Kabanata 6

187 8 0
                                    

I pronounce Rainillo as Rey-nilo.

Kabanata 6




"Huwag ka ng magalit, Miriam. Minsan lang mangyari ito. " natatawang sabi ni Jennyrose na tila simple lang sa kaniya ang lahat. Well simple lang naman talaga sa kaniya dahil wala siyang alam!

Ang sabihin mo lang ay gusto mo lang kasing makita si Adonis!

Pinandilatan ko siya ng mata. AT SINO ANG HINDI MAGAGALIT KUNG MAKIKITA MO ANG LALAKING KINAIINISAN MO AT SIYANG DAHILAN KUNG BAKIT NAGKAKAGANIYAN ANG PINSAN MO?!

Gustong-gusto ko talagang isigaw iyon sa mismong pagmumukha niya sa sobrang inis ko.

Paano kaya kung sabihin ko sa kanila na ang lalaking iyon ang dahilan kung bakit nagkakaganito si Faith?!

That jerk! Halos isumpa ko na si Adonis kahit pa man hindi ko pa ito nakikita.

Sana pala hindi na lang ako sumama para hindi masira ang maganda kong araw!

"Magandang hapon po Senyorito Venezio maayos na po ang kubong gagamitin ninyo. Magandang hapon din po sayo Senyorita Miriam." Pagbati ng taga bantay.

Walang maganda sa hapon ko! Nginitian ko na lang si Manang Lolita at binura na muna ang pagkainis sa mukha." Magandang hapon din po sayo." Bati ko pabalik at sinuklian ito ng matamis na ngiti. Plastik mo naman Miriam!

Hindi na ako nag tagal doon at sumunod na sa mga pinsan ko.

Sinuyod ko ng tingin ang boung paligid. Napapalibutan ng mga puno ng niyog ang Mapaso at ang mga kubo na para sa mga bibisita sa mapaso hot spring.


At sa gitna ng mga kubo ay nando'n ang ilog na pinapasiyalan ng mga turista. Na sikat dito. Mainit daw ang tubig pero hindi naman malalapnos ang balat mo dahil hindi naman ito 'yong kumukulong mainit sa takore dahil nakakarelax daw ito ng katawan ng taong magbababad dito. Kaya tinawag itong Mapaso Hot spring.

Hindi naman ako malayo sa mga pinsan ko dahil nahagip na sila ng mga mata ko na nagpapaunahan pa sa pagtatampisaw sa mapaso hot spring na parang mga bata.

Napailing na lamang ako at nilapitan ang kubo na alam kong para sa amin.

"Miriam saan ka pupunta?! Hindi diyan ang kubo natin!" Narinig ko pang sigaw sa akin ni Leandro habang tumatawa.


Inirapan ko lang siya at pinuntahan ang kubo na malapit lang sa kanila.

Bakit ako maniniwala sa isang taong tumatawa habang sinasaway ako? Aning ba siya?

Dahan-dahang nangunot ang noo ko ng may mapansing kakaiba sa loob ng kubo.


May dalawang bilao doon na naglalaman ng maraming moron na nababalutan ng dahon ng saging. At hindi moron ang niluto ni Mama La para sa amin, at hindi din bilao ang dala namin. Dahil basket iyon.


At may mga palayok at may na amoy pa akong malansa. At mas lalo namang hindi isda ang dala namin, dahil manok iyon!

"Anong ginagawa mo sa kubo namin?" Para akong nabuhusan ng malamig at nakaramdam ng kilabot ng mapagtantong hindi ito ang kubo namin. At isa pa, dahil ito ang kubo nila Adonis!

Shit sinasabi ko na nga ba. Hindi ko talaga maiiwasan ang ganitong tagpo! At kahihiyan pa talaga.


Napapikit ako ng mariin at nakaramdam ng kahihiyan. Alam ko namang pilyo ang pinsan ko pero bakit hindi ako nakinig sa kaniya? Malay ko ba na hindi pala siya nagbibiro? Tumatawa ba naman kasi.

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon