Kabanata 4

240 11 0
                                    

Kabanata 4






"Adonis!" Pag tawag ko sa pangalan ni Adonis.

Nagtataas baba pa ang dibdib ko dahil kakagaling ko lang sa pag takbo. Hindi ko na kasi nakita pa si Adonis pagkalabas ko ng gate kaya tumakbo na lang ako para maabutan ko pa siya sa daan.


Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako. Namilog pa ang mata niya habang nakatingin sa akin at tila ba hindi makapaniwala na makita ako, isang kilometro nalang ang layo niya sa akin.


Nawalan bigla ng emosyon ang mukha nito at umikot ang mata at tinalikuran akong muli. Nanlaki ang mga mata ko at hinabol siya para pigilan.

Parang isang malaking kasalanan sa kaniya ang magpakita ng emosyon sa akin.


"Sandali lang!" Pigil ko sa kaniya at hinawakan ang braso niya.



Na mabilis nitong binawi na tila napapaso na ikinagulat ko sa lakas ng pagkakahawi niya sa kamay ko.



Pero nag iwas lang siya ng tingin sa akin at napansin ko pa ang pamumula ng pisngi niya." Bakit kaba sumunod?" May iritasiyon sa boses na tanong niya at nagtaas baba pa ang lagukan nito.

Bumuntong-hininga ako at maliit itong nginitian. "Gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa ginawa ng tiyahin ko."

Hindi niya ako tinignan ngunit tumango ito, tila ba hindi niya kayang salubungin ang mga mata ko. "Ayos lang, sanay naman na ako sa mga ganoong klaseng bintang. Wala eh, mahirap lang kasi kami," sabi nito at may bahid ng pait sa boses nito.

Natigilan ako at hindi ko malaman kong bakit pero pakiramdam ko ay parang sinakmal ang puso ko at nakaramdam ng awa para kay Adonis.


"Pero hindi pa rin tama ang ginawa ni Tita. Hindi porque mahirap ka ay hindi ka na papanigan?! " pagtutulak ko sa karapatan niya bilang isang tao.


Napansin ko ang pagkatigil ni Adonis, ngunit ilang segundo lang ay nilingon ako nito. At nakita ko ang pagiging seryoso sa klase ng tingin nito sa 'kin.



"Hindi mo mababago ang pag tingin nila sa 'min ng dahil sa mga salita mo. Dahil kung iyon na ang ugali nila at pananaw sa aming mga mahihirap ay ayon na talaga at dadalhin nila hanggang sa hukay nila, " seryosong sinabi nito.

Natigilan ako ng bahagya. Ngunit nag salita rin ng makabawi." Pero kahit gano'n ay humihingi pa rin ako ng tawad."


Namulsa si Adonis at umayos ng tindig. At alam niyo ba 'yong pakiramdam na para kang nauubusan ng hininga kapag malapit sayo ang isang lalaki? Pero bakit ko naman nararamdaman ang ganitong klaseng pakiramdam? Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong sakit.


"Umuwi kana, pagabi na. Baka mapaano ka pa sa daan," malamig na sabi niya.


Tumikhim ako at tumango. Siguro ay ayaw niya akong makausap kaya malamig pa rin siya kung mag salita. Ni kahit katiting na emosyon sa mga mata niya ay hindi ko makita. Puro lang 'yon kalamigan at kadiliman kagaya ngayong gabi.


Tumalikod na ako at malungkot na nginitian ang sarili. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganitong klase ng emosiyon, at bakit ako nasasaktan? Dahil parang wala lang din siguro sa kaniya ang paghingi ko ng tawad. Ayon lang ba talaga ang dahilan? Or sadyang na ulit na naman ang lahat? Para akong na de-de javu.

"Sandali." Huminto ako sa paglalakad ng pigilan ako nito.

Hinarap ko ito at nakita ko ang pagiging seryoso sa mukha nito.


Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon