Love Sickness

3.6K 76 3
                                    

Isang ordinaryong araw lamang ito kung tutuusin para sa mga Lady Eagles, pero hindi para sa isang Lady Eagle na halos walang tulog, at tila ba lutang na lutang at wala sa katinuan.

“JHOANA MARAGUINOT!” tila ba nabalik sa reyalidad ang dalagita sa pagsigaw na iyon ng isang Bea de Leon

naningkit naman ang mga mata nito habang tinitignan si Bea

“Bhe, wag kang magalit, kanina ka pa tulala dyan habang nakatingin sa kawalan, mamaya nyan tumulo laway mo maturn-off pa sa'yo si Tey.” nanlaki naman ang mga mata ni Jho at agad na tinakpan ang bibig ni Bea, pati nga ilong ni Bea natakpan nya na, agad naman syang itinulak ni Bea

“Bhe?! papatayin mo ba ako?”

“Manahimik ka kasi! mamaya nyan kung ano pang isipin ni Therese!”

“Talagang may iisipin si Therese kung sisigaw ka dyan na kasali pa ang pangalan nya.” bulong ni Bea kay Jho

Napatahimik na lamang si Jho, at walang ganang humilata sa kama nya at tumitig sa ceiling

“Bhe!” sabi naman ni Bea

“Ano?” walang ganang sagot ni Jho

“Kelan pa yan?”

“Ang alin?”

“Yang ano, HD mo para kay Therese.”

bigla namang kumunot ang noo ni Jho

“HD?”

“Hidden Desire.” tumawa si Bea matapos nyang sabihin iyon, pinaghahampas naman sya ni Jho gamit ang unan

“A-rayy--ano--ka--ba?”

“Hoy! Anong Hidden Desire ka dyan?! Ang laswang pakinggan! Nakakadumi ng utak!”

napatigil ng paghamapas si Jho noong ngumisi si Bea

“Bat naman nakakadumi ng utak?”

“Eh nakakagreen ng utak eh!”

mas napangiti si Bea

“Saang banda Jho?”

nainis naman si Jho at pinaghahampas ulit si Bea

“Nakakabwiset ka talagang de Leon ka?! Ano kaya kung sabihin ko iyon kay Maddie?!”

“sabihin sa akin ang alin?”

natigilan naman ang dalawa at napatingin sa pintuan, si Maddie lang pala, kumakain ng pringles

“Ah wala, Mads” nakangiting sabi ni Bea, pero sa totoo lang kabadong-kabado sya, para syang natataeng ewan.

“Talaga lang, ha?” sabi naman ni Maddie habang nakataas ang kilay sabay kagat sa kinakain nya

Siniko naman ni Bea si Jho

“Ah eh wala Mads, manlilibre kasi si Bea sabi nya kasi mamaya na lang sabihin sainyo ni Therese para surprise” sabi ni Jho habang kinakamot ang batok nya

pinandilatan naman sya ni Bea

pero tinignan lang sya ni Jho ng go-with-the-flow-look

pilit na lamang na ngumiti si Bea

“Ah eh, Oo” nag-aalangang sabi nito

“ah, sige sasabihan ko lang si Therese ah”

pag-alis ni Maddie agad na sinunggaban ni Bea si Jho

“Walang hiya ka! bubutasin mo ang bulsa ko!”

“eh rich kid ka naman eh!”

“rich kid mo mukha mo!”

Speak NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon