Patuloy pa rin akong nagmamasid sa mga tao sa loob ng bar habang umiinom ako. I only planned to drink one glass. At wala na akong balak dagdagan dahil baka hindi ko kayanin at malasing lang ako. I don't want to be reckless. Lalo na't hindi ako taga rito.
Naramdaman kong may tumabi saakin. Kaya napatingin ako sa lalaki. He's wearing a white dress shirt na bukas ang dalawang butones sa bandang dibdib at nakatupi hanggang siko. A pair of black shoes and slacks. Nakatuko ang dalawang siko nito sa bar counter. Matangos ang ilong, mahahabang pilik-mata, perpektong panga at mapupula na labi. Bumaba ang tingin ko sakanyang leeg. I looked at his adams apple that's sexily moving whenever he gulps.
Hindi ko alam kung ilang oras ko siyang pinagmasdan. He's too handsome. Marami naman akong nakilalang mga gwapong lalaki pero iba ang dating niya. Girls easily flock on his feet.
Napakurap-kurap ako nang bigla itong bumaling saakin. Mahina akong napasinghap nang magtama ang aming mga mata. Bahagya akong nakaramdam ng kiliti sa bandang tiyan. And my heart started to pound so fast.
Dumako ang tingin ko sa nilalaruan niyang baso na may lamang inumin. Saka tumingin ako ulit sakanya na nakatingin parin pala saakin.
I swallowed hard and looked away. Inabala ko nalang aking mga mata sa pagtitig sa harapan kahit ang totoo ay naiilang ako dahil ramdam ko pa rin ang tinging ipinukol niya saakin.
"Maximillian!" The woman beamed.
Kaya napatingin ako sa babae. She looks familiar. Oh right! Siya iyong babae nakasama ko kanina sa loob ng elevator.
"I really thought you won't come here! Good thing at nakita kita!"
Maganda ang babae. Kasingtangkad ko lang at makinis din. Halos makita na ang kaluluwa nito sa suot. At talagang mahahalata talaga kung gaano kalaki ang hinaharap nito.
Bahagya akong napanguso sa naisip at napatingin sa bandang dibdib ko.
Tss...malaki rin naman saakin!
But not as big as hers. Saad ng malikot kong utak.
Wait a sec...why did I compare my boobs to her? Never pa akong na-insecure sa body figure ko. Ngayon pa lang.
I slightly shook my head and continued sipping my drink.
"Are you free tonight?" Malanding saad ng babae.
Kahit mahina lang ang pagkakasabi nito ay rinig na rinig ko parin. Napatingin ako sa banda nila at nakita ko kung paano inilapit ng babae ang hinaharap nito sa lalaki. Ang kamay nito ay malanding pinalandas sa braso ng lalaki.
Of course, I know what she meant. I'm not innocent anymore. Marami akong nababasa tungkol sa mga ganyan. A woman asking a man if he's free is so...so ew!
Napaangat ako ng tingin ng maramdaman ko ang titig ng lalaki saakin. Ni hindi man lang nito inabalang tignan ang babae na nasa kanyang harapan. Kaya tumikhim ako at umiwas ng tingin.
Kung maglalandian din naman sila. Sana lumayo-layo sila saakin. Ang sakit nila sa mata!
Gusto ko lang naman mag-bar. Pero bakit ganito?
"Your place or mine," The woman asked again.
Inabala ko nalang ang atensyon ko sa mga taong sumasayaw sa gitna. But my ears are attentively listening to their conversation.
Pwede na siguro akong bigyan ng best in listening na certificate. Umandar ang pagiging tsismosa ko ngayong gabi.
"Both," Rinig kong saad ng lalaki. Kaya napatingin ako sa banda nila.
Both? Ano 'yon? Pagkatapos nilang mag-ano sa place ng babae. Pupunta ulit sila sa lugar ng lalaki para ipagpatuloy ang pag-aano nila?
The man smirked at me. Kaya napaawang ang aking labi. Bago niya pa makita ang pag-ikot ng aking mata hinarap niya na ang babae na abot hanggang tainga kung makangiti.
"You'll go to your place and I'll go to mine," the man said and smiled.
"Oh come on, Max! I already knew that you're alone and sad right now. And I'm free, I know you'll need my company tonight."
Bakit may babae talaga na kagaya niya na walanghiya kung makalandi. Hindi niya ba nahahalata na ayaw sakanya ng lalaki? Why does she keep on forcing the man to come with her. Wala na ba talaga siyang natitirang ni kaunting kahihiyan?
"I'm not sad nor alone," he chuckled. "I have someone with me."
Puno ng pagtataka ang makikita sa mukha ng babae.
She laughed. "Don't fool me Max!"
Napailing ang lalaki. "I'm not. I'm with my girlfriend. And she's listening to us right now."
Inilapag ko ang walang laman na baso at tumayo na. Aakma na sana akong umalis, ngunit nabigla nalang ako ng may humigit saaking kamay. Napatingin ako sa lalaking humawak sa kamay ko at nakangisi itong nakatingin saakin. I looked at him confusedly.
Instead of pulling my hand. Parang may sariling isip ang katawan ko at hinayaan lang siya. Inilapit nito ang bibig saaking tainga.
"Help me," bulong nito dahilan sa pagtaas ng balahibo saaking batok.
Inilayo na nito ang mukha saakin. He licked his lips and smiled boyishly.
Napakurap-kurap ako at nagsalubong ang aking kilay saka sinubukan kong hilahin ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya.
"What the?! Let go of me!" I hissed.
But he pulled me closer to him. Ang isang kamay nito ay nakahawak na saaking bewang.
"Damn you! Let go of me you—"
Naputol ang dapat kong sabihin. When he suddenly claimed my lips without any hesitation. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.
Nang hiniwalay niya ang mukha saakin. Binigyan niya ako ng nakakalokong ngisi.
"Subukan mong mag-ingay, hahalikan ulit kita."
Napasinghap ako sa sinabi nito. Bago pa ako makaangal humarap na ito sa babae.
"This is my girlfriend." He looked at me. But I just rolled my eyes at him and crossed my arms.
Maldito sea este hombre!
Nakita ko kung paano ako sinuri ng babae mula ulo hanggang paa. Kaya napataas ang aking kilay.
"I see..." Napatingin ulit ito sa lalaki na katabi ko. "Ang dali mo palang makahanap ng kapalit. Anyway, see yah around!"
Nang umalis na ang babae. Hinarap ko ang lalaki at walang pagdadalawang-isip na sinampal siya. Napahinto ang ibang tao na nakakita sa ginawa king pagsampal sakanya. Kahit ang ibang waiter ay laglag ang panga na napatingin sa dako namin.
"That's for stealing my first kiss you son of a bitch!"
Umigting ang panga nito at hinarap ako.
"You're too loud and my kiss is the only way to shut that mouth of yours."
Napaawang ang labi ko sa narinig. Tinuro ko siya.
"Damn you! Your mother should've swallowed you!"
Nakangisi itong napailing na mas lalong nagpainit saaking ulo.
"Too bad, my mom didn't."
To be continued...

YOU ARE READING
SIS #02: CHASING THE ROYAL FLOWER [On-going]
RomanceDoes chasing her will be worth it? There are only two answers to that question it's either YES or NO. But for Maximillian Cassian Atienza. He didn't know if it would be worth it or if he might just get hurt in the end. All he knew was to keep on cha...