Chapter 7 - It's time

10 2 0
                                    

Ally's POV

       Time check its 5:00 in the morning,  maaga kami nagising para maghanda mamayang 6am dahil dun na magsisimula ang pagsubok na need namin harapin at lagpasan.Naexplain nasaamin ang lahat ni Matthew,

• FLASHBACK •

       Pumasok ulit kami dito sa loob ng bahay pagkatapos naming makilala ang Grim Reaper,

"Matthew we need to know everything" I said.

        Sa totoo lang ay namamayani saakin ang takot sa mga nangyayari saamin, what if dito na talaga kami mamatay? What if...argh shut up Ally hindi toh ang oras para magpaka nega! Tandaan mo kasama mo sila Khale at Ayhumie makakasurvive kayong lahat dito tch.

"Sampung taon napo ang nakakalipas nang mangyari ang sunog sa buong Amusement Park sa hindi malamang rason o kung saan nagsimula, at hindi kopo alam ang eksaktong mga nangyari dahil nakulong ako sa kwarto na napapalibutan ng malalaking apoy.Niisa'y wala pong sumagip saakin at nang ako'y mabagsakan ng malaking cabinet at napasama ang aking ulo, bago ako tuloyang nawalan po ng buhay ay nagpakita saakin ang Grim Reaper at binigyan ako ng pagkakataon mabuhay muli pero ang kapalit nun ay susundin ko lahat ng sasabihin niya", "Wala akong ibang nagawa kundi ang pumayag dahil sa nais koding malaman kung nasaan ang aking mga magulang, ngunit makalipas ang ilang taon ay saka kolang nalaman na wala na sila, at doon narin nagsimula ang lahat.Totoo po ang sumpa at ang Grim Reaper ang may pakana at palagay ko'y siya din ay may dahilan kung bakit nasunog ang buong amusement park, kaya nanatili ako dito ng ilang taon para makakilala ng mga taong makakaputol ng sumpa at kasamaan ng Grim Reaper" Pagkwekwento ni Matthew, halata sa kanya ang kalungkotan at nakakaramdam ako ng awa sakanya at ganoon narin ng pagkamuhi sa Grim Reaper.

      Hayop nayun wala siyang awa!

"Pero kada taong may mga taong sumusubok sa lugar na ito ay halos nabibigo at namamatay, at ang kanilang mga kaluluwa ay kinukulong sa lugar na ito ng Grim Reaper" Dugtong pa ni Matthew.

     Ngayon malinaw nasaakin ang lahat pero may isa pang katanongan gumugulo saakin,

"Naiintindihan kona pero Matthew anong ibig sabihin ng Grim Reaper kanina sayo na nalalabi na ang oras mo?"  Tanong ni Khale, akala ko'y ako lang ang nakarinig.

      Napatingin naman sa baba si Matthew at nagsimulang maluha-luha ang kaniyang mga mata,

"Totoong hinayaan niya akong mabuhay muli pero may limitasyon din ang aking buhay, sa oras na matapos ang araw bukas tuloyan nakong maglalaho pati ang kaluluwa ko.I-I can't let that happen hangga't hindi ko po nabibigyan ng hustisya ang lahat lalo na ang mga magulang ko" Matthew's said at nagsimula na siyang umiyak.

      Nilapitan ko siya at niyakap para icomfort na pati ako'y naiiyak narin lintes nayan, lumapit at lumuhod naman si Khale para makapantay si Matthew na nakaupo sa sofa at hinawakan ang mga kamay neto.

"Shh were here na and we won't let that happen too, at talagang hindi ako makakapayag na matulad kayo sa iba even na Isacrifice ko pa ang sarili ko just to make you all safe and alive" Seryusong sabi ni Khale.

        Napakunot naman ako ng noo sa last na sinabi niya babatukan ko sana siya kaso naunahan ako ni Ayhumie,

"Aray! Inaano kita?" Sabi ni Khale kay Ayhumie.
"Deserve" Sabi ko nalang.
"Nako tigilan mo kami sa kaanohan mo dyan Khale, walang maiiwan o mamatay sa barkadang toh lahat tayo makakaalis ng buhay dito." Seryusong sabi ni Ayhumie.
"And remember we promised to each other na walang makakasira ng friendships nating tatlo at walang iwanan kaya tumigil kadyan" Sabi ko.
"*Chuckles* I know argh nvmnd, basta Matthew andito kami para tulongan ka kaya wag kana umiyak okie?" Khale's said.

The Abandoned Amusement Park Where stories live. Discover now