Kabanata 3

302 10 0
                                    

Kabanata 3





Simula nang mawala sina Mommy at Daddy ay sinubok kami ng tadhana ni Kuya.


Sa murang edad ni Kuya ay tinanggap niya ang posisyon ni Daddy sa pagiging CEO ng kompanya. Alam kong ayaw ni Kuya sa posisyon na iyon, dahil ang pangarap niya talaga noon ay maging isang doktor. Pero wala na siyang ibang choice kundi ang tanggapin iyon dahil walang ibang mamamahala sa kompanya ni Daddy. At kung hindi niya rin tatanggapin iyon ay maglalaho nalang na parang bula lahat ng pagod at pagsusumikap ni Daddy para lang maitayo ang kompaniyang iyon, at kung hindi ako nagkakamali ay may lihim na nagtataksil kay Daddy sa kompanya.


Habang ako naman ay nag aadjust pa rin sa mga nangyayari no'ng mga oras na iyon, para na talaga akong mababaliw sa mga oras na iyon. Sino ba naman kasi ang hindi mababaliw kung sunod sunod na sakit ang mararamdaman mo at mawala sayo ang mga taong mahahalaga sayo? I was raped and my baby died and then my parents died too. Minsan tuloy naiisip ko na baka ito na iyong karma ko. Pero bakit ang lala naman ng karma ko? Gano'n na ba talaga kalaki ang kasalanang nagawa ko?



Muntik pang mawala sa amin ang Mapaso hot spring mabuti na lang at tinulungan kami ni Papa Lo. Hindi alam ni Papa Lo ang nangyayari sa amin ni kuya at sa Mapaso, nalaman lang niya dahil sa nag sumbong sa kaniya ang isa sa nagbabantay sa Mapaso sa Samar. Dahil doon din nakatira si Papa Lo kaya madali lang siyang mapupuntahan.



Na alala ko pa noon ang pagmamatigas ni Kuya na hindi kami aalis dahil kaya pa naman niya. At nahihiya siya, ramdam ko iyon kahit hindi niya sabihin. May trabaho naman daw siya para pag aralin ako at dahil sa nakakatandang kapatid ko din siya ay responsibilidad niya ang tugunan ang lahat ng mga pangangailangan ko. Ayon lagi ang sinasabi niya sa tuwing nag kakausap sila ni Papa Lo. Ayaw ko din na sumama kay Papa Lo dahil sa traumang nangyari sa akin sa probinsiya na iyon. Ayaw ko ng balikan ang nakaraan, pero wala na akong choice dahil nakapagdesisyon na sila Papa Lo.


Ang tanong, kaya nga ba niya? Nahihirapan na siya, nangingitim na ang ilalim ng mga mata at halos hindi na siya matulog at kumakain ng tamang oras. Ayon ba ang defination ng kaya? Idagdag mo pa na libing ng gilfriend niya noong mga oras na iyon.


Nag-aalala ako sa kalagayan niya kasi baka maisipan niyang gawin ang balak ko dati. Pero alam kong hindi niya rin magagawa 'yon. Kasi ayaw niya akong maiwan dito. Mahal ako ng kuya ko kaya sobra-sobra ang pasasalamat ko sa kaniya. At napaka suwerte ko dahil may kapatid ako na talagang nagmamahal at nag-aalaga sa akin.

"Kuya!" tuwang-tuwa ako habang sinasalubong ito sa daungan kinabukasan.

Binitawan nito ang maletang hawak hawak at nginitian ako. At ibinuka ang mga braso na tila nagpapayakap. Niyakap ko siya nang mahigpit at nagtitinalon sa sobrang tuwa.

Matagal ko na kasing hindi nakakasama si Kuya dahil no'ng muntik ng mawala ang Mapaso ay hindi siya sumama sa amin papunta dito sa Samar. Dahil ako ang inuna niya, kaya sobra ang pananabik na nararamdaman ko ngayon.

"Huwag kang tumalon, Miriam," seryosong suway pa nito sa akin.

Hindi ko siya sinagot dahil tumagos ang tingin ko sa likod niya. May nakatayong babae sa likod niya, naabutan ko pa itong inaayos ang mahaba nitong buhok na tinatangay ng hangin na kumakawala sa pagkakaipit sa tainga niya kaya sumasabog sa mukha niya ang buhok niya.

"Hi," malaki ang ngiti kong pagbati sa kaniya at pang-aagaw na rin ng atensiyon niya.

Gulat itong nag angat ng tingin sakin, at doon ko nakita kung gaano siya ka-ganda. Mamula-mula ang maputi nitong pisngi at ang labi niyang hugis puso na mapula-pula, hindi ko alam kung normal ba iyon. Pero sa tingin ko ay oo. Dahil wala naman akong makitang bakas ng lipstick doon o liptint. Mapungay ang mga mata nito at maalon ang mahahabang pilikmata at nababagay lang sa kanyang mukha ang tangos ng kanyang ilong na pa-pointed nose at sakto lang din ang kapal ng kanyang kilay.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon