ED 9

2.3K 120 49
                                    

Aezen's POV

Umagang umaga dito sa school, nag lalakad ako sa canteen. Wala pang bell kaya pwede pa mag ikot, mwehehe.

Biglang may nag cling sa braso ko "Besty!"

"Makakapit naman to, mawawala ka?" ngumuso lang siya at hinila ako saan bilihan ng mga milk tea

"Oh ano gagawin natin dito?" Buti sana kung ililibre niya ako pero mukhang alam ko na...

"LIBRE MO AKO BESTY! DALI, LOVE MO NAMAN AKO DIBA? DIBA? HEHEHE~ Love you too kaya ilibre mo ako!" pinag lihi ba sa machine gun ni tita 'tong si Autumn?

"Oo na ako na! Ako na mag-isa!" Oh ha, pang dubsmash yun HAHAHAHA.

"Drama mo best dali na!" Kumuha na ako ng pera sa wallet ng may narinig akong..

"ATE!!! Yung kinse ko! Kinse yun eh!" Ngumuso naman yung lalaki...si Jayden?

"E kuya, wala nga po kaming barya. Mamaya na lang po" napakamot naman sa batok si ateng tindera.

"Tatandaan ko ate mukha mo ah! Singkit, malapad noo, sarat ang ilong, maputi, may balat ng maliit, may nunal na pang Gloria Arroyo. Nako talaga ate!" Jusko paano? Grabe nitong si Jayden. Hoo. "At oo nga pala! May muta ka pa, h'wag mo tatanggalin, palatandaan din yan" at nag lakad na siya paalis ng canteen

PATI BA NAMAN MUTA?

"Besty, sino ba yan? Kinse lang, kuripot"

"Wow naman besty, nag salita hindi kuripot" pang asar ko at inikutan naman niya ako ng mata.

"Che, dali na kasi"

***

"Get ready class, ilabas n'yo yung science book at didiretso tayo sa Science Lab" sabi ni Sir at lumabas na siya ng room.

Nilabas ko na rin yung science book ko at lumabas na rin ng room.\

"Copy niyo yung naka sulat sa board. The deadline of submission ng project ay next week. I hope na presentable ang pag kaka-pasa, maliwanag?"

"Yes sir" response namin at sinulat na yung nilagay ni sir sa board.

Jusko, ang daming alam. Kuryente kuryente. Paano kung mamatay kami? Hoo.

Siya i-ground namin e.

"So any question? Violent reaction?"

"NOOOONE!" Sigaw namin.

"Fine. So Aezen, stand up" anak ng kike naman!

AKO NA NAMAN NAKITA.

"U-uhm. Yes?"

"What is electricity" uh..

"Electricity is a kuryente that is connected to the poste that makes the ilaw sindi and when someone hold it makes them gimme gimme"

"GET OUT!!!!!"

Napakamot na lang ako sa batok ko at lumabas ng Science Lab. Ano bang mali doon? Anak ng tipaklong naman

Dumiretso muna ako sa room at kinuha yung bag ko.

Pumasok ako sa cr ng girls at napatingin sa salamin

"Hoo, sino yan? Ganda mo naman miss" Sabi ko sa harap ng salamin. Huhu, bored e.

Matalino ka ba? Maganda. Maganda ako, hehe.

Epal na second voice.

Lumabas na ako sa banyo at kinuha phone ko para tawagan si kuyang driver

***

Einstein's DaughterWhere stories live. Discover now