Chapter 1

0 0 0
                                    

Third-person Point Of View

Sa kontinente ng Azgardia, sa isa sa anim imperyo mayroon ito, ang Imperyo ng Spanryola...

Naglalakad ang emperador ng sa hallway ng kaniyang kaharian palabas rito.

Sa kaniyang paglabas, tumambad sa kaniya ang isang platform na siya lamang ang maaaring umapak.

Gumamit siya ng mana sa kaniyang paa at patalon-talon itong nagtungo sa ibabaw ng platform.

Tumambad sa kaniya ang milyon-milyong mga mamamayan at mga sundalo ng imperyo na nagaabang sa kaniyang pagpapakita.

Gumamit siya ng isang magic speaker, upang kahit na siya'y 50 metro ang layo sa mga mamamayan ay maririnig siya ng mga ito ng maigi, sa mga sasabihin nitong anunsyo.

"Aking mga mamamayan! Ikinalulugod kong sabihin sa inyong lahat, na simula sa araw na ito, ang ating imperyo ang magiging pinakamalakas sa buong mundo. Handa na tayong sakupin ang kasalukuyan na pinakamalakas na imperyo sa mundo  Elementacia! Sapat na ang ating lakas para sila'y pataubin! Pababagsakin natin ang Vlade Empire!! Aangkinin natin ang buong daigdig!!" Ambisyoso na anunsyo ng emperador sa kaniyang nasasakupan.

Nagsigawan ang mga ito sa tuwa lalo na ang mga sundalo. Matagal ng nais ng mga ito na sagupain ang mga taga Vlade Empire para lamang masubukan ang kanilang lakas.

Sa nakalipas na mga taon, sumuko sa kamay ng Spanryola ang anim na imperyo sa Kontinente ng Azgardia. Sa alyansa ng isang buong Kontinente, lalabanan at sasakupin nila ang pinakamalakas na bansa at Kontinente sa buong Elementacia, ang Vlade Empire.

Nag-udyok sa Spanryola na sakupin ang Vlade Empire dahil sa pagkamatay ng Lieutenant General at ng dalawang Wing Commander at 200,000 na mga Imperial Knights na ipinadala ng Vlade Empire sa Portugero Empire na kamakailan lamang natalo ng tuluyan ng Spanryola nang hindi nangangailangan ng tulong sa lima pang kaalyado nitong imperyo.

"Ipada ang hukbo sa Vlade Empire at sakupin ito!!" Muling anunsyo ng emperador.

"Mabuhay ang Spanryola!!" Sigawan ng mga mamamayan.

"Mabuhay ang emperor na Pelipiano Spanryola!!" Papuri ng mga ito sa kanilang emperador.

*****

Samantala, sa dalampasigan ng Norteria City, isang bayan ng Nortaña Region, sa hilagang bahagi ng Vlade Empire...

Isang batang babae ang naglalakad sa mabuhangin na pampang.

May nakasukbit na espada sa likuran nito.

Mayroong silver white na buhok ang batang babae, kulay berdeng mga mata, makapal na kulay puting kilay at mahabang pilik mata, matangos na ilong at makapal na labi.

May hawak itong isang patpat na mayroong nakatuhog na isdang inihaw.

Sarap na sarap ang batang babae sa pagkain niya sa inihaw na isda.

Ngunit nabulabog ang kaniyang pagkain ng bigla na lamang mayroong sumabog sa may harapan nito at siya'y napuno ng buhangin na lumipad at kumalat.

"Peste!!" Pagmura nito dahil napuno ng buhangin ang kaniyang isda na kinakain. "Putangina!!" Dagdag nito.

Galit na galit nitong binitawan ang hawak na patpat at lumingon sa dagat. Umusok ang kaniyang taenga nang kaniyang makita ang maraming bilang ng mga barkong pandigma na papadaong sa bayan.

Narinig ng batang babae ang malakas na pagpapatunog ng isang tunog ng bayan ng Norteria. Ito'y isang pahiwatig na inaatake ang kanilang bayan.

"Hindi ko kayo mapapatawad na inyong ginambala ang pagkain ko!! It was a nutritious fish, a specialty of Norteria. Ang hirap huliin ng isda na 'yon!!" Reklamo ng batang babae.

The Legend Of A Revolutionary Where stories live. Discover now