CHAPTER 15

95 6 0
                                    

Sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ng aking kwarto ang bumungad saakin. Hinangin ang puting kurtina. Umupo ako sa kama at humikab. Napapikit at pinakiramdaman ang paligid.

Dinig na dinig ko na ang hampas ng alon na nanggaling sa karagatan. At mga munting huni ng mga ibon. Nakangiting binuksan ko ang aking mga mata at bumaba na sa kama.

I went to the wooden vanity mirror and took the comb. I gently brush my black wavy hair na hanggang kilikili ang haba. Hindi ko maipagkakaila na namimiss ko na ang dating kulay ng aking buhok.

Matapos kong magmuni-muni sa loob ng aking kwarto. Lumabas na ako at nadatnan ko sa Ate Helen sa kusina. Abala ito sa paghahanda ng aming makakain sa umagahan.

"Magandang umaga, Daisy! Halika kana rito sa hapag at tayo'y kakain na," anyaya nito saakin.

Ngumiti naman ako ng pagkatamis-tamis. "Good Morning din ho Ate Helen." Tinignan ko kung ano ang hinahalo niya sa kaldero. "What's that po?" I asked curiously.

Nilagay niya muna ang soup ladle sa malinis na puting babasaging mangkok saka niya ako hinarap.

"Sinigang na baboy," sagot niya sa tanong ko. "Nakakain kana ba niyan?" Dagdag niya.

Marahan akong umiling.

Sinigang na pork sounds new to me. And the soup smells masarap. Parang gusto ko na tuloy tumikim.

"Naku, uso talaga dito sa pilipinas ang sinigang. Maasim siya ngunit masarap."

Napakunot-noo ako. "Maasim?"

Ngumisi si Ate Helen at tumango. "Oo maasim siya ngunit kapag natikman mo na talagang masasarapan ka."

Tinignan ko ang bumubukal na sabaw sa kaldero. May nakikita akong pork ribs at mga vegetables. Like chili finger, tomatoes, radish, eggplant, okra and  I even saw a long straight green thing sa sinigang I'm not sure if it's a long bean but I think it is.

Nang ilapag na ni Ate Helen ang soup sa lamesa. Kumuha na rin ako ng plato, kutsara at tinidor para saaming dalawa. Nang makaupo ako na kami sa hapag. Tinignan ako ni Ate Helen. Na para bang sinasabi nito na ako ang maunang tumikim sa niluto niyang sabaw.

I took my spoon at kumuha ng sabaw. Hinipan ko muna ito saka hinigop. I shivered slightly when I tasted the Sinigang na pork. Umasim din ang mukha ko nang matikman ang putahe. It tastes sour and savory. Nanunuot sa lalamunan ang sarap.

Napatango-tango ako at binalingan ng tingin si Ate Helen. Medyo natawa ito sa reaction ko.

"Masarap," sabi ko nalang.

Niyaya ako ni Jelian na sumama sa bayan. Malapit na rin kasi ang fiesta kaya abala ang mga tao. Tinulungan ko si Jelian na mamili ng mga sangkap na gagamitin sa pagluluto ng mga putahe. Kaya doon kami unang pumunta sa wet market.

Napalinga-linga ako sa paligid. This is my first time na pumunta ako rito. Kaya wala talaga akong ka ideya-ideya sa mga ganitong lugar. Kasi may mga maids naman kami para gumawa nito, iyong bibili sila ng mga ingredients na gagamitin sa pagluluto.

Maingay ang paligid. Kanya-kanyang diskarte ang mga tindera para makakuha ng customers para bumili sa mga paninda nila. Masangsang ang amoy dahil na rin sa mga isda. Kabuhayan ng mga tao rito ang pangingisda kaya hindi na rin kataka-taka na sagana ang islang ito sa mga isda, malaki man o maliliit.

Halos magkabanggaan na kami dahil sa dami ng mga tao na kagaya rin namin namamalengke. Hindi sana ako ipasama ni Ate Helen kasi baka hindi ko magustuhan ang lugar lalo na't hindi ako sanay sa ganitong klaseng lugar. Pero nagpumilit talaga ako, mas mabuti narin at ma-experience ang mga bagay o mapuntahan ko ang mga lugar na hindi ko pa naranasan sa tanang buhay ko.

SIS #02: CHASING THE ROYAL FLOWER [On-going]Where stories live. Discover now