Kabanata 5

222 9 0
                                    

Kabanata 5





"May sakit si Faith kaya padala na lang nitong lugaw at painumin mo na rin siya ng gamot kung maaari, maraming salamat." Narinig kong utos ni Mama La sa isang kasambahay.


Tumikhim ako. Matapos kasi ang nangyari kahapon ay doon na nagkasakit bigla si Faith. Hindi naman sakit 'yon, dahil sakit sa pusong sawi!



"Bakit bigla na lang nagkasakit ang pinsan mo, Miriam?" Tanong sa akin bigla ni Mama La kaya tiningnan ako ng mga nandito sa lamesa maging ang magulang nina Faith.


Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng dugo. Bakit ba kailangan pa nila akong tingnan? Pakiramdam ko maha-hotseat ako.

Hindi ko naman puwedeng sabihin na naghiwalay sila ni Abraham. Dahil bata pa si Faith I think she's only nineteen years old. At kung sasabihin ko iyon ay malalagot ako dahil ako palagi ang kasama ni Faith, at wala rin akong ibang choice kundi ang gumawa ng rason para makatakas sa makapigil hiningang sitwasyon na ito. IN SHORT MAG SINUNGALING!

Fuck that love! Lagi na lang ako nadadamay sa gulo!

Ngumiti ako para hindi ako mag mukhang kinakabahan kahit na halos sumuko na ako sa klase ng tingin sa akin ni Tita Maureen.

"Masyado po kasing mainit kahapon, Mama La. Tapos PE papo nila non sa field at pinatakbo pa sila ng teacher nila."

Well, totoo naman iyon. Nangyari iyon kahapon. Pinatakbo rin si Faith ng mag isa dahil may kasalanan siyang nagawa. Pero hindi naman madaling magkasakit si Faith, ginawa lang niya 'yong rason dahil ayaw niyang lumabas at sa tingin ko ay dahil 'yon sa mata niyang paniguradong namumugto dahil sa kakaiyak. Gano'n naman talaga siguro kapag broken harted diba? Umiiyak.

Napatango-tango si Mama La at mukha namang naniwala kaya nakahinga ako ng maluwag kahit papaano.

"Are you sure? Sa pagkakaalam ko ay hindi madaling dapuan ng sakit si Faith. I am right, Casmin? Faith is your daughter, at alam kong alam mo na hindi siya madaling dapuan ng sakit. " pagbaling niya sa nananahimik na si Tita Casmin. "O baka naman ay may iba pang
dahilan... " tumigil siya at dumapo sa akin muli ang nangaakusa nitong mga mata. "O baka naman hindi talaga siya nagkasakit?"

Kung sila napaniwala ko sa dahilan ko si Tita naman ay hindi.

Sa klase pa lang ng titig sa 'kin ni Tita ay tila alam na niya ang katotohanan, kaya hindi ko maiwasang di mapalunok.

Akala mo ay isang mabangis na agila ang mga salita ni Tita na pilit na hinuhuli ang kaniyang target na pilit na tinatakasan siya. Parang ako lang.

Hindi ko talaga alam kung bakit laging may alas si Tita sa tuwing nagpapalusot kami sa kaniya. Daig pa niya 'yong judge sa korte.

Parang hinuhuli niya 'yong itinatago ko sa pamamagitan ng mga titig niya at mga salita na talagang paniniwalaan ng lahat. Nanunuklaw at makamandag parang ahas lang.

"I saw Ate Faith yesterday she was running around the field alone and her professor was shouting at her like a beast because he's so mean, Tita. I think her professor are giving her a punishment. That's why she got sick. Siguro po kaya siya nainitan dahil nababad din po siya sa initan, " maarteng paliwanag ng sumingit na si Daniela ang anak nina Tito Rowan at Tita Dariella na kapatid ni Daddy na kakauwi lang galing manila dahil sa negosyo.

Umaarte talaga ang tono ng pananalita niya kapag nag i-ingles siya.

Nandito lang sa Samar ang dalawa nilang anak na sina Daniela at Danillo dahil dito sila nag-aaral.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon