CHAPTER 10

2.8K 60 1
                                    

HERAH POV

KAAGAD akong nagtungo sa opisina ng Emperador nang nalamang nakauwi na siya. Nung buksan ko ang pinto ay inabutan kong nakakandong ang babae niya sa kanyang hita. Nakangisi na naman ngayon ang maland*ng iyon sa akin.

"Hindi ka ba marunong kumatok?? Ano ang sadya mo?"pagalit na tanong ng Emperador.

"Ipagpatawad mo kamahalan. Nais ko lamang malaman kung nakita na ninyo si Akie"Turan ko

"Hindi pa"sagot niya na ikinapanlumo ko.

Umalis na ako sa Opisina niya. Ni Hindi ko man lamang Nakita sa kanyang mga mata na tunay na nagmamalasakit siya sa anak niya. Nakakapanlumo.

"Akie? Akie! Nasaan kana ba?"tanong ko sa kawalan at napaluha.

ESTAN/ EERO POV

MATAPOS kong magbihis at naupo ako sa kama nang biglang may kumatok.

"Pasok!"sagot ko.

Biglang bumukas ang pinto at iniliwa nito Ang dalawang court lady Kasama si Akie.

"Heto na po siya kamahalan"Turan ng Isa sa mga babae.

Pinagmasdan ko siya... Sadyang napakaamo ng mukha niya at naalala ko ang aking sarili sa kanya noong ako ay Bata pa.

"Sabi nila Ikaw daw po ang hari ng Goshen. Totoo po ba iyon?"tanong niya sa akin.

"Oo Akie at nais ko sana na Ikaw ay mamuhay dito bilang Prinsipe. Ayos ba ito.sayo?"tanong ko

"Opo!"masiglang sagot niya

"Gusto mo bang Makita ang aking trono?"tanong ko pa

"Opo"sagot nito kaya dinala ko siya sa kaloob-looban mismo ng palasyo kung saan naroroon ang trono.

Naupo ako roon at kinandong siya... Ilang buwan narin akong hindi nakakaupo dito.

"Mabuti kapa mabait hindi kagaya ng aking ama"biglang Turan ni Akie.

"Bakit naman?"tanong ko.

"Lagi niyang sinisigawan ang mga alipin at sinasaktan.. pati si ina at tapos gusto na din niya akong mamat*y"malungkot na Turan niya.

"Maaari bang Ikaw na Lang ang aking ama?"bigla pang tanong niya sa akin.

"Gusto mo akong kilalanin bilang ama?"tanong ko na ikinatango niya.

"Pumapayag ako kung iyan Ang iyong nais"sagot ko.

Bigla niya akong niyakap at hinalikan sa pisngi.

"Ibig sabihin po ba nito kapag nakapiling ko na si Ina ay siya na ba ang magiging bagong Reyna Dito?"nakangiting tanong ni Akie dahilan matahimik ako.

"Ayaw mo po ba sa aking Ina?"malungkot na tanong niya.

"Hindi naman sa ganon"tipid na sagot ko.

Ipagpaumanhin mo Akie pero Hindi ko nanaising makapiling Ang Isang salawahan kagaya ng iyong Ina.

HERAH POV

NAGKULONG ako sa aking silid at Walang tigil sa pagluha. Halos maghapon akong hindi kumain. Bukod sa pagkawala ni Akie ay naaalala ko din ang nakaraan.

FLASHBACK

MAGMULA ng nawala si Eero sa palasyo magdadalawang linggo na Ang nakalipas ay hindi ko na din Nakita si Eero pero umaasa parin na Isang Araw ay muli siyang magpapakita sa akin. Nanggaling kami Ngayon sa pagamutan at nung uwi Namin ay....NAGULAT ako dahil bigla akong sinamp*l ni ama.

"ALAM MO BANG ISANG MALAKING KAHIHIYAN ANG GINAWA MO?? NAGPABUNTIS KA SA ISANG PRINSIPE NA NGAYON AY WALA NANG KAHARIAN??"nanggagalaiting sigaw ni ama.

Hindi ko mapigilan ang mapahagulhol.

"Huwag ka nang makikipagkita sa kanya kahit kailan!"madiing Turan ni ama.

"Hindi ko iyan magagawa ama! Mahal ko siya!"umiiyak na sagot ko.

"LINT*K NA PAGMAMAHAL IYAN!!"sigaw pa niya.

"Anuman Ang mangyari ay hindi ko siya iiwan!"mariing Turan ko.

"Mamili ka... Lalayo ka sa kanya at titira sa Garsa Hanggang sa Ikaw ay makapanganak o ipalalagl*g mo ang batang iyan?"walang emosyong tanong niya.

"Huwag mong Gawin ito ama"Ang pagmamakaawa ko at lumuhod sa harap niya. Tiningnan lang niya ako ng walang emosyon Bago muling nagsalita..

"Mamili ka na lamang"sagot niya.

Wala na akong ibang nagawa pa kundi ang sundin Ang kanyang gusto.. Hanggang sa araw ng aking pag-alis ay umasa ako na muli kong makikita si Eero pero hindi ko na siya muli pang nakita... Iniwan na din niya ako. Sa Garsa na lumaki Ang aking tiyan.. nanatili ako doon sa nilolooban ng siyam na buwan Hanggang sa Isang araw....

NAGISING ako sa kalagitnaan ng gabi nang nakaramdam ako ng matinding sakit ng tiyan at pumutok ang aking panubigan.

"LILY!! LILY!! TULUNGAN NINYO AKO!!! ANG SAKIT NG TIYAN KO!!"sigaw ko kaya dali-dali silang lumapit.

"Manganganak kana!"Turan nila at kaagad na tumawag ng komadrona.

Naging maayos naman Ang aking oanganganak Hanggang sa naipanganak ko ng maayos ang bata. Nakakagaan sa pakiramdam nung unang beses kong narinig Ang kanyang pag-iyak. Nilinisan nila siya bago ibinigay sa akin. Ngunit maya-maya pa ay dumating na sina ama at Ang Asawa niya.

"Akina Ang Bata!"Ani ni ama at pilit na inagaw sa akin Ang aking anak.

"Sandali! Saan ninyo siya dadalhin?"kinakabahang tanong ko.

"Hindi ko hahayaang masira ang aking image dahil lamang sa nagkaroon ako ng anak na disgrasy*da!"Turan ni ama at lumabas Kasama si Liza at tinawag din niya si Lily

"SANDALI!! HINDI NINYO SIYA PWEDENG ILAYO SA AKIN!! TIGIL!!"sigaw ko habang palabas Sila. Nais kong tumayo pero Hindi ko magawa.

"HUWAG NINYO SIYANG ILAYO SA AKIN!! ANAK??? ANAKK!!!!!"sigaw ko habang umiiyak.

Mula noon ay hindi ko na siya nakita.

END OF FLASHBACK

BAKIT ganon? Lahat nalang ng mahalaga sa akin ay nawawala. Una si Ina. Ako ang sinisi ni ama sa pagkamat*y niya kaya ganon na lamang Ang pagkamuhi niya sa akin. Pangalawa si Eero, na tila ba kinalimutan na ako maging Ang anak Namin ay Wala na din at Ngayon naman ay si Akie...

They All Abandoned Me Where stories live. Discover now