Kabanata 7

172 9 0
                                    

Kabanata 7



"Hindi pa rin ba papasok si Faith, hija? Sayang naman 'yong pageant at inayawan niya," halata ang panghihinayang sa boses ni Ma'am Lucas habang binabanggit niya sa akin ang tungkol sa pag back out ni Faith sa pageant.

Nakaramdam din ako ng panghihinayang. Kasi nagpa apekto si Faith sa pag ibig. Tama nga ang hinala ko, walang nagagawang maganda ang pag-ibig sa tao.

Dahil sakit lang ang hatid nito sa taong walang ibang ginawa kundi ang mag mahal.

Hindi na lang ako kumibo dahil hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na broken harted si Faith kaya hindi na siya makakasali?

Aksidenteng dumako ang mga mata ko sa puno na nasa field. Napatiim bagang ako at umirap dahil nakita ko na naman ang nagpapakulo ng dugo ko. Bakit ba lagi ko na lang nakikita ang lalaking ito?

Nakaupo silang dalawa ni Lily sa damuhan pero may sapin, tinatalian niya pa ang sagabal na buhok ni Lily na sumasampal sa makapal na pagmumukha niya habang nag susulat ito.

Mukhang napansin ni Ma'am Lucas ang pagbabago ng awra ko kaya tumingin siya sa puno't dulo kung bakit nagbago iyon at mahinang natawa nang makitang si Adonis ang dahilan. Pero hindi niya binigyan ng malisya ang pagbabago ng awra ko dahil kay Adonis.

"Ayang si Adonis mabait na bata iyan at matalino. Napaka swerte nina Rose kay Adonis, dahil bibihira lang sa isang lalaki ang may pakialam sa acads at may pangarap sa buhay, " Namamanghang sabi ni Ma'am Lucas habang hindi matanggal tanggal ang tingin kay Adonis na ngayon ay tumatawa na habang nakikipaglaro naman ng badminton sa isang matangkad na lalaki na may sout na jersey na kulay dilaw at puti na tshirt naman ang nakailalim sa jersey nito.

At napagtanto ko na si Dante pala ang lalaking iyon. At doon ko rin naalala na nakakabatang kapatid pala ni Dante ang babaeng kasama ni Adonis noon sa bench no'ng mga oras na hindi pinapansin ni Abraham si Faith.

Ang pangalan nung babae ay Lily, at balita ko ay sumali siya sa pageant, na gaganapin sa foundation day. Nakita ko lang ang pangalan niya doon sa list ng mga sasali. Lalo na ng pumili kami para ilaban sa bawat batch. At usap usapan din siya sa mga lalaki doon sa department namin dahil sa ganda nito maging sa mga juniors at lalo na sa mga pinsan kong lalaki. Lalo kay Danilo.

Hindi agad ako nakakibo dahil sa sinabi ni Ma'am Lucas. Nawala ang atensiyon niya kayna Adonis dahil ibinalik niya iyon sa akin.

Nginitian ako nito."Ah, oo nga pala. Kilala mo ba si Lily Suriaga? 'Yong babaeng nakaupo habang tumatawa at nanunuod kayna Dante?"

Tumango ako sa guro.

Pumalakpak ang ginang at hinawakan ang braso ko na ikinagulat ko."Alam mo ba na usap usapan sila ni Adonis? Dahil lagi daw silang magkasama, nakikita ko rin sila! Minsan nga parang gusto ko na lang isipin na may relasyon sila kaysa sa wala. Ang sweet kaya nila, at bagay sila para sa isa't isa! " Impit na tili nito.

Napangiwi ako nang tumili ito lalo na ng makapa ko ang kilig sa boses nito.

Ano namang gagawin ko? Pigilan sila? Tapos sabihin ko uy bawal iyan?

Akala ko ba ang teacher ay nagtuturo? Bakit nagiging tsismosa na ngayon? Lesson ba 'yan, Ma'am?

At nasisiguro ko namang hindi papatulan ni Adonis ang Lily na iyan dahil ayaw niya sa mga mayayaman.

Pero hindi ko naman sinabi na kahit maging mahirap ako ay malaya akong mapapatulan ni Adonis.

"Ay siya nga pala. " tumigil siya para harapin ako. "Nakalimutan ko ang plano ko kung bakit ako naparito. Pasuyo naman, Miriam. Pasabi kay Lily na may nakapili na pala sa sports na dapat ay sa kaniya sa pageant, kaya humanap na lang siya kamo ng ibang sports na pwede niyang irampa."

Accused Of Heart (Casa Bilarmino #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon