Chapter 31

51.4K 1.8K 195
                                    

Chapter 31

"Are you really sure about this?" Pablo asked.

"Yeah," I replied as I was making the last minute decision about which of my clothes will make the final cut. I mean, pwede ko naman silang dalhin, but then again ayoko na magdala nang marami. Been there, done that. It's such a pain na magtravel na maraming dalang gamit. But the downside ay kapag may kailangan ka tapos biglang hindi mo pala dala.

Napatingin ako sa kanya. "Why?" I asked.

He shook his head. "Nothing."

"Okay..." sabi ko habang nakatingin sa kanya.

It had been a year since the day I talked to Therese and decided to cut all ties with her and my family.

And what a year it had been.

Nakalabas si Papa sa hospital. I asked him what he wanted to happen kasi syempre iyong gusto niya naman iyong pinaka-importante. Kasi kung ako lang ang masusunod, I would bring him with me to Manila at doon niya na lang gawin iyong therapy niya at kung anuman iyong kailangan niya medically speaking. But of course hindi ko naman siya masisisi na gusto niya na sa Bataan mag-stay. So, he did. I just go pick him up every other weekend and we'd do the things on his list.

And one of my biggest regret in life was not making it an every weekend thing... because we didn't get to finish his list. He was the one who convinced me na 'wag na kada linggo dahil nakita niya ako isang beses na nase-stress sa deadlines. I was hesitant, but I agreed with him. Syempre kailangan ko rin ng pera para sa mga gagastusin namin sa lakad namin.

Ngayon ko lang na-realize na totoo iyong sinabi nila na iyong pera, mababawi mo. Pero iyong oras? Sa oras na lumipas na siya, wala ka nang magagawa pa para bawiin 'yon kasi tapos na.

Wala lang.

Nakakahinayang.

"Why?" I asked Pablo. "Did you change your mind?"

"No," mabilis na sagot niya.

"Okay... You're acting weird," I replied. Natawa siya tapos lumapit sa akin at niyakap ako mula sa likuran ko. "Ano nga kasi?"

"Nothing," he said and then planted a kiss on top of my head.

"Do you want to get married here na lang?" tanong ko sa kanya.

I have met his family and they're very lowkey and very chill. Medyo nanibago nga ako nung una akong pinakilala ni Pablo sa kanila kasi wala silang comment tungkol sa timbang ko, sa edad ko, sa kung magpapakasal na ba ako, sa kung magkakaanak pa ba ako.

It was... weird.

Siguro kasi nasanay na ako na kapag sinabi na 'pamilya,' automatic na may unwarranted comment na 'yan sa bawat aspeto ng buhay mo. Kaya nga ayaw na ayaw kong umaattend ng reunion kasi goal ata nila ipoint out lahat ng pakiramdam nila ay mali sa buhay ko.

"Did your family say something?" I asked kasi baka naman biglang nagbago iyong isip nila at gusto na nilang umattend sa kasal. We told them about our plan to get civilly married here and then married again abroad tapos diretso honeymoon na. Akala ko sasabihin nila na rito na lang sa Pinas para makaattend sila, pero wala akong narinig na ganon. Kung saan daw kami masaya, sige lang. Sobrang nakakapanibago. Pwede pala iyong supportive na pamilya. Ganon pala ang feeling. Akala ko puro sama ng loob lang pwede kong makuha, e.

"No," he replied.

"Okay... Then why are you being weird?"

"Your sister contacted me."

Agad akong napatigil sa ginagawa ko at napatingin sa kanya. Agad na kumunot ang noo ko.

"And you told her to get lost, right?" I asked kasi hindi naman joke iyong sinabi ko sa kanya before na tapos na ako sa kanya. Mas lalo na ngayon na wala na si Papa. Mas wala na akong dahilan para bumalik pa ng Bataan at para makita pa siya.

All For Show (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon