    

Siguro, parte ito ng pagtanda. Nagkaka-anxiety dahil sa kinabukasan. Nade-depress dahil sa mga bagay na hindi naman kontrolado.

Alam kong parte ng aking kwento ang lahat ng kung ano man ang nararamdaman ko subalit hindi ko maiwasang problemado. Tumatawa ako? Oo, sapagkat hindi naman lahat ng pagkakataon ay kailangan kong ipakita ang katotohanan sa aking sistema.

"May kaibigan ka namang pwede mong pagsabihan." Yes, I have numerous friends but I should not bother with this fight. Hindi naman sa natatakot akong maging bukas sa kanila tungkol sa aking nararamdaman subalit hindi ko lang sigurado kung handa ba silang makinig. Kung sila ba ay hindi nasa sitwasyong kagaya ko.

"Mahilig ka naman magbasa, bakit hindi mo subukan ang kalinga ng libro?" Oo nga at nakakakuha ako ng ginhawa't kalinga sa mga librong aking nababasa subalit sa pagkakataong ito, sumasakal na rin ito sa akin. Nais akong maiyak sa mga nilalaman nito. Nais kong pansamantalang pasukin ang mundo ng pantasya subalit ang mukhang malubha na ang kung ano mang nasa sistema ko.

"Eh, kung maghanap ka rin ng ibang libangan?" Oo, nakahanap na ako. Iyon ay ang larong volleyball. Subalit ang mahirap lang, sa bawat talon ko, sa bawat palong pinakakawalan ko, naroon ang hinagpis, kirot at sakit na hindi ko mawari kung saan nagmumula, kung saan ko nakukuha. Mas nagkakaroon ako ng mga isiping hindi ko mawari kung ano.

Ano ang katuturan ng mga sinasabi ko? Simple, hindi ako makapaniwalang buhay ako pa ako hanggang sa pagkakataong ito. Sabi nga nila, magkaiba ang anxiety at depression. Ang anxiety ay pagkakaroon ng pakiramdam sa lahat ng bagay. Kahit simpleng takot o phobia ay maaaring isa nang anxiety. Samantalang ang depression ay wala ka nang nararamdaman. Madalas, pagpapakamatay na lamang ang naiisip mo.

Nais kong umiyak subalit ayaw kong ipakita sa mundong mahina ako. Nais kong umiyak subalit hindi ko alam kung ano ang irarason ko kung sakaling tanungin ako kung bakit ako umiiyak.

Sa mga panahong ito, hindi pa bukas ang isip ng tao sa kung ano ang nararamdaman ko. Sa pagkakataong ito, isang katawa-tawang bagay ang kung ano mang nararamdaman ko.

Sabihin ko mang nais kong magkaroon ng isang taong nais akong isalba, ayaw ko rin namang magkaroon ng taong kalahating ako lang ang kaya kong ibigay. Sa pag-ibig na nais kong makamtan sa hinaharap, nais kong makahanap ng taong makakaharap ko sa gitna. Hindi iyong siya na lamang ang palaging umiintindi sa akin. Hindi iyong palaging siya na lamang ang umiintindi sa akin sa tuwing nais kong bulyawan ang mundo.

Nais kong isigaw ang nararamdaman ko subalit ayaw kong malaman ng mundo ang tungkol dito. Totoo ngang ang mundo ay maraming mga bagay na hindi kapani-paniwala. At isa na roon ang  isiping 'I'm still alive?'

I'm A LovexxckWhere stories live. Discover now