CHAPTER 19

96 5 0
                                    

Pain

KUMUYOM ang kaniyang kamao habang nakatingin sa papalayong sasakyan at lulan niyon ang dalaga. Hindi n'ya lubos maintindihan kung bakit gano'n na lamang ang takot na rumehistro sa mukha nito at tumakbo papalayo sa kaniya.

He needs to talk to her, but not now. He walked back to the docked yacht, and when he returned to the ballroom his eyebrows met when he spotted the familiar person in the distance.

Abala ito sa pakikipag-usap sa mga kasosyo sa negosyo dahilan para magtagis ang kaniyang bagang.

That made him understand everything kung bakit nagmamadaling umalis ang dalaga.

Umakyat s'ya sa ikalawang palapag kung saan naroon ang isang silid, pinihit n'ya ang pinto pabukas saka pumasok. Bumungad sa kaniya ang babae na ngayon ay prenteng nakaupo sa malapad na kama, nasa labi nito ang isang ngiti.

"Finally getting rid of that girl, huh?"

Riyella was smiling from ear to ear and it annoyed him so much.

"What did you do?"

Nangunot ang noo nito."I didn't do anything, Zayn. You're suspecting me so early."

"You really think you can play bullshits with me, Riyella?" isang ngisi ang gumuhit sa kaniyang mga labi. "You really invited Azi here on purpose, dahil alam mong masisindak mo si Rhiannon kapag nandirito ang kapatid n'ya."

Riyella stood up and went to his direction, mabagal ang paglalakad no'n at pagkatapos ay umangat ang palad para haplusin ang kaniyang pisngi.

"Kaya gustong gusto kita eh. Even before Zayn, I really want you so bad at nagawa kong tanggihan ang opurtunidad sa ibang bansa para lang makasama ka." malamyos ang tono nito kapagkuwan ay naging malamig." But what really pisses me off is that you ended up with that girl, ang babaeng wala ng ibang ginawa kundi ipahamak ka, ang sirain ang pagkakaibigan n'yo ni Azi. She only caused you a lot of trouble, Zayn. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit mas pinili mo s'ya kaysa sa 'kin.." puno ng hinanakit na saad nito.

Too bad for her, her so-called love for him drove her crazy. Nakakaawa.

He stared at her coldly. " You wanna know why?" inalis n'ya ang palad nito sa kaniyang pisngi at kaagad itong tinalikuran.

"Because you're too desperate, and that annoys me a lot, Riyella," he stated before leaving her behind.

Narinig n'ya ang pagtangis nito nang lumabas na s'ya ng silid, binagtas n'ya ang daan palabas saka sumakay na sa sariling kotse. Pinaharurot n'ya iyon papunta sa kinatitirhan ng dalaga, mahigpit s'yang napahawak sa manibela nang muling rumehistro sa utak n'ya ang senaryo kanina.

He'll surely get rid of that man for taking Rhiannon away from him.

NATIGILAN s'ya sa pagluha nang tumapat sa kaniya ang isang panyo. Kaagad naman niyang dinampot iyon at mabagal na pinunasan ang kaniyang luha. Zaijan was just beside her and they we're both sitting on his car's hood.

"You're not supposed to cry, Rhiannon."

Binasa n'ya ang pang-ibabang labi."I know. This is all my fault."

"Don't say that."

She has seen this coming yet still chooses to be with him despite the fact that it might destroy him. Masiyado niyang inisip ang pansariling kaligayahan.

When she saw his reaction earlier begging for her to stay, it did hurt a lot.

"Dapat talaga hindi na 'ko bumalik. Ginulo ko lang ang lahat. Riyella was right, wala na 'kong ibang ginawa kundi ang ipahamak si Zayn. His relationship with Kyros and the others, nasira na 'yon lahat."

HOLD ME TIGHT [Devil's Obsession Series 2]Where stories live. Discover now