10

1.2K 51 20
                                    

“Siya po 'yung kinukwento kong kapatid ko. Ate ko po siya, si Ate Ital.” Chie, in her cheerful voice.

What is happening? Bakit parang ang liit ng mundo rito? First, Aro is Paeng‘s older brother. And now, Chie's older sister, Ital, ang makakasama kong mag-trabaho mamayang gabi.

Yes, I‘ve made up my mind. Tinatanggap ko na ang inaalok na trabahong binabanggit niya sa akin and I‘ll talk to her later para ipaalam ang final na desisyon ko.

Kung papayag ako sa inaalok niya sa akin na trabaho, mamayang gabi ay pwede na akong magsimula. Tamang-tama lang para naman makatulong ako sa magkakapatid.

Tama si Ital, ayaw kong maging pabigat sa kanila. Alam kong sapat lang ang kinikita nila para sa kanilang apat at ayaw kong isipin nila na kailangan nila akong sagutin at pagka-gastusan, okay na sa akin ‘yong may matutuluyan ako. And if my experience there will be good, makiki-usap ako kay Ital kung pwede akong maging regular do'n dahil na rin sa nabanggit niyang malaking pasahod.

I just came back to my senses nang mahinang tumawa si Ital at nagsalita. “Tara na't baka hindi na tayo maka-hanap ng pwesto sa plaza, paniguradong maraming tao ngayon dahil Linggo.”

Kinuha ko ang iba pa nilang paninda para tulungan sila sa mga bitbitin. Nagsimula na kaming maglakad at nauna sila Ital, nasa magkabilang gilid niya ang dalawang bata, si Chie at Mara. Nasa tabi ko naman si Paeng.

Makalipas ang kalahating minuto ay nakarating na rin kami sa pwesto nila rito sa plaza. Medyo may kalayuan ito mula sa bahay nina Lazarus.

Kaliwa't kanan ang ingay dahil sa nag-aalok ng paninda at mga bumibili. Medyo mainit din sa pwesto kung nasaan kami and there are a lot of people since it's Sunday.

Dumaan ang ilang minuto at lumapit sa akin si Paeng and then he took something from his pocket. It's a mini rechargeable portable electric fan and he placed it in front of me.

Nginitian niya ako at bumalik na sa pag-aayos ng kanilang mga paninda.

“Bili na po kayo!” pag-aanyaya ni Chie sa mga dumadaan.

Ilang minuto pa ang lumipas ay marami na ring nagiging interesado sa mga disenyo ng paninda nila. Tumulong na rin akong magbenta dahil dumarami na ang mga bumibili.

Napapansin ko na ang iba ay nagkukumpulan lang sa pwesto namin pero hindi naman lumalapit upang bumili. Para bang may tinitignan sila pero hindi ko alam kung ano iyon. I didn‘t pay much attention to that at nag focus na lang ulit sa pag-aasikaso sa mga bumibili.

Pagtapos kong mapag-bentahan ang iilan ay may lumapit sa akin na lalaki.

“Miss, ikaw ang may-ari nitong mga paninda? Maari bang mahingi ang numero mo? Kapalit nito ay papakyawin ko ang mga paninda mo...” sabi nito at medyo nahihiya pa itong tumingin sa akin.

Hindi siya taga-rito. He looked like a tourist and I only confirmed that when he pulled out an expensive cellphone. I remember what Roevan told me that people don't have phones here, sa bayan pa sila pumupunta kapag may tatawagan sila.

“Ay hind—”

“Oo kuya, ibibigay nitong kaibigan ko ang numero mo basta sa amin ka bumili! Akin na telepono mo.” Inakbayan ako ni Ital at inilahad nito ang kamay sa lalaki upang hingin ang cellphone.

The man hesitated before handing Ital his phone, but he gave it to her. Ital typed a number. I don‘t have a cellphone, so I don‘t know whose number she put on that cellphone. Pagtapos niyang mag type ng number ay agad niya ring ibinalik sa lalaki ang cellphone nito.

“Thank you, Miss. Kukunin ko na ang lahat ng ‘to...” Naka-ngiti niyang saad. Marami siyang kinuhang paninda namin at nagbayad na.

“Maraming salamat Kuya, sa uulitin,” sabi ni Ital at kumindat pa ito sa lalaki.

Eyes On UsWhere stories live. Discover now