10 - Walls

56 3 0
                                    


TW // insults/humiliation , mention of death

"I'll introduce you to some of my cousins. Do you mind?"

Kaagad akong umiling sa kaniya bilang senyales na ayos lang. Pero sa totoo lang ay kinakabahan ako. Ngayon nalang ulit ako nakapunta sa ganito. Ang huli kong punta ay birthday pa ata ni Ava, kaso sobrang tagal na noon.

I played with my fingers while following his lead. Maya-maya ay nakita ko ang grupo ng mga lalaking nasa couch. All of them are dressed in formal clothes and looked expensive. Halos manlaki ang mga mata nila nang makita kami na papalapit. Inilipat ko ang tingin kay Isagani na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanila.

Iyong isang lalaki ay nakatutop na ang kamay sa bibig. Ang isa naman ay nalaglag ang pagkain na hawak. Ang iba naman ay nakatulalang nakatingin sa amin. Si Ryan ay tawa na nang tawa sa gilid na kala mo kinikiliti.

"My cousins..." Inisa-isa niya ang mga pangalan at lahat iyon ay kinawayan ko. "Servella Ligaya, my friend."

"Happy birthday, Ryan. Iyong gift ko nasa table," I said.

"Thank you!" masayang aniya pero hindi pa rin matigilan ang pagtawa.

"Hi, Servella!" bati kaagad ni Giov.

"Kilala ka namin eh," ani Theo. Kaagad naman siyang siniko ni Kuya Yden.

Ang iba ay binati lamang din ako. Nakipagkilala sila sa akin, at nakipagkuwentuhan na rin. They were nice and fun to be with. Magaan sila sa pakiramdam kasama, at buong pagsasama naman ay hindi ako iniwan ni Isagani. Siya pa nga ang nagtatanong kung komportable pa ba ako o hindi na. He constantly checks on me.

"Pinsan mo rin?" I asked when I saw a woman dressed in a formal dress with a claw clip holding her hair.

Sinilip niya ang babae. I looked at her and saw a paintbrush on her ear.

"Mhm," he agreed. "Marami pa akong pinsan. Iyong iba lang ngayon wala rito."

Maya-maya ay biglang kinailangan si Isagani pati ang magpipinsan. Isagani hesitated to go, but I convinced him that I am okay. He asked if I could come with him instead, but I refused. Siyempre baka para sa magpipinsan lang naman ang kailangan. I don't want to intrude or what.

Pinagmasdan ko ang celebration habang yakap-yakap ang sarili ko. There are a lot of people and it's somehow making me uncomfortable. Sa totoo lang ay ang lakas ng tibok ng puso ko habang naglalakad, pero hindi ko rin gustong istorbohin si Isagani na palagi akong samahan sa kung saan-saan dahil sa kaniya lang ako comfortable.

Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling naging kumportable sa maraming tao, o mas naging open sa ibang tao. I somehow missed being that person—the one who doesn't really worry over socializing. I missed being with my friends.

Maya-maya ay nahagip ng mga mata ko si Isagani. I saw him confidently speaking with some business-looking men and friends. I watched him present himself.

Bahagya akong yumuko at sinubukan pumunta sa garden sa likod, inaasahan na mas kaunti lang ang tao. I saw some people talking with other people and some are just enjoying the view and the breeze. Mas kaunti ang tao rito kaysa sa loob kaya mas naging comfortable ako.

Dahan-dahan akong umupo sa bench doon at pinanood ang mga tao. I silently observed everyone and suddenly thought of how all of these people have their own lives, problems to deal with, happiness to celebrate, and pains to endure. Nevertheless, we all have the same choices either to run away or fight. But at the same time, not all of us have equal opportunities.

Whispers Echoing the Heavens  Where stories live. Discover now