29 - Heavens

46 1 0
                                    


"Anong magandang caption, dali! Marami ng nagpopost ng sa kaniya. Dapat isa ako sa mga nauna eh."

Napanguso si Ate Andra dahil hindi siya maka-isip ng magandang caption. Umupo ako sa tabi niya habang inilalapag ang drinks na ginawa ko. Habang humihigop sa straw ko ay napagdesisyunan kong sumilip sa picture. Halos mabilaukan ako at maubo nang todo nang makita ang graduation picture ni Gael.

I mindlessly stared at his perfect thick eyebrows, deep and expressive eyes, up until his pointed nose with red lips. His father's manly features and mother's soft features both manifested clearly on his face. May isa pang picture na kasama niya si Ate Andra at kitang kita ang tangkad nito.

I quickly averted my gaze and sipped on my drink. Ang guwapo talaga.

"Congratulations nalang, Ate," I said without looking back.

"Eh! Ayon na ang caption ng iba."

"Mas maganda nga kung 'congrats' lang. May sama ng loob gano'n," sagot ko.

"Hoy," halakhak niya. "Ano nga maganda?"

"Hindi ko alam, Ate," I pouted,

Nag-isip siya saglit habang humihigop sa drink niya. She typed carefully and I'm about to chuckle when I noticed that she's really taking captions seriously. Hindi ko nga lang alam kung anong klase ba ang gusto ni Ate.

"Look!"

Sinilip ko ang post niya. Tignan mo, pina-check kung kailan posted na.

Congrats, sissy ko! Akala ko perfect ka na kasi Magna Cum Laude, family-oriented, mabait, guwapo, at nagseserve kay Lord. Pero wala ka pa ring girlfriend? Kawawa ka naman walang mag-congrats with matching I love you sa 'yo bukod kila Tita!

"Ang haba naman po," natatawang saad ko habang napapailing.

"Sus! For I know, kapag ikaw 'to, essay pa ang gagawin mo."

"Pero, Ate, hindi ba sila ni Isla?" I asked out of curiosity.

Kaagad siyang umiling na para bang sobrang disagree siya sa sinabi ko. Nagulat pa ako sa exaggerated na pag-iling niya to the point na sumayaw pa iyong buhok niya.

Tinignan ko ulit siya. "Pero wala talaga siyang naging girlfriend?"

"Hindi ba niya sinabi sa 'yo?"

"Hindi lang ako makapaniwala. Wala ba siyang niligawan?" I asked.

Nakapamewang siyang humarap muli sa akin. "Nakalimutan mo na bang mula Grade One palang ay ikaw na ang gusto niyan? Paano manliligaw ng iba?"

Natuluyan na nga ang pag-ubo ko kaya kaagad na napadalo si Ate Andra na para bang inaasar pa ako! Nakakagulat naman kasi iyong mga sagutan niya. Pwede na silang dalawa magsama ni Tristan sa kakaganito nila sa akin.

"By the way, birthday ko sa Sabado. Pumunta ka! Ipapaalam na kita kay Ma'am Allie."

Tumango ako sa sinabi niya. Pupunta naman talaga ako sa birthday ni Ate Andra, lalo pa't ngayon palang ako magkakaroon ng tsansa. Hindi lingid sa kaalaman ko na malamang sa malamang ay invited din si Gael. Pero palagi ko nalang iniisip na si Ate naman ang ipinunta ko roon at hindi siya.

Magkita man kami o hindi, kakayanin ko naman iyon. Kinaya ko nga iyong nasa jeep kami nang siksikan at halos hindi makagalaw o makahinga, ito pa kayang baka hindi pa magtama ang paningin namin dahil sa dami ng mga tao.

"Anak," tawag sa akin ni Mama habang binibihisan ko si Ethan. Sinenyasan niya ako na lumapit kaya gano'n din ang ginawa ko. "Tignan mo."

I stood completely still when I saw the news. Kuya Gino, being arrested because of what he did to my sister years ago, gano'n din ang pag-abandona niya kay Ethan. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon, pero hindi magkamayaw ang tuwa sa puso ko.

Whispers Echoing the Heavens  Donde viven las historias. Descúbrelo ahora