CHAPTER 22

1.8K 44 1
                                    

LAZARO POV

TINIPON ko ang mga kawal na hindi tapat sa Emperador at naririto kami ngayon sa munting kaharian ng aking ama. Dito kami tumuloy matapos naming kunin ang mga bomba na kinuha namin kina Felipe.

"Ano ang gagawin natin bukas Lazaro?"tanong ng Isa sa mga imperial knights.

"Maiiwan ang ilan sa atin bukas at kayo ang magiging bantay sa may pinutuan hindi ba? Pasimple nating ipapasok ang mga iyan sa palasyo bukas oras na makaalis ang hari at Ang ibang mga kawal at lingkod"tugon ko.

"Kung gayon nawa ay maging matagumpay Tayo sa ating binabalak"Ani ng Isa pa.

"Magiging matagumpay tayo... Magtiwala lamang kayo"tugon ko.

Matapos ang aming pagpupulong ay umuwi na sila.

"Sigurado Kaba sa Plano mo anak?"tanong ni ama.

"Oo ama at Wala nang makakapigil pa"tugon ko dahilan para hindi na siya makapagsalita.

KINABUKASAN

MAAGA akong nagtungo sa palasyo. Ito na ang araw na aking pinananabikan dahil Makakaganti na ako sa kanila..

"Lazaro, isasama ko ang ilan sa mga imperial knights. Maiiwan ka dito Kasama Ang Hepe at ang iba pa. Ipauubaya ko sayo ang palasyo habang ako ay wala"nakangiting turan niya. Bakas sa Mukha niya ngayon ang saya.

"Makakaasa ka kamahalan. Tila ba ito na ang pinakamasayang araw mo"turan ko.

"Oo ito na talaga ang pinakamasayang Araw ng buhay ko!"nakangiting turan pa niya.

Magpakasaya kana dahil tinitiyak kong pag-uwi mo, ay guhp na ang palasyo mo!
Matapos nilang maayusan, ay sumakay na sila sa karwahe na masaya at umalis habang ako ay naririto Masayang masaya ang kalooban.

"Lazaro naipasok na nila ang bomba"bulong ni Laarni.

Oo alam niya Ang tungkol sa aming plano at hindi naman siya tumutol, Isa din siya sa mga lingkod na naiwan. Kaagad naming itinanim ang anim na mga bomba at nung natapos ay tumakbo kami palabas bago ito sumabog..

Anim na sunud-sunod na pagsabog ang naganap. Halos gumuho ang buong palasyo maging ang ibang mga kawal at lingkod at ang Hepe na tapat sa Emperador ay NASA loob ng palasyo nung sumabog Ang mga bomba...

EMPEROR JACOB POV

ITO na ang pinakamasayang araw ng buhay ko dahil ikakasal na ako sa babaing aking pinakamamahal. Napakaganda niya. Naglakad na nga siya palapit sa akin. Napakasaya talaga.

"Napakaganda mo aking Reyna"bulong ko sa kanya.

"Sadyang napakagwapo mo naman kamahalan"nakangiting tugon niya.

Kaagad na isinagawa ang seremonya at nagtagal ito ng halos isang oras.

"Kayo ay inaanunsyo nang mag-asawa"Ani ng Arsobispo na nagkasal sa amin.

"Maaari mo na siyang halikan kamahalan"Ani pa niya.

Kaya hinalikan ko na ang malambot niyang mga labi.

"KAMAHALAN!! KAMAHALAN!!"biglang sigaw ni Lazaro na humahangos.

"Ano ang ginagawa mo dito Lazaro?"tanong ko.

"Kamahalan! Ang palasyo natin ay pinasabugan at gumuho ito habang nasa loob ang Hepe at ang ilan sa mga kawal at mga lingkod"aniya na ikinapanlumo ko.

"Paano ito nangyari Lazaro?? PAANO??"nanggagalaiting sigaw ko.

"Hindi ko din po alam kamahalan!"sagot niya.

"Paano ito naganap?"tanong ni Zairah.

"Hindi ko din po alam! Hindi namin alam na may nakatanim na mga bomba Doon kaya nagkaroon ng anim na pagsabog!"tugon nito.

"Bumalik na Tayo sa palasyo!!!"sigaw ko.

Sakay kami ng karwahe pabalik ng palasyo habang ako ay nagpupuyos sa galit. Sa ekstensyon ng palasyo sana kami dederetso ngunit nasira ang Araw ko.. Hindi kaya may kinalaman dito ang hari ng Goshen?? Gumaganti ba siya sa akin?? H*yop siya!!

Nung nakarating kami ay naabutan ko ang ilang mga lingkod at kawal na nag-iiyakan ngunit Lalo akong nanlumo nang Nakita ko ang palasyo na gumuho. Hindi ko napigilang magwala at magsisigaw ako nang biglang may matigas na bagay na tumama sa ulo ko. Isang malaking bato na may nakabalot na papel at may nakasulat din. Kinuha ko ito at binasa.

"Sana'y nagustuhan mo ang sorpresa ko sayo kapatid ko!!"Ang nakasulat sa papel dahilan para Lalo akong manggalaiti.

"H*YOP KA EERO!!!"sigaw ko.

"KAYO, ANO PANG ITINATAYO TAYO NINYO DIYAN?? HANAPIN SI EERO AT DAKPIN!!"sigaw ko.

They All Abandoned Me Where stories live. Discover now